Chapter 46

568 64 81
                                    


Nagitla si Shiloh nang biglang bumukas ang pinto at napaatras ang kaniyang paa nang maramdaman niya na tila may dumaan sa kaniyang harapan na malakas na puwersa ng hangin at bahagya siyang itinulak. At ang kanina lamang na maingay ng silid na puno ng mga boses ng pagtatalo ay tahimik na nang tumambad na sa kaniya ang kaniyang silid na tanging ang kaniyang mga gamit lang ang laman.

Saka niya tiningnan ang kaniyang tabi kung saan kanina ay katabi niyang nakatayo sa may harap ng pintuan ng kaniyang silid si Lila.

Humakbang siya papasok at umikot ang kaniyang katawan para pasadahan ng tingin ang kabuuan ng kaniyang silid. Ang dati ring silid ni Estelle.

Katulad niya si Estelle, she's also a clairvoyant! Ang sigaw ng kaniyang isipan. Hindi kaya? Baka kaya siyang tulungan nito? ang tanong ng kaniyang isipan at saka siya naupo sa paanan ng kaniyang kama. Huminga siya ng malalim and she tried to relax her heart and mind. Hindi niya pa ito nasusubukan, pero kung nagawa niya kay Samara baka makahingi siya ng tulong kay Estelle.

Isang malalim na hininga muli ang kaniyang nilanghap at nilinaw niya ang kaniyang isipan at kaniyang inilagay ang kaniyang presensiya sa buong kabahayan.

"Estelle, help me, we are the same, let me see what you had seen in this house, let me hear what you had heard, and let me feel what you had felt, help me unravel the secrets of Cross Pines," ang kaniyang bulong. "Let you and Lila help me." Ang bulong niya at hinayaan niya ang kaniyang sarili sa ganun sitwasyon hanggang sa makaramdam siya ng kakaibang lamig sa paligid.

At nang wala siyang makitang imahe sa kaniyang isipan at boses sa kaniyang pandinig ay unti-unti niyang binuksan ang talukap ng kaniyang mga mata. Kumurap-kurap ang kaniyang mga talukap as she tried to clear her vision. Kumunot ang kaniyang noo.

Tumayo siya at umikot ang kaniyang katawan para pasadahan ng tingin ang kabuuan ng silid. There was a four-poster bed but the gauzy curtains were not white just like hers but it was a soft color of pink. The wall paper inside the room was of pink color as well with small lilac-colored flowers. A bookshelf full of children's books near the wide window with white curtains was moving from the soft breeze that was coming from the outside. A shelf full of dolls and a doll house that looks like the Lake House decorated the room.

Hindi iyun ang kaniyang silid. Silid iyun ng isang batang babae, ang sabi niya sa kaniyang sarili.


Narinig niya ang ingay mula sa labas ng bahay at nagmumula iyun sa salas. Tatayo na sana siya nang biglang bumukas ang pinto at tahimik na pumasok sa loob ng silid ang isang babae. She looks young about the same age as hers. And she is very beautiful. She's got that innocent looking face. She wore her hair in a neat bun on the back of her head and she was wearing a dress with an apron in front of her skirt. At humakbang ito papalapit sa kaniya.

"Your papa will be expecting visitors, don't go out of this room you hear? Don't make any noise nor any sound, please Estelle," ang bilin at pakiusap nito sa kaniya. At doon niya napagtanto na siya at si Estelle ay naging isa.

"Yes," ang kaniyang sagot. At isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi nito na iginawad sa kaniya at tahimik din itong lumabas ng kaniyang silid.

Humakbang siya palapit sa pintuan at binuksan niya ang pinto at bumungad sa kaniya ang second floor landing na iba rin ang pagkaka-ayos. May carpet na nakalatag at may mga Chippendale seats at center table na naka-ayos sa gitna ng foyer na tila isang family area. May mga nagtataasan na lampshade sa bawat kanto ng open area ng second floor. Lumingon siya sa direksiyon ng mataas na hagdan kung saan nadirinig niya sa ibaba ang pag-uusap ng kaniyang mama at papa at mayroon siyang isang boses na narinig mula sa isang lalaki.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon