Chapter 48 Death of Aizen

135 10 3
                                    


               

     Wala nang lulungkot pa sa tana ng angkan ng mga Shau-Chen ang pagkawala ni Aizen dahil sa trahedya.

      Isa sanang masayang pasisinayaan ang pagbubukas ng bagong tulay na magdudugtong sa dalawang isla na nauwi sa kahindik hindik na kamatayan  ng daang tao. Kabilang sa mga nasawi ang ilang miyembro ng local government ng mga nasabing isla, mga karaniwang tao na gagamit ng tulay, si Jeruel Francia kasama kanyang team at si Aizen kasama ang kanyang coordinates.

     Isang malungkot na balita ang natanggap ng mansyon nang ipatigil na ang search and rescue operation sa mga natabunan ng gumuhong tulay. Almost one week na ang nakakalipas, ipinagpapalagay ng mga eksperto at ilang official ng National Disaster Coordinating Council na maaring ang mga bangkay na hindi na matagpuan ay natabunan ng malalaking tipak ng tulay sa ilalim ng dagat.

      "No! That is not true, hindi pa patay ang anak ko!"

      Nakapalibot kay Director Ives ang kanyang sekretarya, bagong mayordomo at ilang high official na sumunod sa ranggo ni Cedrick. Pilit nilang pinapakalma ang ginang dahil inaalala nila ang kalusugan nito.

     
      "Mam kumalma po kayo baka alalahanin niyo po kalusugan niyo. Ang mabuti po siguro magpahinga muna po kayo." Ani ng caregiver.

      Tiningnan pa ng caregiver ang mga kasama niyang nakapalibot kay Director Ives na tulungan siyang hikayatin ng matanda.

 
       Ngunit the more na pinipilit nila ang matanda ay lalo itong humahagulgol at nais na makita si Aizen.

       "No! Gusto kong makita ang anak ko. Samahan mo ko Miss Pelaez, ibook mo ko ng ticket please! I wanna see my son Aizen." Pagmamakaawa ni Director Ives sa mga tauhan ng kanilang pamilya.

       "Madamme, lumipad na po sakay ng chopper sila Chairman Brent at Sir Cedrick. Manalangin na lang po tayo na ligtas si President Aizen. Tugon naman ng Deputy Director ng Security Agency, sumunod sa pinakamataas na puwesto ng mga security personnel.

       "Bakit ba hindi niyo ko sinusunod? Kailangan ko makita ang anak ko."

       "Madamme, sana po maitindihan niyo na nauunawaan po namin ang nararamdaman niyo bilang isang ina. Pero importante din po samin ang kalagayan niyo." Ani ng secretary.

       "Mam nakauwi na po si Sir Lance at Sir Aiken." Report ng isang security personel na lumapit sa kanila sa malaking sala ng mansyon.

        Wala pang isang segundo ay nakasunod na sina Lance at Aiken.

        "Lola!!!" Sigaw ni Aizen habang patakbong papalapit si Aiken kay Director Ives.

       
       "Hindi na po makita si Dada, wala na ang Dada ko!" Humahagulgol na sabi ni Aiken sa kanyang lola.

  
       "No hindi totoo 'yan hindi pa patay ang anak ko. Hindi ako naniniwalang patay na si Aizen!"

      
      Umiiyak din si Lance na halos hindi makakilos dahil sa sobrang saklap ng mga pangyayari. Napatakip na lamang siya ng bibig dahil sa kapighatian namamasdan kay Director Ives.

       Halos maglulupasay si Director Ives hindi niya matanggap na wala na si Aizen.

        Napasigaw ang lahat nang bigla na lang humandusay ang matandang ginang. Nawalan ng malay si Director Ives. Kaagad silang kumilos para saklolohan ang ginang.

Samantala...

        Nagmamadaling bumababa ng yate si Brent upang habulin ang OIC ng search and rescue operation.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon