Chapter 22 The Badass Rich Kid

76 3 0
                                    

     
Maagang naghatid ng meryenda si Yesi sa mansyon ng mga Shau-Chen, sinabihan siya kahapon ng maid na agahan ang pagpunta bukas. Kaya naman alas dos pa lamang ng hapon ay naroon na siya sa tapat ng malaking gate ng mansyon. Dati-rati ay may maid na nag-aabang sa kanya para kunin sa gate ang mga paninda niyang meryenda. Ngunit ngayon ay inihatid siya papasok sa loob ng masyon ng isang bodyguard patungo sa servants quarter kung saan malapit ito sa kusina ng mansyon. Pagkarating niya sa tapat ng servants quarter ay sinabihan siyang maghintay na lamang doon. At kabilin bilinan sa kanya na huwag siyang aalis sa kanyang kinatatayuan.

Hindi naman mainipin si Yesi kaya naupo muna siya isang upuan na naroon. Lumipas ang isa, dalawa at tatlong minuto ay wala pa rin ang maid na nakatokang kumuha ng paninda niya. Naisipan ni Yesi na dukutin ang lumang phone niya sa bulsa para may mapagkaabalahan habang naghihintay.

Nakakita si Yesi ng mga maid na abalang abala sa paghahakot ng mga sapin. Nilapitan niya ang mga maid upang sabihin na dala na niya ang meryendang paninda, sinabihan lamang siya ng mga maid na hintayin na lamang si Lourdes na kapwa nila kasambahay at nagmamadaling iniwan siya.

Walang magawa si Yesi kundi ipatong sa upuan ang bilao kung saan nakalagay ang mga paninda niyang banana cue, karyoka at sapin-sapin. Nakaramdam na ng pagkainip si Yesi at nag-isip na kung bakit wala pang kumukuha ng kanyang paninda. Kinatok niya ang pinto kung saan nagsipagpasok ang mga maid dahil itoy nakasira. Ngunit ilang beses na siyang kumakatok wala pa ring nagbubukas sa kanya.

Napagpasyahan ni Yesi na kunin muli ang bilao at maghanap ng makakausap. Hindi na niya ninais magbalik sa malaking gate dahil halos 40 meters ang layo nito sa mansyon. na dati-rati nakaabang na sa kanya ang katulong na nagbabayad sa kanya ng paninda niya.

Nilibot ni Yesi ang gilid ng mansyon, namangha siya sa napakalawak na lupaing tinitirikan ng mga Shau-Chen. Napakagaganda tingnan ng mga puno at halaman kahit siya tumingin. Ni hindi niya halos makita ang napakataas na makapal na sementong bakod na nababalutan ng halamang gumagapang. Mistulang park sa London ang napakalawak na garden ng mga Shau-Chen. Mahilig kasi si Mommy Ives kaya naman alagang alaga ng sampung hardinero ang mga halamanan at puno. Natuwa siya nang makakita ng mga kabayong inihahanda sa harapan ng kuwadra. First time lang niya makakita ng kabayo, sa sobrang kahirapan ng pamilya niya ay kahit sa pamamasyal sa zoo ay hindi siya nakatikim simula ng bata pa siya.

"Napakayaman talaga ng suki ko ganito 'yong mga nakikita kong mga mansyon sa pelikula." Bulong niya sa sarili na hindi makapaniwala sa napagmamasdan niya.

Patuloy na naglalakad si Yesi, may narinig siyang tawanan ng mga lalaki. Bukod sa mga boses na kanyang naririnig ay nakakarinig din siya ng pamilyar na tugtog sa isang music and video app na nakainstall sa phone niya.
Simpleng bakla lamang si Yesi, bihis lalaki pa rin ngunit malamya kumilos. Patpatin ngunit masigasig sa buhay at sobrang sipag sa pagtulong sa gastusin ng kayang pamilya.

Brandon

Dala ng curiosity lumapit pa si Yesi upang malapitan ang ingay na naririnig niya sa Gazebo. Lumapad ang ngiti sa kanyang labi nang malapitan niya ang lalaking walang habas na bumabayo sa harapan ng phone. May tatlong lalaki ang naroroon ngunit mas nakafocus siya sa lalaking sumasayaw.

Tuwang tuwa si Yesi na pinapanood ang mestisong lalaking walang kapaguran sa pagsasayaw at pangangaldag ng baywang. Ganito ang kinaaliwan ni Yesi na pinapanood niya ang mga nagsasarapang lalaki na panay giling sa video. Sa dami nang mga pinafollow niya ay hindi na niya maalala na isa si Brandon sa mga lalaking pinapagpapantasyahan niya.

Kilig na kilig pa ang dise siyete anyos na bading sa napakaguwapong si Brandon. Binusog ni Yesi ang mga mata niya sa maalindog na pangangatawan ni Brandon at sa tuwing lalabas ang ngiti ni Brandon ay tila maiihi siya sa sobrang kilig.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon