Chapter 65 Ang Pagwawakas Part 2

174 7 9
                                    


"Dada what happened to you? Bakit hindi ka nagsasalita? Bakit balot na balot ng bandage mukha mo?" Matapos yakapin ni Brandon ay tinitigan niya si Aizen nang mabuti.

He was wondering what happened to his father. Then out of nowhere lumapit bigla si Spocky sa kanila

"Brandon may nangyaring masama sa Dada mo. Medyo nasunog ang buo niyang mukha niya." paliwanag ni Spocky.

"Sino may gawa sayo niyan Dada? Sinong walang kaluluwa ang gumawa sayo nito?" tanong ni Brandon na naggagalaiti sa galit.

"Brandon may mga taong gustong pumatay sa Dada mo. Nandito ako para maibalik na siya sa inyo. Kailangan mahuli ang may kagagawan nito, kailangan malaman niyong lahat na kasama natin ang totoong Dada mo. Dapat mahuli ang taong nagpapanggap at malaman natin kung anong masamang plano niya sa inyo." tugon ni Spocky sa kanyang pamangkin.


"May nagpapanggap? Paano nangyari ito? Ano po bang nangyari sa inyo Dada? Paano nakapasok sa buhay natin ang taong iyon?"

Hindi maintindihan ni Brandon ang mga nangyayari. Sapagkat nawala siya ng ilang buwan dahil sa pagtatago sa mga pulis.

"Mahabang salaysayin Brandon. Maski ako hindi ko rin lubusan nauunawaan kung paano nangyari at nagkaganito Dada mo. Ang malinaw lang sakin mula sa isinulat niya; nag-umpisa nang gumuho ang project na tulay ng kumpanya ninyo. Nakaligtas ang Dada mo hanggang makuha siya ng mga taong pumatay sa kanya." paglalahad ng kuwento ni Spocky.

Hinawakan ni Aizen si Brandon sa mga balikat. Tinitigan niya sa mga ang kanyang anak. Matapos iyon ay tila nagkaunawaan ang mag-ama kahit walang salitang namutawi sa kanilang mga bibig. Ang pagmamahalan nilang bilang mag-ama ang nagdudugtong sa kanilang dalawa.

Inaya na ni Spocky na pumasok sila sa loob ng mansyon. Ngunit hindi pa sila nakakahakbang ay hinarangan na sila ng mga Security Personnel patungo sa mansyon. May nakataling pula sa kanilang mga braso na ang ibig sabihin ay mga tauhan ni William Anh.

"Kailangan sumama samin si Aizen Shau-Chen!" sigaw ng isa sa mga tauhan ni William Anh.

"Magkakamatayan muna tayo bago niyo makuha ang Dada ko!" sigaw ni Brandon sabay labas ng baril na ibinigay sa kanya ng Commander.

"Brandon kumalma ka lang!" saway ni Spocky sa kanyang pamangkin. Inilibot niya ang kanyang at nalaman na napapalibutan sila ng mga armadong lalaki.

Nagtaka si Spocky kung bakit nais kunin si Aizen ng mga security personel.

"Pasensya na hindi kami makakapayag na kunin niyo si Aizen kailangan kasama kaming dalawa." saad ni Spocky.

Hindi niya nakita magmula kanina si Yessi sapagkat nakapagkubli ito sa mayayabong na mga bushes sa malaking garden. Ni wala din nakakita kay Yessi na mga tauhan ni William Anh.

"Hindi ko kailangan ng pahintulot mo! Huwag kang humadlang sa plano namin kung ayaw mong maaga kang mango kay San Pedro!"

Pagkasabing iyon ng isa sa mga lider ng mga tauhan ni William Anh ay sabay-sabay silang tinutukan ng baril. Aalma sana si Spocky nang hatakin si Aizen ng mga lalaki ngunit nakita niyang tinutukan ng baril si Brandon sa ulo ng isang lalaki.

"Mga hayop kayo! Mga wala kayong kaluluwa!" sigaw ni Spocky sa mga tauhan ni William Anh.

Walang siyang magawa nang titigan siya sa mata ni Aizen. Tila nagpapahiwatig si Aizen sa kanya na mas mahalaga ang buhay ng kanyang anak si Brandon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon