Chapter 39 Revenge

107 6 1
                                    

      "Boss huwag po...ayaw ko pang mamatay." Gimbal na gimbal sa takot si Margaux nang biglaan siyang ipatawag ng amo ng grupo nila.

        Alam niyang may nagawa siyang mali dahil ipinatawag siya nito ng wala sa oras.

         Halos dalawang oras lang ang nakakalipas nang magtagumpay siyang pag-awayin si Brent at Aizen.

        
        "Wala kang isip ang dapat sayo inililigpit na ng ganito!" Saad ng lalaking nababalutan ng dilim sa buong silid. Lalo pang hinigpitan niya ang pagkakasakal niya kay Margaux.

      Galit na galit ang naturang lider ng Mafia dahil ginawang pagkilos ni Margaux ng wala sa plano.

       "Ang lakas ng loob mong suwayin ako at gumawa ka ng sariling mong pagkilos. Hindi mo ba alam sa ginawa mo masisira ang lahat ng plano ko? Sumagot ka!" Sigaw ng nanggagalaiti sa galit ng lider ng Mafia.

       "Patawarin po ninyo ako Boss... patawad po." Pakiusap ni Margaux habang humahagulgol.

        "Mainit ka na nga sa mga mata ni Aizen lalo mo pa siyang ginalit. Sa tingin mo makakatuntong ka pa sa SC Incorporation? Sa tingin mo magagawa mo pa ang plano mo? Hindi ka nag-iisip! Isa ka lang sa mga walang kwentang nilalang na nabubuhay dito sa mundo!"

         Damang dama ni Margaux ang sobrang higpit ng pagkakasakal sa kanya ng kanyang amo. At nang pakawalan siya nito ay labis-labis ang pasasalamat niya.

       "Ang ayaw ko sa lahat sinisira ang plano ko!"

        "Boss ano na po susunod na gagawin natin?" Tanong ng isang tauhan nito habang inaayos ang coat na nakasampa sa magkabilang balikat niya.

        Itinaas naman nito ang kanang kamay niya. Sensyales ito na nais nitong magsigarilyo. Kumilos agad ang isang tauhan nito upang ipagsindi ito ang amo ng may filter na sigarilyo.

        Sa wakas naaninagan na ang mukha ng lalaki nang tumapat ito sa ilalim ng liwanag ng interrogation light.

        "Ilayo niyo sakin ang walang kwentang transgender na 'to." Utos ng lider ng Mafia.

      
        Naglulupasay at nagmakaawa si Margaux nang marinig ang ipinag-uutos ng kanyang amo sa mga tauhan nito. Alam na ni Margaux ang kahihinatnan niya kaya naman abot langit ang pagmamakaawa niya dito.

          Ngunit kahit anong paglulumuhod at iyak ni Margaux ay tila walang naririnig ang lalaki. Mas lalo pang naging kalunos-lunos ang bawat paghingi ng awa ni Margaux nang kaladkarin siya palabas ng silid.

         "Boss ano na po susunod na gagawin natin?" Tanong ng tauhan sa lider ng mafia.

          "Nag-iisip pa ko Gaston!" Sigaw ng lider ng mafia sa kanyang tauhan.

         "Pasensya na po Boss." Mabilis na tugon ni Gaston sa kanyang amo.

         "Sinira ng baklang iyon ang mga plano ko." Sabi ng lider ng mafia at pagkatapos ay humithit ng sigarilyo.

          Naghihintay na naman ang iba pang tauhan niya sa kanyang mga utos.

          Matapos maubos ang hinihithit nitong sigarilyo ay saka nagsalita ang kanilang amo.

          "Hanapin ninyong mabuti ang apo sa tuhod ni William Tan. Kailangan mapasakamay ko siya, walang dapat makinabang sa kanya kung hindi ako lang. Tawagan niyo si Jeruel upang umpisahan na ang planong  pagdispatya kay Aizen, hangga't naroroon sa Shau-Chen Incorporation si Aizen ay mahihirapan akong agawin ang kumpanya nila. Kailangan mawala sa landas ko si Aizen Shau-Chen. Tawagan niyo na din ang contact natin sa mansyon ng mga Shau-Chen kailangan kong malaman ang bawat ikinikilos nila. Maliwanag ba?"

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon