Chapter 31 Intoxicated

90 8 0
                                    

Lance upang lumuwag ang bigat na nadarama niya sa kanyang dibdib. Hindi niya kayang matagalan ang nangyayari sa Conference. Hindi pa nga nag-uumpisa ang board meeting ay para na siyang nalulunod.

    
       Hindi niya matagalan ang mga mapanghusgang titig sa kanya ng mga board members. Pakiramdam niya'y unti-unti siyang sinasaksak sa dibdib ng mga bulong bulungan kanyang naririnig.

       Tiningnan niya ang sarili sa salamin bakas sa mukha niya ang pinagsamang lungkot at pagsisisi sa lahat ng mga nagawa niya sa buhay niya, lalong lalo na kay Aizen.

       Ang bigat para sa katulad niya na labis nang nagsisisi at heto parang bangungot na bumabalik sa kanya ang guilt na nadarama niya sa mahabang panahon.

        "Nice seeing you again Mr. Lance Chen."

     
        Hindi inaasahan ni Lance na lalapitan siya ni Margaux habang mistulang aatakihin ng panic attack.

       
       Naglipstik muna ang transgender bago  tingnan sa repleksiyon ng salamin si Lance.

        "I hope you still remember me Sir Lance." Mapang uyam na sabi nito sa kanya.

        "Anong ginagawa mo dito? Bakit ka naririto?" Tanong ni Lance kay Margaux.

        Hindi siya sinagot ni Margaux bagkus ay nakahanda ang transgender na insultuhin siya. "It's the way how you treated a long time friend. Oh I forgot were not realy friends, aren't we? You just hired me para guluhin noon ang pinsan mong si Aizen at si Brent." Pagkasabi nito ni Margaux ay tinitigan  niya ng mabuti si Lance.

        Napansin ni Lance ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Margaux na nakakainsulto.

        "I don't know what are you talking about!" Inis na sabi ni Lance sa transgender na Ex ni Brent.

        "Kung sabagay puwede din natin ipagpalagay na nakalimutan mo na nga. Look at you ano bang feeling ng nagparetoke ng mukha para lang makalapit ka kay Aizen na hindi niya namamalayan na ikaw pala ang pinsan niya."

        "Napakasama mong tao Sir Lance na ultimong pinsan mo ay kaya mong patayin dahil sa kasamaan mo. Hindi ka na dapat bumalik dito sa Pinas..."

        Hindi na pinatapos pa ni Lance ang mga sasabihin ni Margaux dahil hindi niya kayang magtimpi sa ginagawa sa kanya. Ngunit kahit ganun pa man kinokontrol niya ang kanyang na huwag magalit.

        "Tumigil ka na! Pinagsisihan ko na lahat ng mga kasalanan na nagawa ko. Hindi mo na kailangan ipaalaala sakin ang lahat ng mga nagawa ko noon!"

       "What is happening here?"

        Napatingin ag dalawa sa pagpasok ni Aizen sa loob ng Comfort Room. Kaagad na nilapitan ni Aizen si Lance dahil napansin niyang may mainit na pagtatalo ang dalawa.

       "Tingnan mo nga naman, napakaweird na ang dating magkaaway ay ngayon ay magkasundo na ngayon." Pang iinsulto ni Margaux kanila Lance at Aizen.

        "Shut up I never treated Lance that way. Yes may mga nangyaring hindi maganda saming dalawa but I already forgave him. He will be always my cousin no matter what you say." Giit ni Aizen.

        "I think I'm enough with this conversation. Tutal kayong dalawa naman yan, buhay niyo yan at wala akong pake."

       Humanda na lang kayo sa binubuo naming plano para pabagsakin ang Shau-Chen Incorporation. Kapag bumagsak na si Brent hindi malayong babalik sakin si Brent na parang basang sisiw. Ito ang tumatakbo sa utak ni Margaux habang tinitingnan niya ang magpinsan bago siya tuluyang lumabas ng Comfort Room.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon