Chapter 23 Ang Aksidente

116 5 0
                                    


Warning!!! This chapter contains sexual acts not suitable for teens or young readers.

     "Bro saan ka na ba? Ang tagal mo naman." Bakas sa tinig ni Jordy na bahagya itong iritable mula sa kabilang linya ng tawag.

 
     Hindi naman iyon pinansin ni Brandon dahil nagkukundumahog na ito sa pagsuot ng jacket at helmet bago sumakay sa motor.

      "Paalis na ko." Maikling sagot ni Brandon sabay press ng end call sa phone na nakalagay sa manibela ng motor.

       Kaagad na pinatakbo ni Brandon ang motor upang makaalis na siya ng tuluyan. Para siyang hinahabol ni Kamatayan sa sobrang tulin ng pagpapaandar niya ng motor. Hindi niya inaalala ang kausap niyang tropa na si Jordy bagkus ang mas inaalala niya ay si Poldo. Hindi siya pinayagan  ng bantay niyang Security Personel na lumabas dahil kasalukuyan itong nakikipag usap sa bestfriend niyang si Razzo na matagal nang tumira sa Amerika.

        Napasarap ang usapan ni Poldo at Razzo, marami silang napagkuwentuhan at higit sa lahat ay panay ang pakikibalita ni Razzo kay Aizen. Ito ag dahilan kaya natakasan siya ni Brandon.

        Sa kalagitnaan ng biyahe ni Brandon sa kahabaan ng highway. Napaling ang attention niya sa pag pop up ng message sa screen ng phone niya. May ibinigay na detalye at direksyon si Jordy na nagdulot ng pagkalito kay Brandon habang nagmamaneho. Kasalukuyan din biglang pag-ambon kaya lalo pang binilisan ni Brandon ang pagmamaneho.

        Pagliko ni Brandon sa isang kalyeng nuknukan ng dilim, may isang taong muntikan na niyang nabangga mabuti na lamang ay parehas silang nakaiwas sa isat isa.

         Labis-labis ang kabang namuo sa dibdib ni Brandon sa muntikang aksidenteng kanyang masasangkutan. Dahil sa takot ay hindi na niya nagawang lingonin o tingnan sa side mirror ang taong kamuntik niyang mabanggaan.

        Ilang minuto pa ay nasalubong ni Brandon si Jordy sa isang kilalang lugar na tabi-tabi ang establishment at mga nagtataasang condominium.

        "Buti Bro nasundan mo 'yong binigay kong direction sayo." Bungad ni Jordy pagkahinto nito sakay din ng motor.

        "Nasaan sila?" (Heckler, Khael, Nico at Jethro)

         "Sa sobrang tagal mo Bro umalis na sila doon sa unang venue na usapan natin." Mabilis na sagot ni Jordy.

         "Nasaan ba tayo?" Palinga-linga pa si Brandon habang tinitingnan ang mga magkakatabing condominium.

 
         "Pabalikin natin sila ulit." Saad ni Brandon.

          Akma sana tatawagin ni Brandon ang tropa ngunit mabilis siyang pinigilan ni Jordy. Ayaw kasi malaman ni Jordy ang pupuntahan nila ngayon ni Brandon. May itinatago si Jordy kay Jethro. May something kay Jordy at Jethro na di alam ng lahat ng tropa at ng buong varsity team.

        "Bakit Bro?" Nagtatakang tanong ni Brandon.

         "They left already almost one hour. I'm sure nakauwi na sila sa kanila.  At saka okay lang tayong dalawa lang mag-eenjoy pa rin naman tayo kahit tayong dalawa lang." Paliwanag ni Jordy.

         Pangisi-ngisi pa si Jordy nang nakakaloko kaya tuloy nakatitig lang sa kanya si Brandon. Naramdaman niyang hesistant nang sumama si Brandon na sumama sa kanya. Everybody knows among them extreme si Jordy sa lahat ng mga bagay, gimik at kung anu-ano pang escapades sa buhay.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon