Chapter 8

577 61 8
                                    

"Mommy?" ang pagtawag ni Shiloh sa kanyang mommy. Habang hawak niya ang maliit na teapot at nagsasalin siya ng tsaa sa kanyang teacup na gawa sa porselana.

"Yes honey?" ang malambing na tanong nito sa kanya. It was a lazy Sunday afternoon. She was seated on an iron chair sa harapan ng bilog na salamin na lamesa na may mga bakal na paa. Nasa garden sila noon ng kanilang bahay kung saan naglalaro siya ng kanyang tea party. Habang siya ay abala sa kanyang paglalaro ang mommy naman niya ay nagko-cross stitch at ang kanyang daddy naman ay nagbabasa ng paborito nitong libro.

"Can I serve the old lady some tea?" ang tanong niya sa kanyang mommy at natigilan ang kanyang mommy sa pagsundot nito ng karayom sa hawak nitong tela at ang daddy naman niya ay mablis na binawi ang mga mata sa binabasa ng nitong libro. Nagpalitan ng tingin ang kanyang mommy at daddy at saka siya nito tiningnan.

"Who's the old lady Shiloh?" ang malumanay na tanong ng kanyang mommy sa kanya.

"The old lady seating in front of me mommy, can't you see her? She's wearing a purple dress with a big flower on the right side of her chest," ang sagot niya at nagtataka siya kung bakit hindi makita ng kanyang mommy at daddy ang matandang babae na nakaupo sa silya sa kabilang side ng lamesa.

"She"s got whte hair that is styled into a neat bun and she is smiling at me mommy," ang dugtong pa niya bago siya bumulong, "she's so pretty."

"Honey...Shiloh? There is no old lady seating in front of you," ang mariin na sabi ng kanyang daddy sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo at mula sa kanyang daddy ay tiningnan niya ang matandang babae na nakangiti sa kanya habang nakaharap ito. Muli niyang tiningnan ang kanyang mga magulang at sinalubong ang mga mata nito.

"But she's there!" ang giit niya at inilahad pa niya ang kanyang kanan na kamay sa kanyang harapan para ituro ang silyang inookupahan ng matandang babae na sinabihan siyang tawagin niya itong lola.

"She told me to call her lola, she wants to play with me daddy."-

"Shiloh, I told you, no one's seating in front of you, stop making up stories okey?" ang mariin na sabi ng kanyang daddy sa kanya. Nagitla siya sa pagtaas ng boses ng kanyang daddy na bihira na mangyari kaya naman nanginig ang kanyang mga labi.

"But I am not making stories," ang giit niya at nangild ang luha sa kanyang mga mata dahil sa ayaw siyang paniwalaan ng kanyang daddy.

"I will never make-up stories." Ang dugtong pa niya at gusto na niyang lumuha nang sandaling iyun.

Ibinaba ng kanyang mommy ang hawak nitong tela at tumayo ito sa kinauupuan nitong silya para lapitan siya. Bahagya itong lumuhod sa kanyang tabi at hinaplos nito ang kanyang pisngi.

"Shiloh, anak, uhm, wala...wala kasing lola kami na nakikita ni daddy mo," ang sagot nito sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo at tiningnan niya ang matandang babaeng kaharap na nagpapatawag na lola sa kanya. Tumango ito sa kanya at malapad na ngumiti. May sinabi ito sa kanya at tumangu-tango siya bilang sagot at habang nangyayari iyun ay nagkapalitan naman ng tingin ang kanyang mommy at daddy dahil sa pinagmamasdan siya ng mga ito na nakikipagusap sa kawalan.

She looked at her mom's eyes bago siya nagsalita, "lola said that daddy was only seven years old nang mahuli siya nito na umiinom ng beer na tira sa loob ng ref sa dati nilang bahay," ang saad niya at nakita niyang nawala ang ngiti sa labi ng kanyang mommy at tiningnan nito ang kanyang daddy na nawalan ng kulay ang mukha habang nakatitig ang namimilog nitong mga mata sa kanya.

"Lola said she loves you daddy, very much," ang sabi niya sa kanyang daddy na nangilid ang luha sa mga mata nito bago ito tumangu-tango.

"I love you too mommy," ang lumuluhang sambit ng kanyang daddy.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon