Chapter 31 Misunderstood

98 10 0
                                    


"Good Morning!" Bati Silver James sa kamumulat lang ni Lance.

Nanlaki ang mga mata ni Lance nang gumulat sa kanya ang nakahubad barong si Silver James.

Mula sa kama ay matatanaw agad ang kusina kung saan naghahanda na ng pang agahan si Silver James.

"Where am I?" Tanong ni Lance nang mailibot na ang kanyang sa paningin sa maliit na appartment ni Lance.

Maayos naman ang appartment ni Silver James, pinturado ang dingding, may TV at fridge. Halata sa design at pagkakaayos ng appartment ay binata ang nakatira dito.

"Your asking kung nasaan ka? Hindi ba obvious na nagpalipas ka ng buong magdamag sa ibang bahay." Sagot ni Silver James kay Yuri.

Taas ang kilay ni Silver James sinusuri niyang mabuti si Lance kung lango ba talaga ito kagabi sa kalasingan.

"Lasing na lasing ka kagabi kaya hindi kita naihatid sa inyo. Kaya iniuwi kita. Kung pababayaan lang kita baka kung mapano ka. Marami pa naman nagkalat na masasamang tao ngayon." Litanya ni Silver James.

Kaagad na umalis sa kama si Lance at hinahanap ang kanyang phone at walet.

"Magbreakfast ka na muna." Alok ni Silver James kay Lance nang mapansin nitong nagbabalak na itong umalis.

Nilingon naman siya ni Lance at pagkatapos ay dumukot ng pera sa wallet. Ni hindi na niya binilang kung magkano ang pera basta na lamang niya inilapag ito sa lamesa.

"Hey what is that for?" Nakaawang ang bibig ni Silver James sa pagtataka kung para saan ang perang ibinibigay ni Lance. "Nagkakamali ka ng iniisip walang nangyari satin."

"Eh 'di bayad ko na lang yan sa pag-asikaso mo sakin kagabi." Mabilis na tugon ni Lance.

"Wait, ano bang akala mo sakin? Hindi porke nagtratrabaho ako sa gaybar ay bayaran ako. Hindi ganoon kababaw ang pagkatao ko." Inis na sabi ni Silver James.

"What are you talking about?" Naguguluhang tanong ni Lance sa mga sinabi ni Silver James sa kanya.

"You help me right?" Tanong ni Lance.

"Oo." Sagot naman ni Silver James.

"Wala nang libre ngayon, I owe you my life so thats why I gave you money for taking care of me." Ani Lance.

Napaismid ng labi si Silver James sa bawat tinuran ni Lance sa kanya.

"So here's my payment." Saad ni Lance.

"Hindi diyan ang pinto palabas sa CR." Sabi ni Silver James kay Lance ba nagkamali ng pupuntahan.

Tulad kagabi ay hindi man lang siya tiningnan ni Lance.

"Teka masiyadong malaki naman yan bayad mo. At saka ako nga pala si Silver James." Sabi niya ngunit isang malakas na lagabog na pinto lamang ang naging tugon ni Lance sa kanya.

"Ibang klase." Sabi ni Silver James na napapailing.

Samantala....

Nagmamadaling pumara si Lance ng taxi nang maalala niyang death anniversarry ni Chairman Mao.

Tatlumpung segundo na lang ay mahuhuli na siya sa gaganapin gije. Isang tradition sa kanilang pamilyang tsino kung saan nagsasagawa sila ng pag-aalay ng panalangin para sa yumao.

Halos paliparin na ng driver ang taxi makahabol lamang si Lance. Pagdating niya sa Mansion ay nagtatakbo siya patungo sa napalaking hardin. Naabutan niyang nagpapadasal na ang monghe na nakatayo malapit sa altas kung saan naroroon ang malaking litrato ni Chairman Mao at alay na prutas na pampaswerte.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon