Chapter 62 Umamin Ka Na Ryle

166 11 0
                                    


      Mabilis na isinagawa ng HR Department ang massive hiring ng mga applicant sa Shau Chen Incorporation. Paraan ito para hindi ma-paralyze ang  kumpanya dahil sa ginagawang pagbabagsak ni Wallace Anh sa mga Shau-Chen.

   
      Halos mapuno ang buong function room ng mga newly hired employees, aattend sila ng seminar o orientation. Sila ang papalit sa mga nabakanteng clerical position. Karamihan sa kanila ay mga scholar na natulungan makapagtapos ni Aizen habang ang iba naman ay mga OJT.

      Sama-samang sinilip ni Brent, Lance, Aiken at Aizen ang mga bagong hired na mga empleyado. Iniisip nila Brent at Lance na dala ng mga bagong hired na mga empleyado ang pag-asa nilang kakayanin pang tumakbo ng kumpanya. Maliban lang kay Aizen na bahagi ng plano ni Wallace na pabagsakin ang SC Incorporation kasama ang mga Shau-Chen.

      Isa-isang ipinakilala ng speaker ng naturang orientation sila Brent, Lance, Aiken at Aizen kaugnay ng kanilang posisyon sa kumpanya. Kapwa hindi naging masaya si Aizen at Aiken nang makita nila ang mga taong hindi nila inaasahan na makita sa kumpanya.

       Hindi makapaniwala si Aizen nang makita si Silver James na nakaupo sa mga mag-oorientation. Ganoon din si Aiken na biglang namoblema nang makitang naroon si Greanth. Parehas nagtataka ang dalawa kung bakit naroroon ang mga taong ayaw nilang makita.

      Si SJ na diretsong nakatingin kay Lance na parang hindi siya nakikita kahit katabi lamang niya si Lance. Hindi maitatago kay Aizen ang pagpapalitan ng sulyap at ngiti nila SJ at Lance kahit magkalayo ang dalawa. Nakaramdam ng selos si Aizen sa ginagawa ng dalawa.  Kaya nagpaalam si Aizen na babalik na sa kanyang opisina dahil hindi na niya matagalan ang ginagawang pagpapaselos ni SJ sa kanya. Sumama naman si Brent kay Aizen kaya naiwan sina Lance at Aiken.

      Si Greanth naman ay matalim ang ipinupukol na tingin kay Aiken. Wala siyang ibang tinitingnan kung hindi si Aiken lamang. Naintimidate si Aiken sa ginagawang pagtitig sa kanya ni Greanth kaya dali-dali umalis na rin si Aiken. Sinenyasan ni Lance si Greanth  na sundan si Aiken.

        Pagkapasok ni Aiken sa CR ay hinalamusan niya ang kanyang mukha. Stress na stress siyang makita si Greanth.

       "Anong ginagawa ni Greanth dito?" Tanong ni Aiken sa sarili. Humihinga pa siya nang malalim habang  pinupunasan ang mukha.

      Biglang bumukas ang pinto. Napatayo agad si Aiken nang maramdaman niyang may pumasok sa loob ng CR. Nagtama ang mga paningin nila sa repleksiyon ng malaking salamin.

       "Bakit ka nandito?" Tanong ni Aiken.

       "Which answer do you want to hear from me? Dahil sinundan kita dito or madalas na tayong magkikitang dalawa." Sagot ni Greanth sabay pakita niya ng ID kay Aiken.

        Hinagod ng tingin ni Aiken si Greanth. Napakaguwapo ng porma nito sa suot na blue polo longsleeve at nakatuck in sa black na pants.

      Biglang lumapit si Greanth at hinawakan ng kanang kamay niya ang baba ni Aiken. Balak niyang halikan si Aiken pero itinulak siya nito ng malakas.

   
      "Nababaliw ka na ba!" Singhal ni Aiken.

      "Mag-usap tayong dalawa marami akong dapat linawin sayo." Sagot naman ni Greanth.

      "Ano pa bang dapat nating pag usapang dalawa. Malinaw na sakin ang lahat. Malinaw sakin na Makasarili ka Greanth, sarili mo lang iniisip mo! Pinatulan mo si Kent for what? Just because of lust and makapaghiganti sakin? Hinayaan mo lang mapahamak si Brandon dahil ano? Dahil against si Brandon sayo thats why you didnt warned him na may ganoon kademonyohan nangyayari sa Frat niyo.   Kung mahal mo ko hindi mo gagawin sakin ang mga bagay na makakasakit sakin." Maluha-luha pa si Aiken habang nakatitig kay Greanth.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon