Chapter 9 Ang Pagmamahal ng Isang Ama

203 12 0
                                    


Aizen...

     Pumasok ako sa office ni Brent. Nakita kong nakapikit siya sa harap ng Desktop niya. Hinihilot niya ng kamay niy ang kanyang noo.

   
     "Any problem Hubby?"

      Nang marinig niya ang tinig ko ay naging maaliwalas na ang mukha ni Brent. Naupo ako sa isang swivel chair sa desk niya. Inabot ni Brent ang kamay ko na ipinatong ko sa desk.

    
      "Medyo toxic lang Zen sa Construction firm natin. Madami akong rush na project sa Cebu at Davao. And then sumabay pa itong proposal ng TransAsia Builders Company. Pinag-aaralan kong mabuti yun alok nilang merge project na tulay sa San Ildefonso. Napakalaking tulay na project ang gagawin."

      "Wait 'yan ba yun pagdudugtungin dalawang isla? Ang alam ko 2,000 meters more or less ang distance ng dalawang isla." Pagconfirm ko.

      "Ito nga Zen, natalo tayo sa biding ng gobyerno. Pero heto gusto nilang magtulong tulong tayo with them sa ifrastructure na plano ng gobyerno." Sagot sakin ni Brent.

       "So what do you think? What is your decision Hubby?" Tanong ko sa kanya.

      "Pinagaaralan ko pang mabuti Zen. Lahat kasi ng laborers at heavy equipment natin nasa mga site, lahat okupado. Two to three months pa matatapos yun mga on going natin projects. Kung tatanggapin ko itong project kukulangin tayo ng labor force puwera lang sa mga engineers natin." Pagkatapos magsalita ni Brent ay napahawak siya sa kanyang batok.

     "Pati batok mo na ata sumasakit ah. Naabutan kita kanina sentido mo minamasahe mo." Pansin ko. Nagtungo ako sa likuran ni Brent para masahehin ang balikat niya.

     
      "Relax lang you don't to be stressed. Paminsan-minsan magpunta ka ng spa para ma-pamper mo sarili mo." Sabi ko.

      "Friday ngayon di ba? Why don't you try magpamassage malapit sa Culinary School ko." Dagdag ko.

      "Sige kaso may usapan kami ni Brandon ngayon na mag-gym kami today." Sagot ni Brent.

    
      "Ah may usapan na pala kayo? Wait speaking of Brandon nasabi mo na ba sa anak natin? Regarding sa balak natin pag-aralin sa New York si Aiken."

    
      Biglang napaangat si Brent ang likod ni Brent sa kinauupuan niya. Bahagya pa ata siyang nagulat sa pagremind ko sa kanya.

      "I'm sorry Love nakaligtaan ko. Hindi ko nasabihan si Brandon about that. I'm so sorry talaga love." Napaharap pa si Brent sakin habang nagsasalita.

     
      "Kaya pala ganun reaction ni Brandon. Naireport sakin ni Poldo na parang nagalit si Brandon nang malaman niya na mag aaral si Aiken sa States."

    
      "Hayaan mo tatawagan ko kagad si Brandon ngayon. Ipapaliwanag ko na nakalimutan ko siyang sabihan. It's my fault."

       Naramdaman kong nag-aalala si Brent. First time kong nalaman mula kay Poldo na nagalit si Brandon. Alam kong mabait naman ang anak kong si Brandon, kaso unlike Aiken hindi siya masiyadong open sakin. But I always make sure na updated ako sa kambal lalong lalo na sa kanya. May bagay lang minsan na di mai-alis sa isip ko is yun pagiging tahimik niya. Hindi ko tuloy mabasa ang ikinikilos at iniisip niya. Kaya nagworry ako nang malaman kong biglang nagalit si Brandon kanina.

      "Brent make sure na makausap mo ngayon si Brandon. Mamaya pagkauwi ko sa mansyon kung may chance pa ko na makausap siya ng sarilinan, sana maabutan ko pa siyang gising." I said.

 
       "Huwag kang mag-alala Zen' kakausapin ko siya mamaya. I promise." 
Nakikipag pinky swear pa sakin si Brent.

      Naparoll eyes na lang ako sa ginagawang ni Brent sa pampawala ng pag-aalala ko.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon