Chapter 7

546 61 20
                                    

And the situation just changed in a blink of an eye. Kung kanina lamang ay isa siyang expert witness biglang umikot ang sitwasyon at dinidipensahan na niya ang sarili.

At bilang expert witness ang kanyang kredibilidad na ang kinukuwestiyun at pilit na sinisira ngayon nang mismong abugadong nakiusap na tulungan sila. At ang lahat nang ito ay dahil sa magaling na kuwento ni Samara.

She made her look like she forced her to make-up stories, she made her look like she helped her messed up Samara's already messed up brain. He painted the picture na siya ang nagtanim ng ideya sa isipan ni Samara tungkol sa pagkamatay ni Steven at pinapaamin niya ito. And to the eyes of the many she became the bad guy.

"How do you treat your patients Doctor Madrigal?" ang tanong ni Attorney Pinlak sa kanya habang naglalakad ito sa gitna at siya naman ay nakaupo na muli sa witness stand para sa pagtatanong.

"I treat them as my friend," ang kanyang sagot at napasulyap siya kay Samara at nakita niyang nagtaas ito ng isang kilay sa kanya. Her eyes that were filled with tears just a while ago was now full of hatred and it was shooting daggers at her.

Tumango si Attorney Pinlak at nagpatuloy ito sa paghakbang na paminsan-minsan ay humuhinto para humarap sa kanya o di kaya naman sa audience.

"How do you treat a friend?" ang tanong nitong muli sa kanya.

"Uhm, I will listen to them, be their shoulders to cry on, listen without judging, gave them soothing words that nothing is wrong with them," ang sagot niya.

Muling tumango ang matandang lalaking abogado at sa pagkakataon na iyun ay tumayo ito sa kanyang harapan, "sa tuwing nagsasabi o naglalahad ang iyong pasyente sa iyo doktora, anong ginagawa mo? Do you chat with them? Give them advices?"

Umiling ang kanyang ulo, "I don't necessarily give them advice, my only job is to listen and analyze kung nakararanas ba ang ang pasyente ng depression or any mental illness," ang kanyang sagot dito dahil sa iyun ang katotohanan, "I do talk to them sometimes, to comfort them, and the least I can do is to prescribed medications lalo na kapag hindi makatulog ang isang pasyente o kaya naman if the patient is experiencing schizophrenia." Ang kanyang paliwanag.

"Sa mga sessions ninyo? Nang pasyente mo ang nasasakdal na si Samara," sandali itong huminto, "may mga kinukuwento ba siya sa iyo tungkol sa kinakasama nitong si Steven Poblacion?"

Muli siyang napasulyap kay Samara na nakaupo sa tabi ng mommy nitong masama rin ang tingin na ibinibigay sa kanya. Naalala niya kanina nang marinig nito ang sinabi ni Samara patungkol sa siya raw ang nagsabi sa anak nito na magsabi na ng totoo. Mrs. Cortez quickly walked towards her and slapped her on her right cheek saka siya nito sinumbatan.

"Yes, she told me, not in the exact words but, as to my remembrance of her statement to me na, babaero si Steven Poblacion at sinasabihan siya nito ng baliw,"-

"Why? Why did he call her crazy?" ang putol sa kanya ni Attorney Pinlak.

"Dahil sa pinagdududahan niya ito, na mayron na itong ibang babae," ang sagot niya.

Muling tumango ang matandang abogado at nagsimula na naman itong maglakad.

"May patunay ka ba sa mga sinasabi mo doctor madrigal?" ang tanong nito sa kanya.

"Yes, it is an SOP na i-record ang usapan namin every session para na rin sa pag-aaral ko," ang sagot niya.

"That's good," ang sambit nito habang tumatango.

"Sa pagkakatanda ninyo, sa inyong pag-uusap, oh well sa kanyang paglalahad, nang nasasakdal na si Samara, ano ang tawag niya sa kanyang kinakasama na si Steven? Did she ever curse him? called him names? Maliban sa babaero?" ang tanong nito sa kanya.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon