Chapter 20 Ang lihim ni Aiken

146 8 5
                                    


Greanth Pov...

 
      20 minutes na akong naghihintay ng reply ni Aiken sa mga messages. Nagtataka ako kung bakit di siya nagrereply sakin. Iniisip ko tuloy kung may nagawa ba kong ikinagalit niya.

      Sa pagkakaalam ko wala naman akong nagawa na ikinagalit. This past few days after na iligtas ko siya ay naging maayos na kami. We had everynight phone call and it was great. Marami kaming napaguusapan tungkol sa maraming bagay. Pakunti-kunti na kong manliligaw kay Aiken, iniba ko na pangliligaw ko most specially in terms of planning to hook up someone. Ayaw ko nang maudlot pa ang magandang nagyayari samin ni Aiken.

      Kaya tuloy napapaisip ako kung bakit di niya ko nirereplyan. Hindi ko rin siya mahanap sa buong University ang tanging hindi ko lang napupuntahan ay ang library.

      "Lods kamusta na." Sigaw ng kilalang kilala ko ang boses na mula sa likuran ko.

       Lumingon ako sa kinauupuan kong bleachers at hindi nga ako nagkamaling si Amber ang paparating.

        "Best kamusta?"

        Kinamusta ko ang bestfriend kong si Amber na ngayon lang pumasok sa University. Kagagaling lang niya sa pagpapagaling sa hospital. Nagyakapan kami dahil miss na miss ko na ang bestfriend. Si Amber lang bukod kay Mommy ang tanging nakakaunawa sakin and she's always there for me kapag may problema ako. Lahat ng tungkol sakin ay alam niya. Para ko nga siyang number 1 fan dahil sa todo support niya sakim all through out. Gwapong gwapo siya sakin last year nilagawan ko siya nang mabakante ako pero binasted niya. For her mas importante daw para sa kanya ang friendship kahit sa ano pa mang bagay. Which is I agree kaya naman magkasundo na magkasundo kaming dalawa.

         "Kamusta ka na bet, natutuwa ako nakarecover ka na." Masayang sabi ko sa kanya.

         "Ako tinatanong mo? Siyempre okay lang ako, ako pa si Amber Marasigan, matibay ako." Nakakawiling sagot sakin ni Amber na ang liksi-liksi mukhan ngang okay na siya.

        "Ikaw ang kamusta  lods, balita ko may sinseryoso ka na ngayon ah. Si sikat at favorite na blogger ko pa puntirya mo? Ano bang nakain mo bakit si Mr. Genius pa target mo. Hindi ka papasada sa kanya." Sabi ni Amber.

        "Grabe ka naman  Bess parang ang tingin mo naman sakin wala lang. Bagay naman kami ah." Bawi ko.

        "Alam mo hindi ko alam kung matatawa ba ko o magpapamisa ako eh. Noong opening ng class na-suspende ka dahil nahuli kang nakikipagkaratan sa  babaeng Nursing ang course sa bakante room tapos ngayon naman Si Aiken Montecillo. Nahihibang ka na ba? Napakatalino niya at nuknukan pa ng yaman pamilya niya tapos siya ang flavor of the month mo. Kutusan kaya kita!" Nakabusangot pa si Amber habang kausap ako.

     Matapos niyang magsalita ay naupo na din siya sa bleacher malapit sa tabi ko.

    
     "Support na lang bess. Seryoso ako kay Aiken ngayon lang ako naging gan..."

      Naputol ang pagsasalita ko nang ipakita sakin ni Amber ang isang magazine kung saan feature ang mga parents ni Aiken.

      "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Don't ever think na magkakaroon ng katuparan yan pansexual desire mo dahil ano? Inspiration mo mga parents ni Aiken Montecillo. Mag-isip isip ka! Hindi madali ang naging buhay nila noon and according to this article they been through a lot of hard times na sumubok sa relasyon nila at tatag ng kumpanyang minana nila." Amber said.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon