Chapter 43 Family Dispute Part 2

129 7 5
                                    

   

      "Bakit Aki? Bakit mo 'to nagawa sa pamangkin mo!" Sigaw ni Aizen matapos suntukin si Aki.

        Tiningnan ng kapatid ni Brent ang bahid ng dugo mula pumutok niyang labi. Gulat na gulat si Spocky sa ginawang iyon sa kanya ni Aizen. Hindi niya inaasahan biglang lilitaw sa coffee shop niya si Aizen na nagpupuyos sa galit.

        Si Aiken naman ay parang nakatayong estatwa lang sa gilid. Gulat din siya sa pangyayari. Hindi niya alam ang gagawin ngunit hinala niya ay may alam na ang kanyang Dada sa kaya napasugod ito sa coffee shop.

       "Teka lang Aizen huminahon ka muna. Ano bang ikinagagalit mo and please mabubulabog ang mga customer sa shop ko." Pakiusap ni Spocky kay Aizen.

        "Ngayon ka pa ba mahihiya. Ayaw mo bang malaman ng lahat kung gaano ka kasama para patulan ang pamangkin mo!" Saad ni Aizen na nanginginig pa ang katawan sa galit.

        "Ano ba 'yang sinasabi mo? Wala akong ginagawang masama?" Si Spocky na naguguluhan pa rin dahil wala siyang katiting na ideya sa ikinagagalit ni Aizen.

       "Dada please stop. Walang kasalanan si Tito Aki." Awat ni Aiken sa kanyang ama.

   
        "And You I don't know what on earth 'yan pumasok sa isip mo. You don't know that I am very dissapointed on you! Sinira mo lahat ng tiwala ko sayo. I thought maasahan kita sa lahat ng bagay dahil matalino kang bata. But look at you, your such a disgrace to our family. Paano mo nagaawang magkagusto sa tito mo!" Galit na galit talaga si Aizen to the extent na hindu niya mapigilan amg sarili na maisambulat ang nasasaloob niya.

       "Ano???" Reaksyon ni Spocky mula sa mga sinabi ni Aizen kay Aiken.

       Halos malukot ang mukha ni Spocky sa naibunyag na lihim na pagtatangi sa kanya ng kanyang pamangkin.

          "Please stop Dada. I know it's my fault. Kasalanan ko po lahat-lahat. Walang kasalanan si Tito Aki..." Naiiyak na sabi ni Aiken.

          Isang malakas na sampal ang nagpatigil kay Aiken. Umalingawngaw ang tunog ng sampal na iyon sa silid. Nakayuko si Aiken matapos siyang sampalin ng kanyang Dada.

         "Stop defending your Tito! Ano na lang ang iisipin ng lahat ng makakaalam sa bagay na ito. That our family are realy indulge into scandal! Hindi na dapat pa masundan ang mga nangyari noon. Tapos kayo naman that is incest!"

       Mula pa sa panahon ni Chairman Mao ay marami nang eskandalo ang nangyari sa kanilang pamilya. Gaya ni Vergilio na ama ni Brent at Spocky na siya din totoong ama ng pinsan niyang si Lance. May relasyon na noon si Vergilio kay Director Ives nang matipuhan ito ni Chairman Mao. At dahil sa takot ni Vergilio  kay Chairman Mao ay kaya pinatulan ang Lolo ni Aizen. Si Vergilio din ang ama ni Lance  Pinagsabay niyang tatlo sila Chairman Mao, Director Ives at Ina ni Lance. Kaya ganun na lamang ang kanyang galit ni Aizen kay Spocky.

     Hindi na dapat masundan pa ng eskandalo sa kanilang pamilya.

      "Huwag mong pagbuhatan ng kamay ang anak mo Aizen." Reaksiyon ni Spocky matapos pagbuhatan ng kamay  ni Aizen si Aiken.

        "At sino ka Aki para pakialam ang pagiging magulang ko sa anak ko? Napakasama mo at hinayaan mong mangyari ito sa inyo!"

        Kinuha ni Aizen ang mga pictures sa envelope at pagkatapos ay lumapit siya para ihampas sa dibdib ni Spocky.
        

        "Gulat na gulat ka? Your so naive at hindi mo man lang naramdaman na nagkakagusto sa'yo anak ko! Huwag mong sabihin na wala kang nahahalata sa madalas na pagpunta-punta sayo ni Aiken!"

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon