VESTER
Patuloy lang ako sa paglakad hanggang makarating ako sa baba. Sinalubong ako ni Cullen na nakangiti pero hindi ko ginantihan ang ngiting yun. Naramdaman niya sigurong wala ako sa mood kaya hindi niya na ako kinausap. Nakarating kami sa apartment ng wala pa rin akong kibo.
"Akyat na ko sa taas." sabi ko kay Cullen at agad na umakyat. Di ko na inintay pa ang sagot niya. Mabuti nalang at di na siya nag usisa pa.
Pagkalapat ng likod ko sa kama ay agad kong kinuha ang unan at isinubsob ang mukha ko dito.
Umiiyak na naman ako. Sigurado akong bukas ay pugtong pugto ang mga mata ko. Mukhang mahihirapan akong itago ito gamit ang make up.
Hindi ko alam kung bakit pero patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha ko. Sobrang sakit. Parang may kung anong sumuntok sakin pero di ko kayang gumanti. Siguro dahil hindi ako sanay na nasisigawan ng ganun. Kaya ganito ang epekto sa akin. Natakot ako pero mas lamang yung sakit. Ganito siguro pag may kaaway. Ayoko ng ganitong pakiramdam.
Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pag iyak.
***
CULLEN
Pagkatapos naming magpractice ay napagpasiyahan naming umuwi na. 7:00 pm na din pala. Di na makakapasok sa trabaho. Bukas nalang siguro bulong ko sa aking sarili.
Nakita kong nag aayos na ng gamit si Chastine.
"Chast. Samahan na kita papuntang parking." sabi ko dito at agad na lumapit sa kanya.
"Sigurado ka?" ganting tanong nito habang sinukbit ang kanyang bag.
"Oo naman. Saglit lang. Magpapaalam lang ako kay Ves." sagot ko dito at agad na pumunta kay Vester.
Pumayag naman ito at inasar asar pa ako.
"Tara na." baling ko kay Chastine at sabay na naglakad.
Tiningnan ko si Chastine. Maaliwalas ang mukha niya. Nakangiti siya. Inalis ko ang pagkakatingin ko sa kanya at napangiti rin.
Nakakahawa talaga ang mga ngiti niya. Pantay na pantay ang mga ngipin at napakapuputi pa. Talagang gagaan ang loob ng sinumang makakita ng mga ngiting yun.
Hindi ko namalayan ay nasa parking na pala kami. Agad akong nagpaalam sa kanya.
"Ingat sa pagdrive. Kita kits bukas." nakangiting sabi ko kay Chastine.
"Salamat. Ikaw din. Ingat." ganting sagot nito at pumasok na sa kotse niya.
Kumaway ako rito hanggang sa mawala ang kotse niya.
Naupo muna ako at nagbukas ng cellphone. Scroll scroll muna ako sa socmed ko.
Mukhang natagalan si Vester ah. Ano pa kaya ginagawa nun dun? bulong ko sa aking sarili.
Maya maya pa'y nakita ko na ito. Napangiti ako.
Malayo pa lang ay nakita ko ng madilim ang mukha ni Vester. Nawala ang ngiti ko. Dire diretso lang siyang naglakad. Sumabay ako dito. Hindi ko na tinangka pang mag usisa.
Sa mga gantong pagkakataon ay hinahayaan ko lang siya. Pag alam kong may pinagdadaanan siya ay hahayaan ko muna na sarilinin niya ito ng mga ilang araw. Saka ko na siya tatanungin kapag alam kong willing na siyang magkwento.
Nakarating na kami ng apartment. Hindi pa rin siya kumikibo.
Nagpaalam lang siya na aakyat na sa kwarto niya kaya hinayaan ko nalang.
Ano kayang nangyari don? Okay naman siya nung umalis ako ah. Ano kayang problema? tanong ko sa aking sarili.
Umakyat nalang din ako sa kwarto ko. Wala akong ganang kumain ngayon.
Nag quick shower lang ako at agad ng humiga sa kama.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko.
Nagchat si Chastine
@chastorres: Nakauwi na ko. Salamat pala sa paghatid kanina :)
Napangiti ako.
Agad din akong nakatulog.
---
BINABASA MO ANG
Till the End [SB19 - Stelljun AU]
FanfictionIkaw lang. Hanggang sa huli. -Vester Status: COMPLETED Date Started: May 26, 2022 Date Ended: June 5, 2022