Chapter 16

571 59 25
                                    

Malapad ang ngiti ni Mrs. Martha na naglakad papalapit sa kanilaat sa tabi nito ang lalaking kanina lamang ay pumasok sa kaniyang isipan. May koneksiyon ba ito kay Miss Dorothy? Ang tanong niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan nila ang dalawa na makalapit. At doon na niya napansin na umatras si Oslo at yumuko ang ulo nito. Tila ba itinatago nito ang mukha sa lalaking paparating.

"Kamusta ka na Miss Shiloh?" ang tanong ni Mrs. Martha sa kanya.

"Mabuti naman po, heto abala na sa pagpapaganda ng bahay," ang kaniyang magiliw at magalang na sagot.

"Sa wakas ay nameet ko na rin ang bagong may-ari ng Lake House," ang sabat ng lalaking nakatayo sa tabi ni Mrs. Martha. Ngumiti si Shiloh at tumango, at pinagmasdan niya ang lalaking nakita na niya sa kaniyang isipan kanina lamang. Ngunit sa sandaling iyun ay mas nakita niya ito nang malapitan at napag-aralan niya ang mukha nito.

He looks like he's in his late forties, but still kakikitaan pa rin ng tikas ang hitsura at pangangatawan nito. At hindi masakit sa mata ang mukha nitong mala-Griyego ang hulma ng mukha.

"I'm Mr. Taurus Pacio ang pinuno ng konseho rito sa Cross Pines," ang pagpapakilala nito sa kaniya at inilahad nito ang kamay nito para makipagpalitan ng handshake. Tiningnan niya muna ang kamay nitong nakalahad, pero dahil sa bago lamang siya sa lugar na iyun ay ayaw naman niyang magmukhang bastos sa mga likas nang naninirahan sa Cross Pines at sa pinuno pa nito. 

"It's a pleasure to meet you sir," ang kaniyang magalang at nakangiting sagot sa lalaking nagngangalang Taurus Pacio na nagpakilalang pinuno ng konseho ng Cross Pines. Hindi niya inakala na iba pala ang tawag sa namumuno ng isang baryo sa Cross Pines sa kaniyang nakasanayan. At doon ay inabot na niya ang nakalahad nitong palad and she braced herself of what she's going to see.

At sa sandaling naglapat ang kanilang mga palad ay mukha ng isang lalaki ang kaniyang nakita. She wasn't be able to clearly see his picture, but the only thing that she remembered was the man has a mustache on his face.

"Kami ang nagagalak at mayroon nang tumira sa Lake House, ang tagal na nanatiling bakante ang bahay na iyun at walang isa man ang nag-isip na bumili nito. At napaka-suwerte pa namin na isang katulad mo ang nakabili sa malaking bahay na malaking parte ng Cross Pines. And the Cross Pines Council would like to extend our gratitude dahil sa napakalaking tulong para sa aming maliit na komunidad ang perang napagbentahan at ang pasobrang regalo ninyo sa pagbili ng Lake House," ang saad nito habang nakapagkit ang malapad na ngiti sa mga labi nito.

"I think it is just enough sir, dahil sa inalagaan ninyo ang bahay, I think...the house was really meant for me, ang tagal ko nang naghahanap ng ganun na bahay dahil nga sa... it is the house of my dreams, and I am very thankful na natagpuan ko ang bahay, and ang Cross Pines," ang kaniyang magiliw na sagot.

"We're really glad na naging parte ka ng Cross Pines, and to show our appreciation napag-usapan nga namin ng lahat ng member ng konseho na magdaos ng isang simpleng welcome party para sa iyo Miss Shiloh, to welcome you as one of the citizens of Cross Pines," ang sabi ni Mr. Taurus sa kanya na kanyang ikinabigla. 

She was never welcomed before, kahit pa sa institution na kanyang kinabilangan noon bilang isang member na psychiatrist ay hindi naman siya binigyan ng welcoming party o kahit na simpleng coffee meeting man lang, but here? Kaya siguro malapit ang mga residente ng Cross Pines sa isa't isa.

"Thank you for that sir, pero...ayoko naman po na makaabala ako sa inyo," ang kaniyang nahihiya na pagtanggi sa alok nito.

Mabilis naman na umiling ang ulo ni Mr. Taurus at mas lumapad pa ang ngiti sa labi nito, showing his white set of teeth.

"Oh no, hindi kami maaabala, and besides it's been a long while mula nang nagkaroon kami ng pagdiriwang dito sa Cross Pines, actually ang madalas na magpa-party noon ay yung mga dati pang nakatira sa Lake house, ang pamilyang Cross," ang sagot nito sa kaniya.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon