Chapter 61 Ang Pagbabalik ng GoVoyz

172 12 2
                                    

Aizen...

     
      Nakaupo ako sa high chair na nakaharap kay Spocky. Even though hindi siya nagsasalita ramdam na ramdam ko ang awa niya sakin.

      Hahawakan niya sana ang sunog kong mukha pero inagapan ko ang mga kamay niya. Hawak ko ang magkabilang kamay niya. Nakatitig siya sa mga mata ko. Hindi ko inaasahan na hahalikan niya ang ulo ko.

      Inabot niya ang tablet para basahin ang mensahe ko. Nag-umpisa akong ikinuwento kung paano ako nakaligtas sa pag-guho ng tulay. Si Jeruel ang sumagip sakin, nakarating kami sa isang isla. Ilang araw at gabi kaming naroroon upang mabuhay, nagsumikap kaming maghanap ng makakain. Hanggang sa may dumating na  mga lalaki na nakasakay ng yate. Inakala naming mga rescuer sila pero dinakip nila kami at dinala sa isang lugar sa batangas.

       Nagmamakaawa kaming pakawalan buong akala naming by chance ang pagkakita samin ng mga masasamang loob. Ngunit sinabi ng lider na ipinaliligpit kami ng amo niya. Nang magkaroon kami ng pagkakataon ay tumakas kami ni Jeruel. Sa kasawiang palad ay nahuli nila kami,  napatay nila si Jeruel habang aki naman ay sobrang galit ng amo nila ay pinabuhusan ng asido ang mukha ko.

       Ginusto pa kong makita ng lider nila kaya hinintay  pa nila ang amo nila. Gumawa ako ng paraan para makatakas , sinipa ko ng sinipa ang gasera para matapon upang magliyab at  ganoong nga ang nangyari. Nagkagulo ang mga dumakip sakin nilansi ko ang isang tauhan nila na pakawalan ako.   Pinangakuang bibigyan ko siya ng malaking halaga at babaguhin ang buhay niya sa ibang bansa kaya ako nakatakas.

        Tumakbo ako ng tumakbo kailagan kong mailigtas ang sarili ko mula sa mga lalaking gustong pumatay sakin. Nakarating ako sa pantalan at nagtago sa isang pick up na sasakyan. Nakahinga na ako ng maluwag nang maramdamang kong umandar ang sasakyan na pinagtaguan ko. Napaluha ako nang matiyak kong makakalayo na ko sa mga taong gustong pumatay sakin.  Hanggang sa makilala ko ang batang si Katkat at ang tatay niyang si Mang Artemio.

      Kitang kita kong napahawak sa sentido si Spocky at humakbang patungo sa nakabukang bintana.  Hindi siguro sukat akalain ang mga pinagdaanan ko para makabalik ng buhay.

    
       "Kailangan kitang ingatan kung may mga taong gustong pumatay sa inyo." Sabi ni Spocky na nakaalikod sakin. Narinig ko pang huminga siya ng malalim.

       "Susubukan kong makalapit kay Kuya Brent at Kuya Cedrick ang problema...

      Naiiyak akong lumapit sa kanya. Kinuha ko ang tablet para i-type ang mensaheng humihingi ako ng tawad sa nagawa kong pagsampa ng Temporary Restraining Order sa kanya. Pinabasa ko  sa kanya ang mensahe ko.

      Walang imik si Spocky.

      "Kahit kailan hindi ko magagawang magalit sayo Aizen. Kahit anong gawin mo sakin hinding hindi ako magtatanim ng sama ng loob sayo." Tanging nasabi sakin ni Aki.

      Kaagad akong nagtype sa tablet. Tinatanong ko siya kung bakit.

       "Hanggang ngayon Aizen mahal pa rin kita." Sabi niya.

       Napatingin ako sa kanya. Nanlalabo ang mga mata ko sa dahil sa mga luha ko pero hindi humihiwalay ang tingin ko sa kanya.

    
       Hindi ko na nga maiwasan ibuka ang bibig ko para tanungin siya ng bakit. Umiling ako para iparating sa kanya na hindi na dapat manatili pa ang pagmamahal niya sakin.

       I can't believe after so many years, I swear to God hindi ko maisip why he still love me.

       "Magpahinga ka na muna magluluto lang ako saglit baka nagugutom ka."

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon