Chapter 45 Ang Kapahamakan ni Brandon

135 7 0
                                    

.Kinabukasan...

       Tanghali na ng magising si Brandon. Tiningnan niya ang phone niya na tadtad ng miss calls at messages ni Aiken at ng lola Ives niya. Sinagot niya ito na magpapalipas muna ng ilang araw sa bahay ni Jordy. Mayroon din message sa kanya ang Daddy Brent niya, hindi ito galit bagkus ay pinaalalahanan siyang to keep in touch everytime. Nangako naman si Brandon na parating magsasabi kung nasaan siya. Nanghingi na rin siya ng sorry dahil sa nagawa niya.

        Napansin niyang tanging ang Dada Aiken lang niya ang walang message sa kanya. Inisip niya na marahil ay galit pa rin ang Dada niya sa kanya.

       Nag-iisip na siya ng ipapadalang text message sa Dada niya ngunit nagbago ang isip niya. Nahihiya siya sa nagawa niya.

   
        Babangon na sana siya nang mapansin niyang nagkalat sa sahig ang isang uri ng tablet. Napaisip si Brandon na marahil ito yun red pill na sinasabi ni Jordy.

        Kumuha siya ng isa hindi para gamitin kung hindi nais lang niyang magtago ng isa. Nacucurious siya kung saan nanggaling ang tabletang iyon.

        Matapos niyang magcr ay nagtungo siya sa kusina. Natagpuan niyang nagluluto ng pananghalian si Jordy. Umalis na pala si Jethro kaninang umaga. Nagpasalamat naman si Brandon dahil hindi niya alam kung paano haharapin si Jethro. Ang isipin pa lang ang nangyari ng magdamag ay naiilang na siya lalo pa kaya kapag kaharap niya si Jethro.

        "Gising ka na pala Don mamayang gabi may gimik tayong pupuntahan." Bungad ni Jordy sa kanya.

 
       "Saan?" Tanong ni Brandon.

       "Sa birthday ni Rossete imbitadong imbitado ka. Kaya kailangan nandoon tayo."

        "Sige." Walang kabuhay-buhay na sagot ni Brandon.

        Nakatuon ang isip niya sa red pill kung bakit ganoon na lamang si Jethro ng gabing iyon.

         "Kain na." Aya ni Jordy nang maupo siya sa tabi ni Brandon.

         Nakita niyang arozcaldo ang niluto ni Jordy. Paboritong potahe na niluluto ng Dada  Aizen niya at sa tuwing magkakasakit siya ay ito nirerequest niyang pagkain.

         Biglang nakadama ng lungkot si Brandon nang maalala ang kaalitan niyang ama.

         "What's wrong? Namimiss mo na ba family mo?" Tanong sakin ni Jordy habang hinihipan niya ang kutsara.

        "Oo Jordy namimiss ko na sila." Sagot ko naman.

        "So uuwi ka na niyan?"

       "Hindi pa pag-iisipan ko pa."

        Bago pa tuluyan malungkot si Brandon ay naisip niyang tanungin si Jordy tungkol sa pulang tableta.

        "Ah iyon ba? Huwag mo nang alamin."  Sagot ni Jordy para iwasan ang tanong niya.

       Ngunit mapilit si Brandon na alamin ang tungkol sa Red pill. Buong hapon niyang kinulit si Jordy kaya napilitan na rin sumagot ang may lahing Czech na binata.

       "Actually it's an illegal drug. Minimal lang ang narcotic effect niya which is nakakahigh. Ang pinaka main substance niya ay katulad sa viagra kaya nakakaboost ng sexual urge sa katawan. Ang efffect din niya wala kang maalala kinabukasan."

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon