Chapter 25

546 60 30
                                    

Napaatras ang mga paa ni Shiloh papalayo sa bookshelf nang marinig niya ang tinig ng batang babae. It was a different voice, hindi iyun ang boses na naririnig niya noon. Was it the voice of Estelle? Ang memory ba nitong naiwan ang kaniyang nakikita at naririnig? Ang tanong niya sa kaniyang sarili. Naalala niya ang sinabi sa kaniya kanina sa party ni Mr. Taurus. Ang tungkol sa pamilya Cross. Unang namatay dahil sa sakit ang batang Cross na si Estelle at sumunod ang mga magulang nito dahil sa pighati nang pagkawala ng anak na si Estelle.

"Estelle?" ang bulong niya sa pangalan nito, "Estelle is that you?" ang dugtong pa niya ngunit katahimikan na ang sumagot sa kaniya. Muli siyang humakbang palapit sa bookshelf humawak ang kaniyang mga kamay at muli niyang idinikit ang kaniyang mga tenga kung maririnig niya ang kaluskos sa likod nito. Ngunit wala na siyang narinig pa.

Nang may mga mabibilis na pagkatok sa nakasarang salamin ng bintana at napasigaw siya sa gulat. Isang tili ang kaniyang pinakawalan at natuon ang kaniyang mukha at katawan sa direksiyon nang nakapinid na bintana na hindi na niya nilagyan pa ng mga kurtina.

Napahawak ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib at sa kaniyang lalamunan. Ang pintig ng kaniyang puso ay parang mga paa ng kabayo na mabilis na tumatakbo sa labis na kaba.

Nawala na ang mga pagkatok sa bintana kasabay ng kaniyang pagtili. Mukhang natakot ang kung anuman o sinumang kumatok sa bintana kanina. Pero ang kaba sa kaniyang dibdib ay nanatili pa rin.

"Ah!" ang hiyaw niya kasabay ng pag-atras ng kaniyang paa nang muli niyang marinig ang mga pagkatok mula sa labas ng nakapinid na bintana. Dahil walang liwanag na nanggagaling sa labas kaya naman hindi niya makita o maaninag man lang ang kung anumang kumakatok sa labas nito.

Napalunok siya at pilit niyang tinawag ang tapang na meron pa siyang naitatago, "sino yan?"! ang sigaw niya at muling nawala ang mga pagkatok sa labas ng bintana.

Nanatili siyang nakatayo malapit sa bookshelf ngunit ang kaniyang mukha at katawan ay nakaharap sa isa sa mga bintana ng kaniyang classroom. Ilang segundo pa ang lumipas at wala nang mga maliliit na pagkatok siyang narinig.

At para maunahan niya at kaniyang mahuli ang kung sinumang kumakatok sa labas ng bintana ay dali-dali siyang lumapit at mabilis niyang inalis ang lock sabay tulak niya sa shutters ng mga bintana na yari sa salamin at nagulat siya nang may muntik nang pumasok na ibon sa bintana at nabugaw ito nang itulak niya ang mga magkabilang shutters nito.

"Shit," ang kaniyang sambit at ang kaniyang mga kamay ay napunta sa kaniyang mga bewang. At napayuko siya kasabay ng pagbuga niya ng malalim na hininga. She felt relieved dahil sa isang ibon lang pala ang kumakatok sa labas ng kaniyang bintana at hindi kung anupamang bagay o sinuman. 

Inilapat niya ang kaniyang mga palad sa kaniyang dibdib at pilit niyang pinakalma ang kaniyang sarili. Mukhang napag-tripan ako ng ibon, ang sabi niya sa kaniyang sarili at humakbang siyang palapit sa bintana para hilahin at isara ang mga shutters ng bintana. 

Siguro ang ibon din na iyun ang gumagawa ng ingay na akala niya ay nanggaling sa likod ng bookshelf. Pero paano ang tinig ng bata? Napabuntong-hininga siya, sigurado siyang kay Estelle iyun. Maybe it was one of her memories sa bahay na may kinatatakutan ito. Natakot din ito sa ibon?

Sandali pa muna niyang tiningnan ang mga bintana bago niya ito tinalikuran at saka niya dinampot ang diary at ibinalik niya sa metal chest at saka niya binitbit ito kasama ng wala nang laman niyang mug.

Bumalik siya ng kusina para ilagay ang mug sa lababo at saka siya dali-dali na umakyat ng bahay. Dumiretso siya sa kaniyang silid at saka niya inilapag ang metal chest sa ibabaw ng kaniyang kama. She decided to ready herself sa kaniyang pagtulog kaya naman nagtungo muna siya sa loob ng kaniyang bathroom na bago na ang lahat ng mga faucet dahil na rin kay Oslo.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon