Chapter 15 Light and Darkness

143 8 1
                                    


      "Alive, alive, alive my Jesus is alive, alive foremore. Alive, alive, alive...."

     

       Ito ang paulit-ulit na kanta ni Greanth habang binabagtas nila ang napakadilim na makitid na daan. Todo yakap si Aiken habang nakapikit ang kanyang mga mata. Ayaw niyang makakita o makaexperience ng di makakalimutang karanasan.

       Sa sobrang takot niya ay hindi niya napansin ang pagpiyok ni Greanth,  nanginginig kasi ang vocal chords nito dahil dinadapuan na din siya ng takot.

     
       Bantog kasi ang lugar na yun sa mga nakakatakot na pagpapakita ng mga multo. Ilang dekada nang napaglisan ng panahon dahil walang nais bumili nang mahigit kalahating ektarya ng lupa. Tapunan kasi noon ito ng mga pinaslang   na tao.

      Parang pusa kung makakapit si Aiken pansamantala niyang nalimutan ang pagkainis kay Greant.

     
       "Okay na nandito na tayo." Saad ni Greanth pagkahinto ng motor.

       Nanatili pa rin nakayakap si Aiken kay Greanth kaya naman abot tenga ang ngiti niya sa kawalan.

      
        "Ang sarap mo naman yumakap Babe, sige pa higpitan mo pa." Nakakalokong sabi ni Greanth.

       Nang marinig yun ay agad naman kumalas ng yakap si Aiken kay Greanth, ngunit mabilis na kinabig ng mestisong f*ckboy ang mga kamay ni Aiken.

       "Diyan mo lang yan nasasarapan pa ko eh."

      
       Ang lakas ng tawa ni Greanth.

       "Siraulo!"

       Kaagad na bumaba si Aiken at humarap sa gate ng lumang dormitoryo. Nakita niya ang napakalaking field sa unahan kasama na dito ang parking at lumang malaking chapel.

      Bago pa man nakapasok si Aiken  sa gate ay bigla na lang siyang hinatak ni Greanth.

 
      "Ano ba! bakit ka ba hatak ng hatak?" Reklamo ni Aiken kay Greanth.

      "May sasabihin pa kasi ako bigla ka na lang umaalis." Sagot ni Greanth.

       "Ano na naman ba?" Inis na tanong ni Aiken.

       "Wala ang sarap mo talagang kulitin." Tanging nasabi ni Greanth kay Aiken. Napakamot na lamang siya ng batok habang kinukuha ang mga importanteng gamit sa compartment at safety box na nakalagay sa likod ng kanyang motor.

       Magtatapat na sana si Greanth ng nadarama niya para kay Aiken ngunit naisip niyang wala sa timing ang gagawin niyang pag-amin.

     "Babe hintayin mo naman ako." Kandarapa ni Greanth para maabutan si Aiken na papasok na sa dormitoryo.

      Sapagkat huling dumating sila Greanth at Aiken ng dormitoryo. Iisang kuwarto na lang ang nakalaan para sa kanila. Maski ang malalaking kuwarto ay puno na din, lahat ng mga doubledeco na higaam ay okupado na ng mga estudyante.

      Halatang inis ang mukha ni Aiken habang kausap ang pari.

      "Sige po Father maraming salamat po." Ani Greanth sa matandang pari bago ito umalis.

     "Hey cheer up sorry na kung itong kuwarto na lang ang available. Pasalamat ka pa nga at may naabutan pa tayo. Last year  kaya naexperience kong matulog  sa tent. May kasabay na ibang school nang magholy retreat kaya huwag ka na mabadtrip babe."

       "Alam mo kung ano ikinababadtrip ko? Ikaw! Ikaw na makakasama ko ng two days dito sa kuwarto." Singhal ni Aiken na di na maiwasan sumabulat ang naipon niyang inis magmula pa nung umaga.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon