Chapter 10 tied up

210 15 3
                                    


Greanth...

     Whistling....

     Napaaga ata ako ah, kanina pa ko nakatayo dito malapit sa building ng College of Business Administration. Hinihintay kong dumaan si Aiken dito sa hallway. Sure akong daraan siya dito. Napag-alaman ko na B.A ang course niya.

     Tiningnan ko yun relo na rolex ang tatak 9am pa lang. Isang oras pa bago ako pumasok sa klase ko. Mabuti na lang nasa katabing building lang ang College of Accountancy.

  
      Worth it naman na hintayin ko siya ng matagal. Gusto ko na kasi siya makausap sobrang tagal na nun una kaming magkausap mga bata pa kami nun.

     
      Pero naisip ko bakit kaya siya magtransfer? Saan kaya siya nag-aral dati. But the good thing is ano pa man ang rason parati ko na siyang makikita.

     Hinugot ko sa bulsa ko yun phone ko.   Clinick ko yun camera para makita ko itsura ko. Hinawi ko yun buhok ko papunta sa likod ng ulo ko.

  
      "Naks ang guwapo ko talaga. Manang mana ako sa kaguwapohan ng erpat ko."  Sabi ko sa sarili ko sabay pasok sa bulsa ng phone ko.

      Nagapalinga-linga ako sa paligid. Naalarma ako nang parang nakita ko si Aiken na papunta sa canteen. Nagmadali akong sundan siya. Pagkaliwa ko nadatnan ko si Aiken na kausap ng ibang professor at mga kilalang brainy dito sa University.

      Napahakbang ako paatras dahil nagdalawang isip akong lapitan siya. May kausap pa kasi siya. Sadya kong inilayo ang paninging ko para di nila ako mapansin.

      Naririnig ko masaya silang nag uusap. May nadidinig din akong blog pero hindi malinaw sakin yun pinag uusapan nila kung ano man yun.

        Hay ang tagal naman nilang mag- usap.

        "Congratulalations!" Bati sa kanya ng mga kausap niya. Sa wakas natapos din sila.

        Sinundan ko si Aiken papasok siya sa canteen.

        "Aiken!" Sigaw ko.

        Napalingon siya. Tiningnan niya ako. Napalunok ako ng laway sabay clear throat.

        "Do you know me?"  tanong niya.

        "Aiken Shuachoy right?"Can't you remember me. Nagkita na tayo noon."

        "It's Shau-Chen not chuwachoy."

        Mukhang naoffend ata siya sa maling pagkakabigkas ko ng surname niya. Sumama yun itsura niya.
Ang hirap naman kasi matandaan ang surname niya, sumama  tuloy yun itsura niya.

        "Ahm I mean Shau-chen. I'm sorry I don't mean to offend you." Mabagal na sabi ko.

        Sa laki kong ito na 5'10 para akong bata na nagsosorry sa kanya. Surrender ako kay cutiepie.

       "So what now?"

      
        Basag ako!

        Hindi ko iniiexpect yun ang sasabihin niya. I can't find the words to say. I'm totally speechless.

        "Ah....."

        "You know stupid guy. I don't have so much time for your... whatever the reason or purpose why you approach me. I dont really care!" Pagkasabi niyang yun ay tinalikuran niya ako.

       "Hoy teka lang kausap pa kita basta mo na lang ako tatalikuran."

       Mabilis kong nahawakan ang braso niya na may mahabang manggas ng suot niyang white polo. With matching black tie na very korean ang pormahan.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon