Chapter 34

528 60 27
                                    

Hindi na mapakali si Oslo mula nang makita niya si Miss Shiloh na nagmamadaling sumakay ng sasakyan nito para umalis ng Lake House. Hindi sana siya mag-aalala kung umalis lang ito ngunit hindi iyun ang dating Miss Shiloh na kapag umaalis sandali ay nagsasabi muna ito sa kaniya. At hindi iyun ang ginawa ni Miss Shiloh kanina. Halos takbuhin nga nito ang paglabas ng bahay at pagsakay nito ng sasakyan. At hindi lang iyun. Napansin pa niyang may luha ang mga mata nito.

At nang ilang oras na nga ang lumipas at hindi pa tin ito bumalik ay nakaramdam na siya ng pag-aalala kaya naman iniwan nila sandali ni Heaven ang bahay at saka sila sumakay ng sasakyan niya para hanapin si Miss Shiloh.

Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang maghanap ngunit naisipan na lamang niya na magtungo sa pamilihan at baka sakali na naroon si Miss Shiloh at abala lamang sa pamimili.

Sinulyapan niya si Heaven na nakaupo sa upuan kaniyang kanan. Tahimik itong nakaupo habang nakatanaw sa nakabukas na bintana. Saka niya ibinalik ang kaniyang mga mata sa harapan para tingnan ang daan na kanilang binabagtas.

Naisip niya ang dahilan kung bakit ganun na lamang ang iginawi ni Miss Shiloh. Napansin niya na tila malalim ang inisiip nito mula nang ilang Sabado na ang nagdaan na hindi pumapasok si Celeste.

Napabuntong-hininga siyang muli at isang pagguhit ng kirot ang gumuhit sa kaniyang dibdib nang maisip niya ang sinapit ng labindalawang-taong gulang na si Celeste na napili na magiging tagapagpatuloy ng bagong binhi. 

Ngunit hindi lang si Celeste ang nag-iisa, ang sabi ng kaniyang isipan at nakaramdam din siya ng awa para kay Miss Dorothy.

Naalala niya ang pakiusap nito sa kaniya na itanan na niya ito. Napabuntong-hininga siya dahil sa wala siyang kakayahan na gawin iyun, o wala siyang kakayahan na matulungan si Miss Dorothy. May isang buhay na kailangan niyang isaalang-alang na mas higit pa sa kaniyang buhay at iyun ay si Heaven. Alam niyang kapag ginawa nilang sumuway ay buhay ang magiging kapalit para sa kaniya at sa kaniyang anak. Nasaksihan na niya ito dati at hindi niya ilalagay ang buhay ng kaniyang anak sa kapahamakan.

Ngunit alam niya na kahit na walang Heaven na kailangan niyang protektahan ay hindi niya magagawang ibigay ang hinihiling ni Miss Dorothy na itanan na ito. Ibig sabihin kasi na kailangan nilang magsama na dalawa bilang mag-asawa at hindi niya kayang makisama sa babaeng hindi niya minamahal. Kahit pa isa siyang lalaki na nasa talampakan na ng lipunan ay ang kaniyang pag-ibig ang kaniyang tanging kayamanan. Kahit pa pagtulong iyun para kay Dorothy ay hindi niya mapagbibigyan ito lalo na at dumating si Miss Shiloh sa Cross Pines at binuhay nitong muli ang kaniyang puso. At hindi niya rin ito mapagbigayn nang dahil sa isang pangako.

"Tatay bakit parang may pulis sa harapan ng bakery?" ang narinig niyang tanong ni Heaven sa kaniya na nagpabalik ng kaniyang diwa mula sa kaniyang pag-iisip.

Kumurap-kurap ang kaniyang mga mata at kumunot ang kaniyang noo habang tinitingnan niya ang sinabi ng kaniyang anak. Ngunit hindi ang sasakyan ng mga pulis ang nakakuha ng kaniyang atensiyon iyun ay ang sasakyan ni Miss Shiloh.

Bakit may mga pulis? Anong nangyari? Ang takot na tanong ng kaniyang isipan habang unti-unti silang papalapit sa bakery na pag-aari ng mga magulang ni Celeste. Itinabi niya ang kaniyang sasakyan na may kalayuan sa mismong bakery. Inihinto niya ang kaniyang pick-up at saka siya lumingon sa kaniyang anak na si Heaven.

"Heaven? Anak dito ka lang ha? Titingnan ko lang kung anong nangyayari huwag kang lalabas ng sasakyan ha?" ang malumanay ngunit ay riin niyang bilin sa anak na mabilis naman na tumangu-tango.

Isang ngiti ang iniwan niya muna sa anak bago niya itinulak ang pinto at saka siya bumaba ng kaniyang sasakyan at pagkasara niya ay tiningnan pa muna niya si Heaven na kumaway pa muna sa kaniya bago soya tuluyan na naglakad patungo sa bakery. At doon ay narinig na niya ang mga boses ng lalaki at ang pamilyar na boses ni Miss Shiloh na nakikiusap dito.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon