Chapter 10

95 6 0
                                    

CULLEN

Lumipas ang mga araw at patuloy pa rin ang pagpapractice namin. Matamlay pa rin si Vester. Hindi na siya kagaya ng dati. Ngumingiti siya, nakikipagkwentuhan, at biruan pero hindi na kagaya noon. May nag iba. Tila palagi nyang tinitimbang ang mga ginagawa niya. May mga pag aalinlangan sa mga bawat kilos nito. Hindi siya yung Vester na kilala ko.

Hindi nalang din ako ang nakakapansin. Pati si Chastine ay nagtataka na rin. Madalas kasi na si Vester ang pasimuno ng kaingayan dito sa studio.

"Cullen. May napapansin ka ba kay Vester?" tanong sakin ni Chastine habang nagpupunas ng kanyang pawis.

Tinigil ko ang pag inom ko ng tubig. Kasalukuyan kaming nakabreak.

Hindi ako nakasagot. Napatingin lang ako kay Vester na nasa isang sulok at nakaupo. Nakatingin lang ito sa kawalan. Halata mong malalim ang iniisip.

"Nitong mga nakaraang araw kasi, parang wala siya sa sarili niya. Hindi naman siya ganyan dati diba? Lagi nga kayong nag aasaran eh." dugtong pa ni Chastine.

"Hindi ko alam Chast." sagot ko habang nakatingin pa rin kay Vester.

"Wala siyang sinasabi sa akin. Ayoko ring mag usisa. Magsasabi din yan pag handa na siya." dagdag kong sagot.

Kilala ko si Vester. Pasasaan ba at magkkwento din yan.

Habang tinitingnan ko ito ay hindi nakalagpas sa paningin ko ang pasimpleng pagsulyap ni Sejun kay Vester. Saglit itong tumitingin pagkatapos ay mabilis ding iiwas.

Naghihinala na ko sa dalawang 'to, bulong ko sa aking sarili.

Natigil ang pag iisip ko ng magsimula na ulit kaming magpractice.

Dumating ang hapon.

Maaga kaming pinauwi ngayon upang makapagpahinga ng mahaba. Sunod sunod na araw na rin kasi kaming halos gabing gabi na kung umuwi dahil sa training.

Inaya ko na si Vester pauwi.

"Tara na Dre. Uwi na tayo." sabi ko dito habang inaayos ang mga gamit ko.

"Mauna ka na Dre. Daan muna ko sa coffee shop." sagot naman nito at agad na sinukbit ang kanyang bag.

Napatigil ako.

"Ano? Anong gagawin mo dun? Wag mong sabihing magtatrabaho ka pa. Kailangan rin ng katawan mo na magpahinga. Halika na." saad ko dito at binuhat na rin ang gamit ko.

"Hindi na Cullen. Mauna ka nang umuwi. Saglit lang din ako sa coffee shop." sagot nito at tumalikod na.

"Hindi ako naniniwala sa saglit mong yan. Magpapakamatay ka ba hah??? Sabihin mo lang. Ako na gagawa!!" inis na sambit ko dito.

Parang walang narinig na patuloy na naglakad palabas ng studio si Vester.
Ni hindi nya ko nilingon.

"Vester!!! Anak ng - !!! Pambihira naman oh!!!" galit na sabi ko at padabog na naupo sa sofa.

Agad akong nilapitan ni Chastine para pakalmahin. Napatigil din si Felip at lumapit din sa akin.

"Easy ka lang tol." saad nito.

"Hayaan mo na muna siya Cullen." sabi naman ni Chastine.

Napabuntong hininga ako. Mataman kong tiningnan si Sejun. Nakatitig lamang ito sa pinto na pinaglabasan ni Vester. Nakatulala. Hindi kumikibo.

Hindi ko na talaga maintindihan kung ano ba nangyayari dito. Isang grupo kami. Imbes na magtulungan at magdamayan eh lalo pa yatang magkakawatak dahil sa mga hindi pagkakaunawaan.

Napakahirap ng sitwasyon na ganito. Bago pa lamang kaming nag uumpisa, pero bakit parang palubog na kami. Iilang buwan na lamang at magpapakilala na ang grupo namin sa mga tao tapos hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa.

Ahhhhh!!!! Napasabunot ako sa buhok ko.

Kapag hindi pa talaga bumalik sa dati itong si Vester sa mga susunod na araw, kukulitin ng kukulitin ko na talaga siya para magkwento. Hindi ko na talaga 'to kaya!!

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon