Chapter 39

608 67 56
                                    


Nakaramdam ng kaba si Oslo habang papalapit ang kaniyang sasakyan. Bakit sila narito ngayon? At sa unang pagkakataon? Ang tanong ng kaniyang isipan.

"Tatay? Bakit po may mga pulis? Parang iyan din po yung sasakyan ng pulis kahapon hindi po ba?" ang tanong ni Heaven sa kaniya at pasimpleng sinulyapan niya ang kaniyang anak at patago siyang nagsalita. Kunwari na may inabot siya sa patungan ng sasakyan sa harapan nito.

"Heaven pakiusap pagbaba natin huwag kang magsasalita," ang mahina at patago niyang sambit sa anak habang ang kaniyang mga mata ay diretsong nakatingin sa harapan ng bintana kung saan nakita na niyang lumabas sa sasakyan nito ang dalawang pulis na kaniyang nakita na rin kahapon nang makita niya si Shiloh sa harapan ng bahay ng mga magulang ni Celeste.

"Bakit po?" ang mahinang tanong ni Heaven sa kaniya at mahina rin ang boses nito na tila ba ramdam ni Heaven ang kaniyang kaba.

"Hindi maganda sa bata ang sumasali sa usapan ng matatanda, pagbaba natin ng sasakyan ay pumasok ka agad sa loob ng bahay at sa iyong silid, hmmm?" ang kaniyang bilin sa anak at nang sumulyap siya rito ay mabilis itong tumango.

Itinabi niya ang kaniyang sasakyan at inihinto na malayo sa sasakyan ng mga pulis. Sinulyapan niya ang mga ito at nakita niya ang mga mata nito ay nakatuon din sa kaniya ngunit walang emosyon na mababasa sa mga mata o sa mukha ng mga ito kaya naman mas lalo pa siyang kinabahan.

"Hintayin mo ako," ang sabi niya kay Heaven na nanatili pa rin na nakaupo habang nakatingin sa dalawang pulis na nakatayo sa tabi ng sasakyan ng mga ito. Nauna siyang bumaba at saka siya tumawid sa harapan para pagbuksan si Heaven para tulungan ito na makababa at saka niya hawak kamay na pinapasok ito sa loob ng kanilang bahay at kaniyang hinila ang pinto para isara ito. At naglakad na siya palapit sa mga pulis para harapin na ang mga ito.

"Magandang umaga po," ang kaniyang magalang na pagbati na may kasama na pagtango.

"Ang aga niyo palang mag-ama na mamalengke, ang tagal namin na naghintay dito sa harapan ng...huh bahay mo," ang sagot ng pulis na natatandaan niyang, kaniyang nakaharap kahapon nang hawakan nito ang pulsuhan ni Shiloh.

"Maaga po kasing nagsasara ang pamilihan sa araw ng Linggo," ang kaniyang sagot habang nakatungo ang kaniyang mukha.

"Alam namin hindi mo na kailangan pa iyang sabihin, anong tingin mo sa amin? Ha? Tanga?" ang galit na tanong nito sa kaniya. Ang pulis na may singkit na mga mata ang tanging nagsasalita sa sandaling iyun.

Umiling ang kaniyang ulo, "hindi po," ang matipid niyang sagot.

"Huh, mukhang umaangat na ang buhay mo ah, nakakabili ka na ng pagkain ngayon?" ang mapang-insultong sabi nito sa kaniya. Pero pinalipas niya ito, sanay na siya sa mga pang-iinsulto kaya naman hindi na siya nakaramdam pa ng sakit sa sinabi nito dahil naman sa iyun ay katotohanan.

"Opo salamat po kay Miss Shiloh at may trabaho po ako at siyempre sa konseho dahil sa inirekomenda po nila ako sa trabaho na ito," ang kaniyang mapagkumbaba na pasasalamat.

"Mabuti at alam mo kung sino ang pasasalamatan mo, pero," sandaling huminto ito at narinig niya ang pagsingasing nito.

"Mukhang nakalimot ka kahapon," ang paalala nito sa kaniya, "at kaya kami narito ay dahil sa pinaalam na namin sa konseho ang mga nangyari kahapon." Ang saad nito at doon na umangat ang kaniyang mukha para bahagyang tingnan ang mga matang singkit ng pulis na kaniyang kaharap. At napalunok na siya sa kaba dahil nga sa sinabi nitong alam na ng konseho ang mga nangyari. Nakaramdam siya ng kaba hindi para sa kaniyang sarili kundi para kay Shiloh.

Hindi siya sumagot at muling tumungo ang kaniyang mukha para umiwas sa mga mata nito at iyun naman ang nararapat sa kaniya sa tuwing may kaharap siyang taga-Cross Pines.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon