Chapter 30 Dilemna

106 10 4
                                    


Sa loob ng opisina ni Brent bilang kasalukuyang CEO ng Shau-Chen Incorporation, ay abala ang kanyang team sa presentation ng sa board meeting.

Napansin niyang tulala si Aizen na nakatingin sa hawak nitong Ipad.

"Okay we still have 10 minutes. I will call you kay Roy kapag pupunta na tayo sa meeting." Sabi ni Brent sa mga personal staff.

Pinagmamasdan niyang maigi ang kanyang better-half.

Pagkalabas ng kanyang staff ay kaagad niyang nilapitan si Aizen para kausapin.

"Zen-zen, Hon? Are you okay?"

Nagulat pa si Aizen nang marahan siyang hawakan sa balikat ni Brent.

"Yeah... I'm okay medyo malalim lang ang iniisip ko." Sagot naman ni Aizen kay Brent na tumabi sa kanya sa couch.

"You look not okay Hon, nabo-bothered ka pa rin ba sa nangyari sa bahay. Lately kasi napapansin ko parati kang nag-iisip, nagigising pa ko kapag naramdaman kong bumabangon ka sa madaling araw."

"Honestly yes iniisip ko pa rin yun nangyari sa bahay. Most specialy Brandon. Nag-aalaa kasi ako para sa anak natin." Tugon ni Aizen kay Brent.

"Alam mo Zen, nakausap ko na si Brandon about Kent. And I could say na mahirap talaga kumbinsihin ang anak natin to accept Kent as part of our family. Nagkamali tayo na biglaan ang decision natin na patirahin si Kent sa mansyon." Wika ni Brent.

"Kaya my other option is ikuha na lang ng condo unit si Kent, where we can both have peace in our mind." Dugtong pa ni Brent.

"Brent how could you say that, anak mo si Kent hindi siya ibang tao na patitirahin mo sa ibang bahay. Tapos mga maid lang makakasama niya. Kailangan ni Kent na makasama ka. Kailangan niya ng pagmamahal ng isang ama." Umalma si Aizen sa naiisip na plano ni Brent para sa anak niya sa labas.

Hinawakan ni Brent ang kamay ni Aizen. Alam niyang hindi magugustuhan ni Aizen ang iniisip niyang mga plano.

"I know this is for a meantime hindi naman siya magtatagal sa condo. Gagawa tayo ng paraan para matanggap ni Brandon si Kent. We will take it step by step." Sagot naman ni Brent.

"Alam mo naman di ba, we were also concern with Brandon. Ayaw natin mabalik yun dating naging problema niya noong bata pa siya."

Napatingin si Aizen kay Brent. Naisip niyang parehas sila ng inaalala ng asawa niya tungkol kay Brandon.

Bumalik sa alaala ni Aizen ang pangyayaring hindi welcome si Kent para kay Brandon. Naalala niya kung gaano katalim ang mga mata ni Brandon ng tagpong iyon.

Naalala din ni Aizen noong bata pa si Brandon na madalas makipag suntukan o away noong nakatira o nagbabakasyon ang magkambal sa tenement. Kung saan doon pa rin nakatira ang mag-asawang si Mira at Vergilio.

Paminsan minsan ay nagbabakasyon ang magkambal noon para makasama ang kanilang lola Mira.

Doon nila nalaman na may condition si Brandon na I.E.D (Intermittent Explosive Disorder) is a condition that involves sudden outbursts of rage, aggression, or violence. These reactions tend to be irrational or out of proportion.

Isang beses ay nagpakita si Brandon ng nakakatakot na sobrang galit nang masaktan si Aiken ng mga kalaro nila. Sa edad na onse anyos ay nakapambugbog si Brandon ng mga kaedaran niya. Hindi normal sa edad niya ang magpakita ng pagwawala at sobrang pagkagalit.

Kaagad nilang pinatingin sa Duktor si Brandon nang ilang beses pang naulit pa ang pagpapakita ang kanilang anak ng pagiging marahas.

Nagmula ang condition iyon ni Brandon noong manganib ang buhay ni Aiken mula sa pagkakadisgrasya sa mall. Naging overprotective si Brandon simula noon

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon