Chapter 58 Ang Kagipitan ni Brandon

180 6 2
                                    

(Ang kabanatang ito ay nangyari bago makabalik ng Central District si Aizen)

      "Magandang umaga, tulog ka pa ba?"   Bati ni Yesi sa nakahigang si Brandon sa solo bed.

       Napansin ni Yesi na kakaiba si Brandon ngayong umaga kaya nilapitan niya guwapong amo. Nilapitan niya si Brandon para tingnan kung may sinat ito sa noo. Madalas kasing lagnatin ang binata dahil hindi ito masanay-sanay ang katawan sa mainit na tirahan.

        "Wala ka naman lagnat ah pero bakit parang ang tamlay mo." Puna ni Yesi. Hindi tulad ng madalas na pagbisita niya tuwing umaga ay nagwowork out ito sa sala. O kung hindi man ay maaga itong nagpupunta sa malapit na mumurahing gym

          "Pinag-aalala mo naman ako. Gusto mo ba dalhin kita sa duktor?" Tanong ni Yesi sa nakahiga pa ring si Brandon.

         Hindi nakatakas sa mga paningin ni Yesi ang pagpunas ni Brandon ng mga namumugtong niyang mga mata.

         "Pasensya ka na ha. Alam kong mabigat ang pinagdadaanan mo. Gingawa ko naman lahat para gawin ang trabaho ko. Yun nga lang hindi kita kayang pasayahin dahil mayaman ka ibang mga bagay ang nagpapaligaya sayo. Hindi katulad ko na mahirap lang. Naiintindihan ko na apektado na ang mental health mo. Kahit sino naman mabuburyong kapag nakakulong ka sa maliit na bahay na'to."

         "Bakit alam mo ang bagay na yan?" Tanong ni Brandon kay Yesi.

          "Siyempre naman ano naman tingin mo sakin bobo, hindi nag-aaral. Nag-aaral naman ako sa vocational nga lang. Kaya kahit anong hirap pakibagayan ng ugali mo iniintindi pa rin kita." Sagot naman ni Yesi kay Brandon.

   
         Nakatayo pa rin si Yesi sa harap ni Brandon. May surepresa si Yesi bitbit niya ang mumurahing damit na gagamitin ni Brandon para panggala nila mamaya.

        "Bakit ka ba nagtitiis sakin? I know that your f*ck up sometimes on me but your still there doing your job as my yaya."

        "Kakasabi ko lang di ba, ako lang sa ngayon ang makakatulong sayo. Siya nga pala bumili ako ng damit para isuot mo. Aalis tayong dalawa." Saad ni Yesi habang ibinubulatlat na ang mga gagamiting damiy ni Brandon.

        Dali-daling bumangon si Brandon ng marinig niyang aalis silang dalawa.

       "Where are we going?" Tanong ni Brandon. Kinuha niya ang sandong blue, short, cap at face mask sa kamay ni Yesi.

       "Nagpaalam ako kay Sir Cedrick na kung pupuwedeng ipasyal ka. Ang kaso ang advise niya hindi ka puwede sa mataong lugar kasi baka mamaya may makakilala sayo. Hindi pa kasi nahahanap si Jordy para malinis na ang pangalan mo."

        Natigil si Brandon sa pagrekisa ng mga damit na hawak niya. Bahagya siyang nalungkot na hindi sila makakapunta kahit sa mall man lang.

   
         "Did you buy all of this for me?" Malungkot na tanong ni Brandon.

         Tumango naman si Yesi.

         "O nalungkot ka kagad? Huwag kang malungkot pumayag naman si Sir Cedrick na sa halip imemeet na lang natin yung iba mong tropa. Pumayag din siya na gawin niyo na lahat magpakasaya kayo, kahit mag-inuman pa basta dito lang kayo sa bahay."

          "Unbelievable, you really do all that?" Di makapaniwalang sabi ni Brandon kay Yesi.

         "Oo." Sagot ni Yesi.

         Biglang niyakap ni Brandon si Yesi sa sobrang tuwa. Natulala naman si Yesi sa ginawang pagyakap sa kanya ni Brandon. Kaya naman pagkahiwalay ni Brandon kay Yesi ay nagkalakas loob na magtanong ang binata sa baklang yaya niya.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon