chapter 12 The Varsity Team

200 12 2
                                    


Aiken...

       It's already 10 o'clock in the evening and I'm still finishing my blog. I find it quite so hard to discuss the matter on how People nowadays on Social Media. I  am so careful with answering those questions regarding the outspreading of nonsense of bashing and hatred attacks of netizens.

       Natuwa ako sa mga answers ng mga readers because they gave good comments sa blog ko. Mahirap nga naman kasi ang ma-bash, people now are so sensitive and opinionated na masiyado. There is no wrong in expressing your freedom to speak on issue kaso nga lang some netizens are foul words na ang sinasabi, that you cannot take it because of the harsh and below the belt na ang mga sinasabi.

      They even screw you and look at your profile and later on ibabash ka na according to your looks and you do for living. Such as napaka unreasonable di ba na manakit ka na ng damdamin ng tao na ang pinagumpisahan lang ay public issue.

       So I ended my Blog to ask everybody that to stay calm and respect each and everyone. Yes we are entitled to our own opinion but we should not go beyond in hurting somebody's feelings.

       "Hay salamat natapos din." Bago ko pinatay ang laptop ay ininom ko muna mojo juice na hiningi ko kay Brandon.

       Nakita ko mula sa reflection ng salamin na sinilip ako ni Dada. Inisip ko kung bakit sinilip niya lang ako mula sa pintuan. Dati-dati ay kinakausap muna ako ni Dada bago matulog. Ano kaya dahilan?

     
      Ibinalik ko ang attention ko sa laptop, nang makita kong nag-upload content na ay saka ko in-off ang laptop ko. 

       Naisip ko din na mag-live ako, na kumausap ako ng mga readers, makipag palitan ng opinions something like that. Magandang idea siguro yun.

     Lumabas ako ng kuwarto para humingi ulit ng Moju Moju kay 'Don. Ang sarap ng Moju nabitin ako. Ngunit pagtingin ko sa gilid ng pinto, wala yun susi. Kinapa ko yun drawer na pinagtataguan ng extrang susi wala din.

      "Bakit wala yun mga susi?" Sa pagtataka ko naglakad akong muli sa pasilyo. Habang naglalakad ako nag-iisip ako kung bakit wala yun mga susi sa kuwarto ni 'Don.

       Pupunta sana ako sa kuwarto nila Daddy at Dada o kaya sa library para maghanap ng master keys. Nakakita ako ng anino sa may malaking hagdan. Dinukwang ko kung sino yun bumababa nakita ko yun ulo ni 'Don sa baba.

       Hinabol ko si 'Don kahit na ilang level pa yun hagdan gawa ng 3rd floor itong mansion.

       
        Kahit anong bilis ko sa pagbaba ng hagdan ay hindi ko maabutan si 'Don. Mas mabilis siyang maglakad. Napansin ko ang suot niya na jacket na blue at denim shorts.  Bakit ganoon ang suot ni 'Don? Saan siya pupunta? Hindi kaya tatakas siya ngayon gabi para gumala?

        Patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas na kami ng mansion.

      "Don wait lang!" Sigaw ko para tawagin siya.

     Balewala ang pagtawag ko sa kanya dahil napakalayo na niya. Nagtungo siya sa bandang garden kung saan maraming mga halaman na orchids at may mga puno ng Palmera.

       Biglang nawala si Brandon, saan kaya siya nagpunta?
   
     Naglakad lakad pa ko ng kunti kahit medyo madilim sa parte ng garden na ito ngunit wala talaga si Brandon.

      "Good evening Sir? Ano pong ginagawa niyo dito?"

       Napalingon agad ako sa taong nagtanong sakin mula saking likuran.

      "Ikaw pala ginulat mo naman ako."

      "Sorry po kung nagulat ko kayo.
Nakita kita kasi kitang papunta dito kaya sinundan kita." Paliwanag sakin ng bagong security aid dito sa mansyon.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon