Chapter 64 Ang Pagwawakas Part 1

108 7 17
                                    


Dumating ng araw ng pagdiriwang ng kaarawan ni Director Ives. Simple lamang ang nais niyang celebration na gaganapin mismo sa mansyon.

Isang araw pa lang ay abala na ang mga tagapagsilbi sa salu-salong gagawin ng mga Shau-Chen. Walang kaalam-alam ang mga inosenteng tagapagsilbi na madadamay sila sa malaking krimeng gagawin ni William Anh.

Bagamat malapit na kaarawan ang kaarawan ni Director Ives ay nagkukulong ito sa kanyang kuwarto. Maya't maya ay nagsisindi siya ng insenso at nanalangin para kay Brandon at para sa kanilang pamilya.

Sila Brent, Lance at Aiken naman ay abala sa regalong ibibigay kay Director. Bawat isa sa kanila ay espesyal ang regalo para sa ikasampung kaarawan ng nag-iisang babae ng kanilang pamilya. Maliban lang kay Aizen na dalawang araw na umaalis-alis ng mansyon.

Dumating ang araw ng kaarawan ni Director Ives.

Isang romantikong awitin ang pinatugtog ni Aiken gamit ang antigong turntable.

          "Alam mo ba Brent at apo ko, bigay pa sakin ni Vergilio itong lumang turntable na ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Alam mo ba Brent at apo ko, bigay pa sakin ni Vergilio itong lumang turntable na ito. Mas matanda pa ang edad nito sa inyo." Sabi ni Director Ives sa mag-amang Brent at Aiken.

"Wow talaga po Ama pero bakit mukha pa din bago?" Di makapaniwalan si Aiken at natanong pa kung kailan binili ang lumang turntable.

"Siguro mas matanda lang ng sampung taon sa Daddy mo apo." Sagot ni Director Ives habang nakangiti sa kailang dalawa.

"Iningatan ko kasi ito ng mabuti ngayon ko lang siya inilabas para magamit. Ang tagal na din nang huli kong patugtugin ang turntable na ito. Sa tuwing gusto kong balikan ang mga ala-ala namin ni Vergilio pinatugtog ko ito."

"Ala-ala niyo ni Lolo? Ahm bakit po? Huwag ninyong sabihin...." natigilan si Aiken nang maisip niyang nagkaroon ng ugnayan ang kanyang Lolo Vergilio at kanyang Ama Ives.

"Naku Apo marami kaming hindi naikukuwento sa'yo. Basta bago ko ipanganak ang Dada mo noon naging magkasintahan muna kami ng Lolo Vergilio mo. Kaso maraming bagay ang nangyari kaya nagkahiwalay kaming dalawa. Nakilala ng lolo Vergilio mo si Lola Mira mo habang ako naman naikasal sa Lolo Luis mo." Kuwento ng matanda sa dalawa.

"Ito ang pinakamahalagang bagay na iniregalo sakin ng Lolo Vergilio mo." Nilapitan ni Director Ives ang turntable para hawakan.

"Pinakaiingat ingatan ko sa lahat itong turntable na binili pa mula sa sweldo niya noon."

Napangiti si Director Ives nang maalala ang masayang panahon na magkasama sila ni Vegilio. Natigil ang usapan nila nang dumating si Aizen na may dala din regalo.

"Anak bakit ba napapansin kong panay ang alis mo? Saan ka ba nagpupunta?" Tanong niya kay Aizen nang halikan siya nito sa pisngi.

"Oo nga Love bakit panay ang alis mo? Birthday na ni Mama Ives kaya dapat hindi ka na lumalabas ng mansyon." Tanong din ni Brent kay Aizen na tila nagsususpetsa na sa ikinikilos ng kanyang asawa.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon