Chapter 60 Hindi Magbabago ang Puso ni Spocky

167 12 15
                                    

Balik tanaw...

      23 years old si Aizen Shau-Chen nang makilala si Brent na nung una ay isa sa mga nangkidnap sa kanya. Si Brent Montecillo naman ay 28 years old noon at ang kapatid niyang si Spocky 'Aki' Montecillo ay disesiyete anyos.

      Menor de edad pa lang si Aki nang magkrus ang landas nila ni Aizen. Bata at wala pang kayang gawin noon si Aki.

      18 years ang lumipas ngayon ay nasa edad sana na nakapag-asawa na si Aki ngunit hanggang ngayon ay nanatili pa rin siyang single. Sa mga panahong lumipas ay maraming nangyari kay Aki, matagal siyang nagtrabaho sa abroad. Hanggang ngayon ay may espasyo pa rin sa puso ni Aki si Aizen.

           *************************

Aizen...

       Nagdecide na lang akong bumalik kanila Mang Artemio at sa anak niyang si Katkat. Sinubukan kong makita si Mommy Ives, naghintay ako ng matagal sa pinaka main gate bago makarating sa villa ngunit pero bigo ako.

       Gabi na ng makabalik ako. Hindi naman nagtanong sakin si Mang Artemio kung ano naging lagay ng lakad ko.

      Kinukuha ko pa lang ang mga karton para ipangsapin sa hihigaan ko ay tumutulo na mga luha ko. I can't stop from shedding tears.

      Bakit ko sinapit ito? Bakit hinayaan ng Diyos na magkaganito ako?

      Bakit sa lahat ng magandang ginawa ko sa kapwa ko ito ang magiging kapalit.

      Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapaiyak. Puro ungol lang ang nililikha ng bibig ko sa pag-iyak.

      Halos tumabingi kasi ang nagdikit na labi ko. Kukunti lang ang naibubuka ng bibig ko. Hindi ko magawang sumigaw para ibuhos lahat ng kalungkutan ko. Maski sa pagkain ay hirap akong kumain.

      Narinig kong nagtanong si Katkat kay Mang Artemio. Sinabihan niya hayaan lang akong umiyak.

      Dahan-dahan akong humiga ng patagilid sa inilatag kong karton. Ramdam ko ang lamig ng sahig at ng paligid nitong gilid ng kalsada sapagkat pinagtagpi-tagping kahoy lang ang dingding nitong hinihigaan ko.

      Patuloy na tumutulo ang mga luha ko. Naisip kong mas mabuti pang matapos na ang buhay ko. Para hindi ko na maranasan ang paghihirap ko.

      Pero bago mangyari iyon sana makita ko man lang ang mga anak ko. Sana mayakap ko man lang sila kahit isang saglit. Kahit hindi nila ako makilala basta mayakap ko lang sila.

      Brent mahal na mahal kita Brent. Kung hindi man tayo magkita na huwag na huwag mong pababayaan mga anak nating sila Brandon, Aiken at Aeka. Kahit na wala na ako patuloy ko kayong susubaybayan. Mahal na mahal ko kayo.

      Paano pa ko mabubuhay? Paano pa ko makakabalik ni hindi ako makilala ni Brent nang magkita kaming dalawa.

      God, I don't know what to do.

     Wala akong maisip gawin para malampasan ang problema ko. Paano pa ko makakalaban nito kung ang lahat nawala na sakin. Naramdaman kong nanakit ang pisngi ko napasukan na siguro ng luha ang plastic plaster na nakalagay sa sunog kong mukha.

      Ginising ako ni Katkat, nakatulog na pala ko kagabi nang hindi ko namamalayan.

      Kailangan na namin mamalimos upang magkaroon kami ng makakain.

       Wala masiyadong nagbigay ng limos samin ni Katkat. Naisip niyang humingi kami ng kalakal sa isang subdivision. Bawat bahay ay hiningian namin ng maibebentang mga kalakal. Kukunti lang ang nagbibigay samin. Naramdaman kong kumakalam ang sikmura ko.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon