Chapter 25 Ang Kuwento ni Chairman Mao at Ang Yaman ng mga Shau-Chen

134 8 2
                                    

.
Sa study room ng mansion....

"Director Ives narito na po ang hiningi ninyong tsaa." Wika ng Mayordomo na may kapayatan.

Sa sobrang payat ng mayordomo ay puwede nang gumanap ito sa mga horror movies. Tipong namamahala ng abandonadong mansion kung saan lahat ng mga bibisita ay hindi na makakalabas ng buhay.


"Ipinatawag niyo daw po ako Mam Ives." Bungad ni Cedrick nang iluwa siya ng pinto. Tuloy-tuloy siyang lumapit sa ina ni Aizen. Tulad ng dati ay nakasuot ng itim na suit at may necktie na grey.

Sabay na lumapit si Cedrick at isang maid na may dalang silver kung saan nakalagay ang isang tea pot at tatlong tasa.

Nagmamasid ng maigi ang mayordomo sa bawat ikinikilos ni Director Ives at chief ng security agency ng pamilya Shau-Chen. Pinagtataka niya kung bakit tatlong tasa ang pinahanda ni Mommy Ives sa kanya. Iniisip niya tuliy aalukin din siyang mag tsaa habang may importanteng pag-uusap.

"Tita Ives, Good Morning." Bati ni Lance na ilang segundong nakasunod kay Cedrick.

Nagbeso si Lance sa kanyang tiyahin na tumayong ina sa kanya mula pa ng siya'y magka-isip.

"Nandito ka rin pala Cedrick." Baling ni Lance kay Cedrick nang mapansin niyang nakatayo ito malapit sa kinauupuan ni Director Ives.


Magalang na tinanguan lang ni Cedrick si Lance sabay bati niya ng magandang umaga.

"Salamat Mr. Fuentes puwede mo na kaming iwan."


Mukhang walang narinig ang mayordomo sa sinabi ni Mommy Ives. Nakatulala ito at di inaasahan sa iba pala nakalaan ang pinahanda sa kanyang mga tsaa.

"Salamat Mr. Fuentes maari na kayong umalis." Muling sabi ni Director Ives sa nakatungangngang mayordomo.


Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng mayordomo sa pagkadismayang hindi niya maririnig ang usapang magaganap.


Pagkalabas ng mayordomo at maid. Hiningi ni Director Ives ang report kay Cedrick. Iniabot ni Cedrick ang isang profile ng isang taong nais niyang paimbestigahan.

Pagkatingin ni Director Ives sa profile ng isang taong nais niyang makilala ang buong pagkatao ay naging maaliwalas ang mukha niya.

"Ano kaya sadya niya at naririto siya satin?" Tanong ni Director Ives kay Cedrick.

"Siya ba 'yong pinakabatang security aid?" Pagkumpirma ni Lance sa taong tinutukoy ni Mommy Ives.

"Mam gusto niyo po bang paalisin ko na..." Maagap na tanong ni Cedrick.

Hindi pa man natatapos magsalita si Cedrick ay pinatigil siya ni Director Ives.

"Hindi na kailangan Cedrick. Sa tingin ko'y naghahanap ng sariling buhay ang binatang iyon. Ang mga Estacio ay walang silang interest na magventure out ng business sa ibang lugar. Kampante na sila sa lalawigang sakop ng kanilang kapangyarihan at yaman."

Matapos magsalita si Director Ives at huminga ito ng malalim.

"Pinatawag ko kayong dalawa sapagkat may nais akong malaman ninyo." Turan ni Director Ives.

"Mukhang importante po ang sasabihin niyo samin Tita Ives. Hindi po ba natin hihintayin sila Aizen at Brent." Mungkahi ni Lance nang mapansin sila-sila lamang ang naroon.

"Saka ko na lang sasabihin sa kanila ang sasabihin ko sa inyo. Mas makakabuting kayo na muna ang makausap ko." Sagot ni Director Ives kay Lance.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon