Chapter 3

710 65 20
                                    

Pinisil ni Shiloh ang buto ng kanyang ilong at ipinikit niya ang mga talukap ng kanyang mata. Muli siyang dumilat kasabay ng pagbuga niya ng mabilis na hininga at saka niya tiningnan ang mug ng kape na nasa kanyang harapan. Hindi na niya mabilang kung naka-ilang mug na siya ng kape.

Mula pa lang kanina habang nasa opisina siya ay sinimulan na niya ang pag-inom ng kape. Pagkatapos niyang marinig ang sinabi ng pulis sa kanya tungkol sa estado o kalagayan ni Steven Poblacion, ang ex-partner at tatay ng nawawalang anak ni Samara.

Magkasama kaya ang dalawa? Did Steven abduct his child from Samara and hide somewhere? Pero bakit nito iyun gagawin? Ang mga tanong na gumugulo kay Shiloh. Both the father and child has gone missing at ang mga araw ng pagkawala ng dalawa ay halos nagkakalapit lang. The only difference was, Steven's disappearance was reported while Samara's child was not. O baka naman dahil sa sinabi ng ni Samara na mahal pa rin nito si Steven kaya hindi nito maamin na ang tatay ng anak nito at dating kapartner ang kumuha sa bata? Then why would she cry like that?!

She's getting impatient and she let out an impatient sigh saka siya muling tumayo mula sa silyang kanyang kinauupuan bitbit ang mug ng kape na wala ng laman. Humakbang siya palapit sa kitchen counter and for the 'nth time na hindi na niya matandaan ay sinalinan niyang muli ang kanyang mug ng kape.

She held the carafe and pour herself a generous amount of boiling hot coffee. She was about to replace the carafe when she heard the voices in her head...again.

She's lying! You can feel she's lying! She's hiding something and you can sense it! Ang sigaw sa kanyang isipan ngunit dinig na dinig iyun ng kanyang tenga. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan at hindi niya iyun pinansin. Nilagyan niya ng cream at asukal ang bagong salin na kape sa kanyang mug saka niya hinalo ito hanggang sa maging makrema ang kulay ng matapang na kape.

Touch her hand, that's all you have to do and you will know the truth! Ang sigaw ng boses sa kanya.

Isang mahinang tawa ang kanyang pinakawalan at nagtaas siya ng kanyang kilay saka siya naglakad pabalik sa mesa at muling naupo sa silya sa harapan ng kanyang dining table.

"Oh really," ang sambit niya sabay tawa, "hindi lahat ay nalalaman ko sa isang hawakan lang ng kamay," ang dugtong pa niya.

But still, you will know! Ang sagot nito sa kanya.

"Yup! I am a total nutcase! Ako yata ang nangangailangan ng psychiatrist dahil sa kinakausap ko ang aking sarili," ang malakas niyang sabi. At saka niya dinampot ang kanyang mug at tumayo siya para magtungo na sa loob ng kanyang opisina at doon ay aabalahin niya ang kanyang sarili sa kanyang trabaho.

Pero hindi pa siya nakakalapit sa pintuan ng kanyang home office nang tumunog ang kanyang phone na gamit niya para sa kanyang mga pasyente. Nagmamadali siyang lumapit sa maliit na mesang bilog sa tabi ng kanyang sofa kung saan naroon ang kanyang dalawang phone na naka-charge. She looked down and reached for her phone na para lamang sa kanyang mga pasyente and she unplugged it from the charger. She looked at the screen while it was blaring with the number of her caller. It was Samara. She glides her finger on the screen to answer the call.

"Samara," ang bati niya rito.

"You knew it was me?"! ang gulat na tanong nito sa kanya. Kinamot ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang noo at naglakad siya patungo sa kanyang home office.

"Yes, I saved your number on my phone Samara," ang kanyang malumanay na sagot dito. Magkasing-edad lang sila halos ni Samara pero sa kanilang dalawa tila ba siya pa ang mas may edad dito sa paraan ng pagsasalita. And it didn't matter to her, with her condition? She has to be fragile on her.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon