Chapter 44 Family Dispute Part 3

112 7 2
                                    

        Magkasabay na umakyat ng malaking hagdanan sina Lance at Aiken.   Lance tries to comfort his nephew. Marahan niyang hinihimas ang balikat nito para mapagaan ang nadaramang lungkot.

       "I will talk to your Dada para mabago pasya niya. Maybe nabibigla lang siya sa mga nangyayari kaya abrupt na pagdedesisyon niya. I know hindi iyan itutuloy ng Dada mo, he know to himself na mahirap pakibagayan mga relatives natin sa Hong Kong lalo na yun mga pure chinese." Saad ni Lance sa kanyang kay Aiken.

        Bago pumasok si Aiken ay hinarap niyang muli ang kanyang tiyuhin.

        "Why Aiken? Sige na magpahinga ka na." Napuna niyang may nais na sabihin sa kanya si Aiken.

 
        "Uncle Lance naisip ko lang paano po nalaman ni Dada?"

        "Sa totoo lang hindi ko alam Aiken dahil wala akong sinasabi sa kanya kahit ano. Nagtataka kung bakit nalaman niya. Nalaman ko na lang na papunta siya sa coffee shop ni Aki nang hanapin ko siya sa office. From there sinundan ko na kagad siya dahil alam ko nang mangyayari ito." Sagot naman ni Lance.

        "Tito please help me." Pakiusap ni Aiken.

   
         Pinagmasdan ni Lance si Aiken mula ulo hanggang paa. Nagbalik tanaw si Lance noong panahong mga bata pa sila ni Aizen.  Naalala niya ag mga itsura nila noong mga panahong teenager pa sila. Nakatuck in ang light blue na polo sa itim na pantalon at white rubber shoes ang suot ni Aiken. Si Aizen noon ay nakasuot ng checkered na polo na grey na tuck in sa brown na slocks itim na back leather naman ang sapatos nito.  Ganoon kasi ang gustong bihis sa kanila ng kanilang lolo Chairman Mao. Dahil nga naman may lahi silang chinese kaya disentehan ang kanilang pananamit.

         "I will pero for a meantime palipasin muna natin ang lahat. Mainit pa ulo niya sa ngayon, kilala mo naman Dada mo di ba. He always want the best for all of us. Gagawin ko lahat para mabago isip ng Dada mo." Pangako naman ni Lance.

       "Thanks Tito, pasok na po ko sa loob."

    
       Nginitian ni Lance si Aiken para kahit papaano ay mabigyan ng pag-asa ang kanyang pamangkin.

    
        Pero pagkasara ng pinto ay napahugot ng hinga ng malalim si Lance.

       Iniwan na ni Lance si Aiken para bumalik sa baba. Ngunit bago niya marating ang hagdan ay nakita niya si Kent nakatanaw sa sala. Nakangiti itong parang demonyo. Mukhang nasisiyahan pa ang bastardo sa pagtatalo ng mag-ama.

       "Excuse me? Nakangiti ka ba?" Tanong ni Lance kay Kent na parang wala itong naririnig.

       Patuloy pang nanunuod si Kent sa baba na paminsan-minsan pa ay napapailing habang naka-smirk.

       "Hey excuse me. Hindi mo ba ko naririnig? Kinakausap kita." Muling sabi ni Lance para kunin ang atensiyon ni Kent.

        "Naririnig naman kita kaso nag-eenjoy akong pinapanuod sila eh." Sagot ni Kent ngunit hindi nakatingin pa rin ito sa sala sa baba.

         Nakaramdam si Lance ng pangbabastos sa kanya ni Kent kaya naman hinawakan niya ang braso nito para kausapin siya ng maayos.

         Hindi na siya makapagpigil sa pagpapakita sa kanya ng pagmamaldito ni Kent.

         "Natutuwa ka pang habang nag-aaway sila? Ibang klase ka din ugali mo. Instead na mag-alala ka para sa kanila dahil nakikitira ka lang dito natutuwa ka pang nag-aaway sila. How could you?" Singhal ni Lance kay Kent.

       Nakangiting humarap si Kent para sagutin si Lance.

        "What do you want me suppose to do ba? Umiyak din ako dahil nag-aaway sila? Magpakita ng pagdamay sa kanilang di nagkakasundo? Ganoon po ba gusto mong gawin ko?" Pagmamaldito ni Kent.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon