Chapter 59 Impostor

130 9 0
                                    


       Magkasamang pumasok si Aiken at Yuri sa opisina nagulat sila na tila may hindi  magandang nangyayari ng araw na iyon.

        Makikita nila sa lobby ay naipon ang mga empleyadong naguguluhan, nalilito at mistulang galit. Kapansin-pansin din na mga mukhang nag-alsa balutan ang mga empleyadong bitbit ang kani-kanilang gamit sa opisina.

       "What is happening here?" Nagtanong si Yuri sa isang security guard.

       Hinarangan siya ng ibang security guard at pinayuhan na sa likod na lamang dumaan.

       Nagtataka man ang dalawa ay sumunod na lamang sila sa payo ng security guard. Inassist din sila ng mga security personnel papasok ng elevator.

      "Ano bang nangyayari bakit nagkakagulo?" Tanong din ni Aiken sa batang batang Chairman na si Yuri.

      "Maybe we need to see Sir Aizen para malaman natin kung anong nangyayari sa mga employees." Sagot naman ni Yuri.

       Kaagad na kinontak ni Aiken ang Dada Aizen niya sa phone. Sinabihan silang puntahan agad siya sa kanyang opisina.

    
       Tumuloy nga si Chairman Yuri at Aiken sa opisina ni Aizen. Nadatnan niyang kausap ni Aizen sila Brent at Lance na mukhang mga tensiyonado.

      "Sir ano pong nangyayari? Bakit ang dami pong empleyado na nasa lobby?" Magalang pa rin makitungo si Yuri sa mga Shau-Chen kahit na siya na ang CEO ng SC Incorporation. Nais niyang maging ganun pa rin na may paggalang ang pagtrato niya kanila Brent at Aizen dahil mapapangasawa na niya soon si Aiken.

        "This is what I expected will happen. Hindi mangyayari ito kung ibinigay niyo sakin ang position bilang Chairman at CEO ng kumapanya natin." Mabagsik na sabi ni Aizen kay Yuri.

       "Zen, you know our company policy kung sino ang may malaking major shares sa kumpanya ay sa kanya mapupunta ang position as Chairman and CEO." Giit ni Brent.

      "Walang tiwala sa inyo ang buong Board of Directors kaya para silang nagproprotesta sa inyo! Dinissolve nila mga department na hawak ng ibang board at pagkatapos ay pinagforce resignation nila lahat ng mga contractual employees." Saad ni Aizen.


      "Sir Aizen bawal po sa batas ang ginawa nila, hindi po puwede ang ganito." Protesta ni Yuri.

       "So what will you gonna do? Pupunta ka sa Labor Department, magpa-file ka ng complaint sa mga Directors at Executives. Idradrag mo sa kahihiyan ang kumpanya? Is that what a CEO should think?" Bulyaw ni Aizen na gigil na gigil kay Yuri.

       "Zen can you just calm down hindi masasagot ang problema natin ito kung paiiralin natin ang init ng ulo. Ngayon lang kita nakitang ganito of all the problems that we encountered..."

       Naputol ang pagsasalita ni Brent nang sagutin siya agad ni Aizen.

        "So kung ganoon ako dati hindi na ba ako puwedeng magbago in some aspect. Should I just calm down, relax, and chill na ganito nangyayari sa kumpanya? Dapat ba hindi ako mag-alala Brent?" Patutyang sabi ni Aizen kay Brent.

       "Zen I'm just concern baka mapaano ka kapag sobrang taas ng presyon mo." Nilapitan ni Brent si Aizen para bigyan ng tubig at painumin.

      "Sir I understand you, alam ko naman po na hindi po ito dapat mangyari. Magpapatawag po ko ng emergency to resolve this problem." Sagot naman ni Yuri kay Aizen.

       "May isa-suggest ako considering na inalis ng ibang directors ang ibang department, bubuo ako ng isang department para gawin lahat ang mga naiwang trabaho ng mga pinagresign na mga casual employees. Wala pa naman big projects ang hawak kong Marketing and Strategic plan group, in this way hindi mapaparalyzed ang kumpanya natin." Suhestiyon ni Lance.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon