Chapter 53 Ang Pagbabalik ni Aizen

128 8 3
                                    

Panahong umalis si Brandon at nagpakalayo-layo. Hindi pa nagaganap sa chapter na ito ang pagkamatay ni Aizen.
    

          "Mga bakla tantanan niyo ha, para kayong mga asong naglalaway na nakakita ng masarap na buto."

       Nakataas pa ang kilay ni Yesi sa sangkabaklaan sa kanilang lugar.  Napakabilis kumalat ng tsismis na may kinakasamang guwapong lalaki si Yesi. Hindi inaalala ni Yesi ang magiging galit ng kanyang kuya at tatay niya sa kumakalat na tsismis. Ang mas inaalala niya ay si Brandon na baka pumatol sa  mga kakilala at mga kaibigan niyang mga bading. Alam niyang hindi tantanan si Brandon ng mga kaibigan at kakilala niyang mga bading

  
         Alam ni Yesi ang likaw ng mga bituka ng mga bakla sa lugar nila. Kaya naman nag-aalala. Selos at takot ang nadarama niya sapagkat may lihim na pagtingin si Yesi kay Brandon, kahit na may kagaspangan ang ugali ng binata. Sa tuwing kasama niya ito palagi ay tinatago niya ang kilig nito.

        "Bakla sabihin mo na kasi totoo jowaer mo na yan nuh." Sabi ni Jopay na manikurista sa parlor.

        "Yan guwapong iyan mukhang mayamam, mukhang foreigner papatulan si Yesi? Mga bakla isip-isip din ha ano naman hahabulin ng lalaking yan kay Yesi na baklang tuod dito satin." Sabi ni naman ng isang transgender na dating nagtrabaho ng matagal sa Dubai.

        "Wow ha makapintas talaga sakin Aica wagas ha. Eh paano kung sabihin niyong jowa ko siya, ano naman sa inyo?" Inis na sabi ni Yesi sa mga nagkatipon-tipon na mga baklang naroroon.

       "Tingnan natin baklang payatot aagawin namin sayo yan jowa mo." Sabi naman ng isang beki na palasali sa pageant at sa sobrang ganda nito ay napagkakamalan ng babae.

       Naitikom na lang ni Yesi ang kanyang kamao sabay bulong sa sarili ng "Mangarap kayo, homophobic ang amo ko."

        Ito na nga ang ipinagdadalawang isip ni Yesi nang hingan siya ng tulong ni Brandon, na pagkakaguluhan siya ng mga tao lalong lalo na mga bakla.

        "Yesi!" Sigaw ni Brandon nang makita siya sa grupo ng mga baklang mistulang nagrarally sa tapat ng inuupahang bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        "Yesi!" Sigaw ni Brandon nang makita siya sa grupo ng mga baklang mistulang nagrarally sa tapat ng inuupahang bahay.

         Halos mabaliw ang mga bakla nang makita ang itsura ni Brandon na nakatapis lang ng tuwalya. Halatang mabango ang kasingit singitan ng katawan nito. Nagtitili sila nang mapadako ang mga mata nila sa bukol ng manipis na lumang tuwalya na nakatapis sa baywang.

       Ikinasimangot ng guwapong mestisong binata ang presensiya ng sangkabaklaan sa tapat ng inuupahang bahay niya.

        Kaagad naman lumapit si Yesi sa kanya. Tinanong niya kung ano ang kailangan ni Brandon. Ngunit angga bakla nang biglang hatakin paloob si Yesi sabay padabog na isinara yun pinto.

       Halos maloka lahat ng bakla ng nakasaksi sa ginawang iyon ni Brandon.

       "Gosh bet na bet ko yun ganun. Ang rahas bigla na lang nanghahatak para makipagchukchakan." Sabi ng isang bakla.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon