Chapter 57 Isa pang Aizen

89 9 0
                                    


      "Hoy gising! Sino ka? Anong gingawa mo sa truck ko?"

       Napamulat ako dahil sa sigaw ng lalaking nakatunghay sakin dito sa pick up truck.

       "Mumwaw muwamun" Hindi ko maibuka ang bibig ko tila may plaster na nakadikit sa mga labi ko kaya hindi ako makapagsalita.

        "Diyos ko!!! Anong nangyari sa'yo? Bakit nagkaganyan ang mukha mo?"

        Takot na takot ang lalaking nanita sakin. Hindi ko mahawakan ang mukha kong kumikirot sa sakit. Sa tuwing may hanging dumadapo saking mukha ay nakararamdam ako ng sobrang hapdi.

        "Umalis ka na sa truck ko baka madamay pa ko sa nangyari say'o! Alis! Alis!"

          Wala akong nagawa kung hindi umalis sa sasakyan. Naalala ko kagabi na sumakay ako dito mula sa pantalan. Nagising na lang ako dahil sa sigaw ng lalaki.

         Nasaan na ba ako? Nasa maynila na ba ako?

          Inilibot ko ang mga mata ko. Nasa kahabaan ako ng highway. Nais ko sanang humingi ng tulong mula sa mga staff ng gasoline station kung saan huminto ang pick up truck, ngunit nakita kong naghilakbot sa takot ang isang gasoline girl. Itinuro pa niya ako sa mga kasamahan niya. Gayundin ag reaction ng mga ito sakin. Nagdecide na kong umalis dahil kinukunan ako ng camera baka ipost nila ang litrato ko sa social media at matunton ako ng mga humahabol sakin.

       Tumutulo ang luha ko sa sobrang paghihinagpis na nararamdaman ko. Bakit may nais pumatay sakin? Ano bang nagawa kong masama sa kanila?

       Namamanhid na ang mga paa at binti ko sa kakalakad at kakatakbo.

       "Arrhhh!" Sigaw ko nang maramdaman kong sumakit ang dinaluyan ng mga luha ko.

       Bakit nangyayari sakin ito? I can't believe to myself na may gustong sumira na naman ng buhay ko. Wala kong maisip kung sino ang may pakana nito.

      Pagod na pagod na ang katawan ko. Ilang araw na kong nagugutom. Simula nang umalis ako sa isla ay hindi pa ko kumakain.

       God please help me. I don't wanna surrender I wanna see Brent and my kids Aeka, Aiken and Brandon before I come to my end.

        Gusto kong umiyak para ibuhos lahat ang lungkot at kasawian na nadarama ko. But everytime I cried sumasakit ang mukha kong nalapnos ng ibinuhos na asido sa mukha ko. Nakakita ako ng inabandonang sasakyan doon ko napagmasdan na lapnos na lapnos ang buong mukha ko.

       Bumagsak ako paluhod sa lupa at napahawak sa pintuan ng sasakyan. Sumigaw ako ng sumigaw para mailabas ko ang sakit na nagpapasakit sa dibdib ko.

        Bakit nangyari sakin ito? Bakit?

        Nagpatuloy ako sa paglalakad naisip kong hindi ako dapat huminto. Kailangan makita ko ang pamilya ko bago pa mahuli ang lahat. Kahit na ba kukunti na lang ang natitira kong lakas. Ayaw kong matulad kay Jeruel na pinaslang ng mga lalaking hindi ko kilala.

       Baon ang aandap-aandap na parang liwanag ang pag-asa ko ay kakayanin ko pang makarating ng buhay sa pamilya ko. Hindi ko na namalayan na nakarating ako sa mataong lugar. Wal akong naririnig. Hindi ko na iniintindi ang mga taong nasasalubong kong kung hindi usyusuhin ako ay iniiwasan ako sa dahil sa kalunos-lunos na kalagayan ko.

       Inabot na ko ng gabi sa paglalakad. Wala na kong maramdaman sa buong katawan ko. Namamanhid na ang bawat kalamnan. Pakiramdam ko'y para akong lumulutang na hinahangin kung saan na lang ako mapadpad.

         Hindi ko na kaya...

         Nanlalabo na mga paningin ko.

         Magagawa ko pa bang makauwi sa mansyon. 

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon