Chapter 49 Trials

117 11 5
                                    


      Nang imulat ni Brent ang kanyang mga mata. Natagpuan niya ang sarili niyang nakahiga sa hospital bed.

      "Get out!!!"

      "Get out!!!"

      "Get out!!!"

       Galit na galit siya nang makita si Razzo na nakaupo sa tabi niya. Inakala niyang si Kurt ito dahil identical twins si Razzo at ang taong kinamumuhian niya habang buhay.

     Hindi nagtagumpay si Brent na tapusin niya ang kanyang buhay . Iniligtas siya ni Razzo mula sa pagkakalunod.

    
       "Bro ako to ang Pare mo, hindi ako si Kurt." Sabi ni Razzo.

 
        Ngunit hindi pa rin matigil si Brent sa kakasigaw. Hindi siya naniniwalang si Razzo ang kasama niya sa ward at hindi ang kakambal nitong si Kurt.

     
        "No, I said get out!!!" Muling sigaw ni Brent.

       Hindi pa rin mawala-wala ang galit ni Brent kay Kurt dahil sa ginawa nitong pagsira sa buhay nila ni Aizen.

       Kaya naubusan na ng pasensya si Razzo at kahit na nasa ganoon kalagayan si Brent, lumapit si Razzo sa kanya para kuwelyuhan sabay bigwas ng sapak.

      "Kumalma ka hindi ako si Kurt! Maniwala ka sakin. Pinakiusapan ako ni Polds na alamin ang kalagayan mo, alam niya ang pinagdadaanan ng pamilya niyo. Katulad niya malungkot din akong wala na si Aizen. Hindi ako makapaniwalang wala na siya." Malungkot na sabi ni Razzo.

       Dahil sa ginawang iyon ni Razzo ay napakalma si Breny

        Napagtanto ni Brent na totoo ang sinasabi ni Razzo nang makita niyang napaluha ang dating kaibigan.  Basag ang tinig nito at ramdam na ramdam niya ang labis na kalungkungkan.

       "Huwag mo naman balewalain ang pagkawala ni Aizen. Huwag mong hayaan na mauwi sa wala mga pinaghirapan niya. May mga anak pa kayo na kailangan ng kalinga mo. Hindi lang ikaw ang nahihirapan mas higit kang kailangan ng Ina at mga anak ni Aizen." Pinalis ni Razzo ang luhang pumatak sa pisngi niya at nagsimulang umiyak.

       Binitawan na niya si Brent.

        "Kung mawawala ka paano na mga anak ninyong dalawa. Sino ang papawi ng lungkot at pangungulila nila kay Aizen. Hindi ka dapat bumitaw kahit na wala na si Aizen. Sa tingin mo matatahimik ba si Aizen kapag nakikita niyang nahihirapan kayong lahat ngayon."

   
        Napatingin si Brent sa bintana ayaw niyang makita ni Razzo ang pagdaloy ng mga luha niya. Akala niya ay maitatago niya ang pag iyak niya hanggang sa di niya mapigilan ang paghagulgol niya.

        Napaupong muli si Razzo sa upuan habang patuloy na umiiyak.

       Dalawang lalaking naghihinagpis sa pagkawala ng taong minahal nila ng sobra. Si Brent na buong buhay niya ay inilaan para kay Aizen at si Razzo na nagmahal kay Aizen nang mawala ang ala-ala nito.

       Nanghihinayang si Razzo sa pagkawala ni Aizen. Para sa kanya ay isang malaking kawalan si Aizen para lahat lalong lalo na sa mga natulungan nito.

Samantala...

      Inip na inip na si Lance na naghihintay sa malaking sala sa pagbaba ni Aiken mula sa kwarto. Halos isang oras na siyang naroon at ilang beses nang nagpabalik-balik ang mga maid sa kuwarto ni Aizen.

   
      Sinasabi lang ni Aizen na bababa na siya ngunit naroon lamang siyang nakaupo sa study table.

       Dahil dito ay nakaramdam na ng pagkainis si Lance kaya siya na mismo ang umakyat para harapin ang pamangkin.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon