Chapter 28 Greanth's Hearthbreak

109 8 2
                                    

.
        Warning this chapter contains scene not appropriate for minors.

Greanth...

Pagkalabas ko ng lab ay hinanap ko si Aiken. Natagpuan ko siya sa cr ng gymnasium. Sa likod ng building ng mga CHEM Department. Nag-iisang umiiyak na nakaupo sa sahig.

Inalis ko ang mga kamay at braso niyang nakapatong sa mga nakataas niyang tuhod. Doon ko nakitang mugtong mugto ang mga mata.

"Babe why are you crying? Did something bad happened? May nambully ba sayo? Sabihin mo babanatan ko."

Alalang alala ko sa kay Aiken, this is the first time kong nakita siyang umiiyak ng ganoon kagrabe. Nawala na sa isip ko that he had a conversation to Prof Nacio.

"Babe speak up. Tell me anong problema? May masakit ba sayo? Did you got hurt?"

Umiiling lang sakin si Aiken.

Paulit ulit ko siyang tinatanong pero hindi siya sumasagot. Nagulat ako ng bigla siyang yumakap sakin at nag-iiyak.

Hinayaan ko lang siyang umiyak saglit. Niyakap ko siya nang mahigpit para maibsan ang sakit na nadarama. Kung ano man ang nagpapabigat ng kalooban niya. Im here for Aiken.

Handa akong damayan siya kahit anong oras.

Naisip kong dalhin ko na lamang si Aiken sa bahay para at least were in private kung i-oopen niya sakin ang problema niya.

He still silent nang makarating kami sa bahay.

Pinaupo ko muna siya sa sofa at pagkatapos ay inayos ko saglit ang bahay. Nagligpit ng kunting kalat, binuksan ko ag air con. At tinipon ang mga flyers ng food delivery at ibinigay ko sa kanya nang balikan ko siya sa sala.

Pero bago ako lumipat sa kanya ay pinagmamasdan ko siya. Natigil na siya sa paghikbi. I think kalmado na siya.

"Pili ka na ng gusto mong kainin Babe. Nag-aalala na ko sayo hindi ka umiimik ayaw mong i-share sakin ag problema mo. Sige na sabihin mo na sakin problema mo. Nandito na tayo sa bahay walang makakarinig na ibang tao."

May suspetsa na ko kung anong dahilan ng pagkakaganito ni Aiken. It is something about him and the genetic thing or matter na pinag-usapan nila ni Professor Nacio.

Kung lalawakan ko ang isip ko. It could possibly about DNa kung hindi ako nagkakamali. But I don't want to jump in to conclusion at isipin kong nagpa DNA test si Aiken. Siyempre bakit naman niya gagawin iyon. For what?

Kaya I want to hear in his own lips kung ano ang problema niya.

Ilang minuto rin akong naka squat sa harapan ni Aiken. Pinipisil pisil at minamasahe ang kanyang palad at mahahabang daliri.

I sighed nang hindi ko siya mapilit na magsalita.

"Ganito na lang kung hindi ka pa ready mag open up sakin, hmm... alam ko na gusto mo magsing along tayo. Maglaro tayo ng LOL di ba gusto mo itry yun bagong hero. Ipag-tank kita. Kahit ano gagawin natin just to make you happy. Wait lang." Aalis sana ako para i-set up ang TV pero napatigil ako nang abutin ni Aiken ang likod ko.

"Gusto kong sumaya." Malungkot at naluluha pa ngang sabi niya.

"Akong boyfriend mong guwapo at macho ang bahala sayo." Masayang sabi ko habang ang kanang kamay ko ay naka Mr. Pogi at pini-flex ko naman ang malaking biceps ko.

Ilang ulit ko pang sabay na itinataas baba ang mga kilay ko para kulitin at patawanin siya.

"Nakikita mo ba itong mukha ko?" Tanong ko kay Aiken habang nagkekenkoy na padila dila, duling-dulingan at kung anu ano pa para lang mapasiya ang mahal ko.

My Love, My Forever  The Last SequelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon