Chapter 22

566 58 51
                                    


Tiningnan ni Shiloh ang kaniyang sarili sa salamin sa loob ng kaniyang silid. Isang bestida na kulay asul ang kaniyang isinuot para sa okasyon na iyun. Iyun ang araw ng party na plinano para sa kaniya ng mga taga-Cross Pines.

Araw iyun ng Linggo kaya naman wala ring trabaho si Oslo sa kaniyang bahay at ibig sabihin ay hindi niya makikita ang mag-ama. Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan habang sinusuklay niya ang kaniyang buhok na hinayaan niyang nakalugay lang hanggang balikat niyang tuwid na buhok.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan nang maalala niya ang kaniyang narinig noong Biyernes ng gabi. Isang beses pa lang niya iyung narinig at hindi na iyun naulit pa. Tila ba pinaglaruan nga lang siya ng kaniyang pandinig noong gabing iyun dahil itong sumunod na gabi ay nanatiling tahimik ang loob ng bahay at walang ingay o boses siyang narinig.

"Why was she crying? Ano bang nangyari sa anak na babae?" ang tanong niya sa kaniyang sarili habang inayos niya ang kaniyang buhok.

"Noo may kumakausap s aakin bakit ngayon sa bahay na ito wala? Napipi ka na ba?" ang malakas pa niyang tanong at ang kaniyang pinatutungkulan ay ang naririnig niyang boses noon na kumakausap sa kaniya na bigla na lamang nawala nang tumira siya sa Lake House.

Dinampot niya ang kaniyang pabango and she sprayed the blackberry and rose scented perfume sa kaniyang mga pulsuhan. At saka niya binigyan ang kaniyang sarili nang huling once-over at saka niya dinampot ang kaniyang handbag at lumabas na siya ng kaniyang silid.

Dumaan pa muna siya sa isang bakery para bumili ng cakes. Naabutan pa niya ang mga may-ari na papasara na ng bakery ng mga ito para dumalo na rin sa kasiyahan na idinaos para sa kaniya. Laking pasalamat na rin niya dahil sa hindi na siya mahihirapan na hanapin ang venue ng party.

The family was welcoming to her nang malaman nito na siya ang bagong residente ng Cross Pines ngunit naramdaman niya na may reservation ang mga ito. Maari dahil sa baguhan pa lamang siya at nahihiya ang mga ito sa isang bagong tao na katulad niya? ang sabi niya sa kaniyang sarili.

She followed their old blue lancer at napansin niya na iisa lang ang anak ng mga ito. She is a twelve-year-old girl named Celeste. At katulad ng magulang nito ay tahimik lamang ito at nagsalita lang nang batiin siya.

At habang binabagtas ang daan ay napansin niya na halos sarado na ang lahat ng establishments na kanilang nadaraanan. Mukhang halos lahat o lahat ng nakatira sa Cross Pines ay magtutungo sa welcome party para sa kaniya at nang mapagtanto niya kung gaano karaming tao ang haharapin niya ay naramdaman na niya ang kaba. Ang huling pagkakataon na humarap siya sa maraming tao ay nauwi sa kahihiyan at ang dahilan para mawalan siya ng trabaho at magtago sa isang lugar na nasa mapa pala ng Pilipinas para magtago. Though she's not having any regrets ay hindi niya maiwasan ang kabahan dahil sa hindi na rin niya nakasanayan na humarap sa maraming tao dahil sa kaniyang sumpa.

The realization that she has to shake the hands of so many people made her anxious. The amount of memory or images that will register in her mind made her heart sank.

"Well, hindi ko naman kailangan tanggapin lahat ng makikita kong imahe, huwag mo na lang tandaan, Shiloh," ang pagkausap niya sa kaniyang sarili.

Ilang sandali pa ay narating na nila ang venue. Iyun ang Council Hall na mukhang opisina ng mga namumuno sa Cross Pines. Malawak din ang property ng Counsel Hall na napalilibutan ng nagtataasan na puno ng Pino na mukhang likas na sa lugar na iyun. Napansin na niya ang mga sasakyan na nakaparada sa harapan ng two story building at sa hindi kalayuan sa building ay naroon na ang mga taong nagtipon.

Ipinarada na niya ang kaniyang sasakyan at saka siya bumaba dala niya ang dalawang box ng cake na kaniyang binili. At sinundan ng kaniyang mga paa ang direksiyon kung saan nagtipon ang mga tao. Napansin niya ang mga lamesang maayos na naka-arrange sa ilalim ng mga Pine trees na nagbigay ng lilim sa kanila. Kaya naman hindi na kinailangan pang maglagay ng tent para panangga sa araw. Sa gitna ng venue ay ang isang mahabang mesa kung saan nakaipon ang mga pagakin na dala ng bawat pamilya.

Hush-Hush (romantic - suspense) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon