Chapter 11 True Love

148 14 3
                                    


     Nagpunta sila Aizen at Brent sa isang hospital para kamustahin ang ina ni Kent. Gabi na nang sila'y makarating dahil sa sobrang dami ng inaasikaso nila sa kumpanya.

    
      Malugod naman silang pinapasok ng naturang hospital dahil matagal ng tanyag at ma-impluwensiya ang Shau-Chen Incorporation sa lipunan. Bukod doon si Brent ay major sponsor na sumusuporta sa naturang hospital. Tumutulong din ang mag-asawa sa mga pobreng pasyente na kapos sa pagpapagamot sa hospital.

      Simula nang maging maayos na ang buhay nila Brent at Aizen. Naengganyo na rin si Brent na suportahan ang pagkakawang gawa ni Aizen. Pero ang pagdalaw nila ngayon gabi ay wala sa kanilang plano. Ninais ng ina ni Kent na makausap si Brent at lalong lalo na si Aizen.

      Paghinto nila sa isang private ward nagtinginan muna silang dalawa. Tumango si Aizen kay Brent upang ipabatid na okay lang sa kanya na makausap ang dalawa.

      "Ayaw mo bang pumasok sa loob kasama ako?" Tanong ni Brent.

      "Sige na okay lang ako dito. Hihintayin na lang kita." Sagot naman ni Aizen.

     Bago tuluyan pumasok si Brent sa loob ng ward, sinulyapan niyang muli ang kanyang minamahal na si Aizen. "Sige na pumasok ka na baka kanina pa siya naghihintay." Nang marinig yun ni Brent ay saka pa lamang pumasok si Brent.

       Noong una ay balewala lamang kay Aizen ang pag-uusap ni Lyka at Brent sa loob. Wala siyang nararamdamang pagseselos dahil naiintindihan niya ang kalagayan ni Lyka. Unang una dahil may sakit ito at pangalawa naisip niyang pag-uusapan nila ang tungkol sa naging anak nila na si Kent.

        Si Kent ang naging bunga ng relasyon ni Brent at Lyka noon, nasa US  pa siya at nung panahon 'yon ay hindi pa bumabalik ang kanyang ala-ala. Hindi naman siya tahasang galit kay Brent nang malaman niya ito. Naunawaan niya na nangyari lamang iyon dahil sa pag-aakala ni Brent na patay na siya. Hindi alam ng lahat na ang bangkay ni Haze ang nagsilbing katawan niya at ang totoo ay itinago siya ng kanyang lolo na si Chairman Mao. Ginawa ito ni Chairman upang makaiwas siya sa iba pang nagtatangka sa buhay niya habang nagpapagaling.

        Napatawad na din niya si Lyka sa kapabayaan nito na naghatid sa pagkaka-aksidente noong bata pa si Aiken. Natural kay Aizen ang  pagpapatawad lalo na  sa mga nagkasala sa kanya. Kaya naman minahal nang lubos ni Brent si Aizen dahil napakabuti  nitong kalooban. Ingat na ingat si Brent na magkasalang muli ayaw niyang mangyari na magkaroon pa ng lamat ang relasyon nila.  Naging faithful na si Brent sa buong pagsasama nila ni Aizen. Wala na rin babae at bakla ang nakalapit kay Brent dahil buong buhay niya inialay na niya kay Aizen simula nang mapalapit siya kay Aizen. Handa si Brent na itaya ang buhay niya para kay Aizen nang magsilbi itong personal bodyguard.  

       Wala pang isang minuto ay inuluwa na ng pinto si Brent. Nagtaka si Aizen kung bakit lumabas agad si Brent ng kuwarto.

       "Love gusto ka daw makausap ni Lyka." Saad ni Brent.

       Nag-iisip si Aizen nang lumapit siya kay Brent na nakatayo sa pintuan.

      "Bakit niya ko gusto makausap?"  tanong ni Aizen.

       "Malala na siya Love." Tanging tugon lang ni Brent.

        Pumasok na lang si Aizen dahil naghahangad si Lyka na makausap siya.

       Pagbukas niya ng pinto nakita niya agad ang hospital bed kung saan nakahiga ang nangangayayat na si Lyka.   Parang may kumurot sa dibdib ni Aizen nang makita ang kalagayan ni Lyka. Awang awa siya sa babaeng minsan ay napamahal kay Brent.

       "Ka-kamusta ka na Ly...Lyka?" Nauutal pa si Aizen nang kamustahin ang ina ni Kent.

     Nakatingin lamang kay Aizen si Lyka na may suot na oxygen mask. Naamoy din ni Aizen ang humidifier na cleanser ng hangin sa loob ng kuwarto.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon