Chapter 26

521 60 24
                                    

Umatras si Shiloh mula sa kaniyang malaking whiteboard at tiningnan niya ang kaniyang isinulat doon. "Welcome students!" ang kaniyang isinulat sa whiteboard at hindi niya napigilan ang ngumiti.

Ibinalik niya ang marker sa lalagyan nito sabay pihit ng kaniyang katawan para humarap sa mga nakaayos na lamesa sa loob ng silid. Sa bawat lamesa ay may pencil holder at set ng crayons. Malinis at maayos ang lahat ng gamit maging ang mga aklat. Sa Araw na iyun ay magsisimula muna sila sa pagpapakilala para maging at ease muna ang mga bata sa kaniya.

Tiningnan niya ang oras sa nakasabit na wall clock at nabasa niyang alas-nuwebe na nang umaga. Iyun na ang oras na magsisipagdatingan ang kaniyang mga estudiyante. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang loob ng classroom at saka siya naglakad palabas para hintayin ang pagdating ng mga batang nais pang matuto at mahasa sa pagbabasa at pagsusulat.

Tumayo siya sa front porch sa pinakadulo ng hagdan at tumanaw siya sa driveway habang hinayaan niyang nakabukas ang dalawang double doors para sa welcoming feel na dala nito. Pero bigla siyang nakadama ng kaba, dahil sa papaano kung walang mga magulang ang pumayag na pag-aralin ang mga anak nito sa kaniyang school. Natulungan man siya nina Mr. Taurus at Mrs. Martha sa pamamalita ng kaniyang school pero balewala pa rin dahil sa ang mga magulang naman ang masusunod pa rin sa pag-aaral ng mga anak nito.

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba habang matiyaga siyang naghihintay sa mga bata. Ayaw naman niyang mauwi sa wala ang pagod ni Oslo at maging ng konseho na tumulong sa kaniya kung ni isang bata ay walang sumipot.

Matiyaga siyang naghintay ngunit ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin ni isang bata ang dumating. At may pangyayari sa kaniyang buhay siyang naalala na nagpakirot sa kaniyang puso.

Naalala niya noong nagsisimula pa lamang niyang madiskubre ang kaniyang sumpa at isang hindi kanais-nais na pangyayari iyun sa loob ng kaniyang paaralan. She was beginning to see some things na nagbigay sa kaniya ng takot at panic sa harapan ng mga kaklase niya. She kept on insisting na may babaeng estudiyante na puso dugo ang mukha na nakatayo sa sulok ng pintuan na naiyak siya sa labis na takot. Pero dahil sa hindi nila nakikita ang kaniyang nakikita ay naging tampulan siya ng katatawanan. Nauwi pa sa pagpapatawag ng Guidance Counselor sa kaniyang mga magulang dahil sa gumagawa raw  siya ng kuwento para takutin ang guro at kaniyang mga kamag-aral. At doon na nagsimula ang lahat sa kaniya. Nilayuan siya ng mga kaklase niya at kahit pa ng kaniyang mga kaibigan. She became the school freak. At nang magdaos ng engrandeng party ang kaniyang mga magulang para sa kaniyang ika-tenth birthday ay wala ni isa sa mga pinadalhan ng imbitasyon ang nagpunnta.

At naulit ang anticipation at anxiety na naramdaman niya noon sa mga sandaling iyun habang nakatayo siya at naghihintay sa itaas ng porch. She saw the ten-year-old girl, all dressed-up in a yellow dress with a tiara on her head waiting patiently for her guests that will never arrive.

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan, mukhang hindi niya tuluyan na naiwan sa Manila ang kaniyang nakaraan dahil sa hanggang sa mga sandaling iyun ay nakasunod pa rin ito sa kaniya.

Umalis siya sa gitna ng porch at humakbang siya sa tabi para isandal ang kaniyang likod sa pinakaposte ng hagdan at doon ay naghintay pa rin siya. Mag-iisang oras na siyang naghihintay na lagpas sa itinakdang oras ng kaniyang pagsisimula. Nagkrus ang kaniyang mga bisig sa kaniyang dibdib at pati na rin ang likod ng kaniyang ulo ay isinadal niya sa poste at sandaling ipinikit niya ang kaniyang mga mata.

Pinakiramdaman niya ang katahimikan ng paligid at ang pag-ihip ng malamig na hangin sa kaniyang pisngi. Nanatili siya sa ganung ayos nang may kumuha ng kaniyang atensiyon nang magsimulang tumunog ang sahig. The slabs of wood of the front porch started creaking as if someone was walking on the front porch.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon