VESTER
"Congratulations, Anak!" nakangiting bati sa akin ni mama pagkababa ko ng stage.
"Congrats Nak. Proud na proud kami sayo" masayang bati rin ni papa habang tinatapik ang balikat ko.
Napabuntong hiningi ako ng malakas. Sa wakas, natupad ko na ang isa sa mga pangarap ko at ng mga magulang ko para sa akin, ang makapagtapos ng kolehiyo.
"Congrats kuya!!" sabay na bigkas ng dalawa kong nakababatang kapatid. Sabay yakap ng mahigpit sa akin.
"Ang galing mo kuya, graduate ka na. Buti ka pa." nakangusong sabi ng senior high school kong kapatid na si Via.
"Wag kang mag alala V. Makakapagtapos ka rin. Basta pagbutihin mo lang palagi sa school. Nandito lang si kuya kapag kaylangan mo ng tulong." sabay gulo ko sa kanyang buhok.
"Oo na kuya. Pero wag mo gulohin buhok ko. Tagal tagal kong inayos yan. Tapos guguluhin mo lang. Hmmp"
Napangiti naman ako sa kapatid ko. Napakaarte talaga. Porket dalaga na.
"Kuya..." mahinahong tawag naman sakin ng isa ko pang kapatid na 7 taong gulang pa lamang.
"Oh. Bakit Vlad? Anong problema? May masakit ba sayo? Parang malungkot ka." kinarga ko ito at hinawi ang mga buhok na tumatakip sa kanyang mga mata.
"Di ba sabi mo pag nakatapos ka na dito sa school mo, aalis ka?" nakayukong sabi nito na halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi.
Napagawi ang tingin ko kay mama. Nakita kong namuo na din ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.
Hay. Ito na nga ba sinasabi ko eh. Di pa nga ko aalis. Mukhang magdadrama na agad itong si mama.
"Bunso.." itinaas ko ang mukha nya ng magpantay ang tingin namin. "Oo. Aalis nga si kuya. Pero babalik naman ako dito syempre. Hindi ko naman kayo kakalimutan. Lalo ka na." sabay pisil ko sa ilong nya.
"Palagi pa rin akong uuwi sa bahay natin. Kailangan lang talaga ni kuya na pumunta ng maynila para sa pangarap nya. Tsaka para makatulong kina mama. Ayaw mo ba nun?" mahabang saad ko dito habang nakanguso.
Umiling lang si Vlad at umakap ng mahigpit sa leeg ko.
Agad akong lumapit kay mama. Pinunasan ko ang iilang butil ng luha na malapit ng lumaglag sa mga mata niya."Ma... Napag usapan naman na natin 'to diba? Hindi mo naman siguro babawiin yung pagpayag mo?" pabirong sabi ko dito.
"Nak kasi-"
"Mahal" agad namang putol ni papa sa sasabihin ni mama.
"Pagbigyan mo na si Vester. Gusto din naman natin na matupad nya ang mga pangarap nya hindi ba. Ikaw din ang nagsabi na susuportahan natin siya sa kahit anong magiging desisyon niya sa buhay. At sa kung anong makakapagpapaligaya sa kanya." mahinahong sabi ni papa habang hinahagod ang likod nito.
"Oo. Naiintindihan ko naman yun. Kaya lang kasi. Ngayon ka lang mawawalay sa amin ng matagal eh. Paano ka doon? Sinong magluluto para sa iyo? Ang maglalaba? Mamamlantsa? Maglilinis ng bahay? Paano kung magkasakit ka? Sinong mag aalaga sayo?" sunod sunod na tanong sakin ni mama.
Hinawakan ko ang isang kamay ni mama. "Ma. Wag ka mag alala. Anak mo ko. Alam mo ang mga kaya kong gawin at naituro mo sakin lahat yun ma. At pinagpapasalamat ko yun ng sobra sobra sayo. Ikaw ang dahilan kung bakit sigurado ako na makakaya kong mamuhay ng mag isa sa maynila. Wag ka na mag alala sakin ma. Palagi akong mag iingat para sa inyo." mahinahon kong sagot sa kanya bago ito inakap.
"May tiwala kami sayo anak. Palagi mong tatandaan na nandito lang kami na pamilya mo sa kahit anong laban ng buhay. Abutin mo mga pangarap mo. Maging masaya ka parati."
Tumango ako at agad na niyakap silang lahat. Group hug na may kunting iyakan.
Talaga ngang napakaswerte ko sa pamilyang ipinagkaloob sa akin.
Wala mang kasiguraduhan ang landas na gusto kong tahakin ay nababawasan ang pag aalala ko sapagkat alam kong nariyan lang sila.Panibagong kabanata ng buhay ko ang bubuksan ko. Para sa akin at sa mga mahal ko sa buhay.
Pagpalain nawa ako ng Ama.
----
BINABASA MO ANG
Till the End [SB19 - Stelljun AU]
FanfictionIkaw lang. Hanggang sa huli. -Vester Status: COMPLETED Date Started: May 26, 2022 Date Ended: June 5, 2022