VESTER
Makalipas ang ilang oras ay napagpasyahan naming bumalik na sa aming mga kasama.
Nang nakarating kami sa pinag umpukan namin kanina ay wala na ang mga ito. Marahil ay nagsibalik na sa kani-kanilang silid.
Hinatid ako ni Sejun sa kwarto.
"Salamat sa paghatid. Nag abala ka pa. " saad ko dito.
"Walang anuman." nakangiting sagot nito. "Pahinga ka na. Maaga pa tayo bukas."
"Sige." nakangiting tugon ko.
"Goodnight. I'll go ahead." sabi nito bago tumalikod at tuluyang naglakad.
"Goodnight din." bulong ko.
Pumasok ako sa kwarto. Nagulat ako sa pigurang nakaupo sa kabilang kama. Nakapatay ang ilaw ngunit bukas ang bintana.
"F-felip." tawag ko dito. "Gising ka pa pala. Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko dito habang nakatayo pa rin sa may pintuan.
"Iniintay kita." diretsong sagot nito. "Akala ko kung nasaan ka na eh. Mukhang okay ka naman pala." sagot nito bago humiga sa kama.
"Kas-"
"Matulog ka na Vester." putol nito sa sasabihin ko sabay talukbong ng kumot.
Hindi na ako umimik pa. Siguro nag alala lang talaga sakin si Felip. Kakagaling ko nga lang naman sa sakit tapos hindi niya pa ko mahagilap.
Inayos ko ang sarili at humiga na rin sa kama. Ipinikit ko ang mga mata at natulog ng may ngiti sa labi.
***
Nakaalis kami ng resort mga bandang alas otso y media na ng umaga. Dito pa rin ako nakaupo sa likodang bahagi ng sasakyan. Ang kaibahan nga lang, si Sejun na ang katabi ko.
Habang nasa byahe ay nakikinig lang ako ng music. Bigla akong kinulbit ni Sejun. Tinanggal ko ang nakasaksak na earphone sa tenga ko.
"Can I still rest here?" tanong nito sabay turo sa balikat ko.
"Mukhang nasasanay ka na ah. Masama yan." pabirong sagot ko sa kanya.
"Why? Okay nga yun eh." nakangiting sabi nito bago tuluyang sumandal sa balikat ko.
Napangiti ako.
Hindi nawala ang mga ngiti kong yun habang nasa byahe. Nakaplaster na ika nga.
Nang makarating na kami sa Manila ay agad kaming umuwi ni Cullen sa apartment.
Umakyat ako sa kwarto at ibinagsak ang sarili sa aking kama.
Nakakapagod talagang magbyahe kahit nakaupo ka lang naman, mahinang usal ko. Ang sakit sakit ng likod ko dahil sa ngalay.
Naisipan kong magbihis muna kahit gustong gusto ko nalang gumulong sa kama.
Nasa aktong paghuhubad ako ng biglang pumasok si Cullen.
"Ay!! Anak ka ng likod!!" gulat na sabi ko. "Pambihira ka naman Cullen. Hindi ka ba marunong kumatok? Sa pagkakatanda ko may pintuan naman ang kwarto ko ah." sarkastikong saad ko dito. "Ano bang ginagawa mo dito? Bigla bigla ka nalang pumapasok ng kwarto ng may kwarto dyan?" tanong ko pa.
Ngingiti ngiti lang itong nakatingin sakin habang nakasandal sa pinto.
"Hoy! Para kang timang dyan. Bakit ka ba kasi nandito?" tanong kong muli rito habang ipinagpatuloy na ang pagbibihis.
Gusto ko na mahiga. Susme.
"Wala naman." nakangising sabi nito. "Napansin ko lang naman kanina na parang close na kayo ni Sejun. Anong hangin ang nasinghot niyo at parang naging malapit kayong bigla?" mapanuring tanong nito habang sinisipat ako.
Napatigil ako sa pagbibihis. Pinigilan ko ang pag ngiti.
"Bakit? Masama ba? Mabuti nga na okay na kami diba? Atleast hindi na awkward ang grupo." sagot ko dito.
"Asusss! Eh ano ba kasing nangyari nga at bigla kayong naging okay?" usisa pa nito sabay lapit sakin.
"Wala nga. Basta nag usap lang kami. Tapos yun, okay na." hindi makatinging sabi ko dito.
Wala naman talagang ibang nangyari saming dalawa ni Sejun eh. Bakit ba parang guiltyng guilty ako dito?
"Wala daw. Meron yun eh." ganting tugon naman ni Cullen.
"Kagabi. Hinanap ka ni Felip ah. Nagkita ba kayo?" tanong ulit nito.
Hinanap ako ni Felip. Bakit wala naman siya nasabi sakin kagabi?
"Hinanap niya ako? Hindi man kami nagkita sa labas. Nakita ko siya ay nung nasa kwarto na ako." sagot ko naman dito.
Tumango tango ito. Para naman akong iniinterrogate ng isang 'to.
"Umalis ka na nga. Kung ano ano tinatanong mo dyan. Magpapahinga pa nga ako." sabi ko sabay tulak ko sa kanya sa labas ng kwarto.
"Teka lang Ves. Hindi pa ko tapos." hirit pa nito.
Pinagsarhan ko siya ng pinto.
"Bahala ka dyang magngangawa. Pagod ako." sigaw ko dito sabay bagsak ng katawan ko sa kama.
Parang pulis kung mag imbistiga. Wala naman akong ginagawang masama. Hay naku. Makatulog na nga lang.
---
BINABASA MO ANG
Till the End [SB19 - Stelljun AU]
FanfictionIkaw lang. Hanggang sa huli. -Vester Status: COMPLETED Date Started: May 26, 2022 Date Ended: June 5, 2022