Chapter 32

88 6 0
                                    

VESTER

Nandito ako ngayon sa condo. Sa nilipatan kung condo. Mag isa lang ako dito.

Pumasok ako sa kwarto at agad na umupo sa kama.

Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan ang sobreng pinadala sa akin. Kinuha ko ang sulat at binasa ito.

Vester,

I'm so sorry kung hindi na ako nagparamdam. Hindi kita kayang harapin Ves. Alam kong nakukulili ka na sa kakasorry ko pero nais ko pa ring humingi sayo ng dispensa.

Alam ko na kung san papunta ang liham na 'to. Unti unti ng tumulo ang luha ko.

I've tried to talked to them. I fight for our love, babe. I swear. Pero wala akong nagawa. Ang hina hina ko. Hindi kitang kayang ipaglaban Ves. I'm sorry.

I knew it. Sobrang sakit ng nararamdaman ngayon. Talagang pinagkait samin ni tadhana na maging masaya.

I can't say no to the marriage proposal because... Pia is pregnant.

W-W-What??

Lalong ang nadurog ang puso ko ng mabasa ko ang katagang yun.

I don't know how it happened because she said we did it when I was so drunk after you and I fought. I'm really sorry Vester.

Umiyak lang ako ng umiyak. I still want to see him. I need to see his face. Kahit na. Tanggap ko pa rin siya. Dahil mahal na mahal ko siya.

Wala na akong mukhang maihaharap sayo love. Sinira ko lahat. Kasalanan ko 'to. I'm sorry if I can't do anything with this situation. But I want you to know, deep down in my heart, you're the only one that I love. At ikaw lang ang tanging mamahalin ko. Wala ng iba pa. Patawad Vester.

Love,
Sejun

Napahagulgol ako ng mabasa lahat. Bakit naman ganito Lord? Ano bang nagawa kong kasalanan at pinaparusahan mo ko ng ganito? Isa lang naman yung hiling ko eh. Na makasama ko siya. Yung taong mahal ko at mahal na mahal ako. Sobrang hirap bang ibigay nun Lord??

Kinapa ko ang sobre. Meron pang laman.

Wedding invitation??

Lalo akong nagimbal.

Ikakasal na talaga sila. Ikakasal na yung taong mahal ko.

Tiningnan ko ang date.

Bukas?? Bukas na agad?

Nanlumo ako.

Wala na talagang pagkakataon na makausap ko manlang siya ng personal.

Bumuntong hininga ako.

Kumuha ako ng malinis na papel at agad na nagsulat.

***

I wore my white coat and pumunta sa venue ng kasal nila.

Oo. Pupunta ako. Pero hindi para manggulo at tumutol.

Pupunta ako para masilayan sa huling pagkakataon ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko.

Habang kinakasal siya sa iba.

Tumulo ang luha ko.

Kagabi pa ko umiiyak. Akala ko wala ng luhang lalabas sa mata ko dahil magdamag na kong walang tigil sa pag iyak.

Mabigat sa pusong tinanggap ko na wala na kaming magagawa. Talagang pagkakataon na rin siguro ang nagsasabi na hindi kami para sa isa't isa.

Masakit. Sobrang sakit. Pero what can I do.

I brought a gift for him. And a letter. I hope he likes it.

Maya maya pa ay nakarating na ko sa lugar ng kasal nila.

It is a garden wedding.

Napakaganda at engrande ng lahat. Pero kakaunti lang ang mga bisita sapagkat hindi ito pinaalam sa media.

Nakita ko agad sina Felip, Cullen, at Chastine sa upuan. Lumapit ako sa mga ito. Tumabi ako kay Felip.

"How are you?" he asked.

Napabuntong hininga ako. Pinipilit na wag tumulo ang luha.

"I don't want to be hypocrite so no. I'm not okay." sagot ko dito.

Tiningnan lang ako nito. Sina Cullen at Chastine ay maramang tinapik tapik ang likod ko.

"Nandito lang kami para sayo Ves hah." Cullen said.

"Yes Ves. We're here for you always." Chastine while giving me a reassuring smile.

"Thank you." tugon ko sa kanila.

But i'm sorry guys, mahinang usal ko.

Maya maya pa ay nagsimula na ang ceremony. Umayos na kami ng tayo.

Nakita kong naglakad si Sejun papunta sa altar. Kasabay nito ang isang lalaki. Maybe his dad.

Nagtama ang aming tingin ng mapadaan siya malapit sa pwesto namin pero agad itong umiwas at tumungo.

Hindi rin niya ito gusto. Hindi rin siya masaya.

Maya maya pa, lumakad na ang bride sa aisle.

She's beautiful. Wearing that white gown suits her beauty. I wish that was me.

Mapait akong napangiti. In my dreams maybe.

She looked at me. I can see sadness in her eyes. Why? Siguro dahil napilitan lang din siya?? Or is it guilt dahil alam niya ang meron samin ni Sejun.

She averted her gaze and patuloy na naglakad.

The ceremony went on.

"And now I pronounce you, man and wife. You may now kiss your bride."

Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makita na may hinahalikan siyang iba.

Nagpalakpakan ang lahat. Pumalakpak din ako.

Tapos na. Wala na. Talo na talaga ako.

Pain.

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon