Chapter 28

517 58 37
                                    

Maayos niyang ipinarada ang kaniyang sasakyan sa may harapan ng isang lumang simbahan. Araw iyun ng Linggo at tulad ng nakagawian sa Cross Pines half day lamang ang lahat ng establishments maging ang palengke. Tila ba nakatuon lamang talaga ang araw ng Linggo bilang araw ng pamamahinga, pagsamba, at para sa pamilya.

It seems that here in Cross Pines they have this tight family values, ang sabi ni Shiloh sa kaniyang sarili. Kinuha niya ang kaniyang salamin para tingnan ang kaniyang sarili. Nag-effort siya na mag-ayos sa hapon na iyun dahil na rin sa isang mahalagang okasyon. Naimbitahan siyang dumalo sa kasal o mga kasal.

Nang makatanggap siya ng imbitasyon mula kay Mrs. Martha ay napag-alaman niya na isang tradisyon sa Cross Pines ang sabay-sabay na kasal ng mga magkakapareha. Walang ikinakasal sa Cross Pines na para lamang sa iisang couple. Though Shiloh, find it odd pero ito ay isang tradisyon na hindi na mababali pa dahil sa napagsalin-salin na mula sa mga ninuno nito.

Napabuntong-hininga siya, nakakainggit pa rin kahit na magkakasabay ang kanilang kasal, at least sila nakita na nila ang mga taong makakasama nila sa buhay samantalang siya? Mukhang mahaba-haba pang paghihintay ang kaniyang bubunuin. Hindi lang kasi lalaking mamahalin niya ang kailangan niyang mahanap kundi kailangan din niya ang lalaking mauunawaan kung ano siya. Kung anong meron siya, ang giit niya sa kaniyang sarili.

Isang buntong-hininga na muli ang kaniyang pinakawalan and she smoothed the sides of her hair that she wore into a neat bun. She also wore a dress with the color that was as green as Oslo's eyes. Kaya naman iyun ang kaniyang isinuot dahil sa, it reminds her of Oslo. At tinernuhan na lamang niya iyun ng nude high-heeled pumps at naglagay na lamang siya ng kaunting pampakulay sa kaniyang mukha.

Tiningnan niya ang kaniyang mga regalo para sa couples. She never attended a wedding before kaya naman hindi niya alam kung anong ireregalo niya sa mga ito. Alam niya na sa kultura ng Cross Pines na mao-offend ang mga ito kapag pera ang kaniyang ibinigay. Kaya naman kinailangan pa niyang magtungo kahapon sa Villareal para maghanap ng kaniyang puwedeng iregalo sa bagong kasal. At dahil nga sa wala siyang kaide-ideya ay nauwi na lamang siya sa ten thousand pesos worth of gift check ng isang mall sa bayan ng Villareal, for each couple para ang bagong kasal na ang makakapili ng mga gusto nitong bilhin.

Bumaba siya ng kaniyang sasakyan at napansin na rin niya ang mga sasakyan na nakaparada sa harapan ng simbahan. Wala na siyang nakitang tao sa labas at bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil sa baka nahuli na siya ng dating at ayaw naman niyang gumawa ng grand entrance at umagaw ng eksena.

"Am I late?" ang tanong niya sa kaniyang sarili sabay tingin niya sa kaniyang suot na relo at nakita niya na thirty minutes pa bago ang itinakdang simula ng ceremony.

Pero bakit wala nang tao sa labas at may naririnig na siyang boses sa loob na para bang may misa na? Ang tanong niya sa kaniyang sarili.

Papasok na sana siya sa loob ng pintuan ng simbahan nang mula sa pintuan ay lumabas si Mrs. Martha para salubungin siya.

"Miss Shiloh," ang mahinang bati nito sa kaniya na tila ba maiistorbo ng kanilang mga boses ang misa sa loob.

"I'm sorry am I late?" ang kaniyang tanong at paghingi niya ng paumanhin at tinapatan niya ang hina ng boses nito.

Umiling ang ulo ni Mrs. Martha at hinawakan nito ang kaniyang braso. Pero sa halip na igiya siya nito papasok sa loob ng lumang simbahan ay papalayo sila ng simbahan at patungo sa bandang likuran nito.

"Uhm, hindi ka late Miss Shiloh, ang ceremony ng kasal ay dito sa garden sa likuran ng simbahan pati ang reception," ang sabi ni Mrs. Martha sa kaniya habang naglalakad sila patungo sa likuran at napansin ni Shiloh na nakahawak pa rin si Mrs. Martha sa kaniyang braso.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon