VESTER
8:00 am palang ay nasa studio na kami. Naghahanda sa puspusang pagttraining. Kailangan naming pag butihin ang pagpapractice kasi mabilis lang lumipas ang isang taon. After a year, magdedebut na kami. At inaamin ko, ngayon palang kinakabahan na ako.
Lumipas ang mga araw at buwan.
Nagkakilanlan na din kaming lima. Napili naming leader ay si Sejun. Meron kasi siyang katangian ng isang mahusay na pinuno. Firm siya sa mga rules niya at decisions na magagamit ng grupo. Napapansin ko lang na medyo ilag pa siya samin. Hindi niya pinapakita kung ano totoong emotions niya. Hindi namin siya pinipilit mag open up kasi nakakatakot siyang magalit. Attitude din minsan eh.
Si Felip naman napapansin ko, paminsan, para siyang may sariling mundo. May mga pagkakataon pa nga nakikita ko nagsasalita siya mag isa. Pero pag kinakausap naman namin, napakatipid namang umimik. Expensive yata laway nito eh. Malapit ko na nga tong itawag sa mental kung di ko lang kilala. Di joke lang. Ayos naman siya as a groupmate. Talented. Napakagaling sumayaw at kumanta.
Si Chastine naman ang pinakababy sa grupo namin. Kasi siya pinakabata. Siya din pinaka cute. Oo. Sobrang cute niya. Sarap ibulsa. Haha.
Nagpapahinga muna kami ngayon. Lunch na rin kasi. Close na kaming lahat so nagkayayaan na.
"Tara Chast. Lunch na tayo." sigaw ni Cullen kay Chastine habang may kinukuha ito sa kanyang bag.
"Wait lang Cullen. Kukunin ko lang wallet ko." sagot ni Chastine at agad ding dumukot sa bag niya.
"Hanep ka din Dre. Si Chastine lang talaga aalokin mo no? Paano naman kami aber. Ako? Bestfriend mo ko hoy." sigaw ko kay Cullen habang iniintay nito si Chastine.
"Ito naman. Napakamatampohin. Tara na. Baka gusto mo buhatin pa kita." natatawang sagot ni Cullen.
"Aysus. Kung hindi ko pa alam. Baka nga crush mo na yang si Chastine eh. Lagi mo na ngang bukambibig pangalan niya eh." pang aasar ko naman kay Cullen.
Biglang namula si Chastine. Hmm. Mukhang may something nga ah. Hahaha.
"Heh! Wag ka ngang paissue dyan Vester. Nagsasawa na kasi ako dyan sa pagmumukha mo kaya di kita inaaya." sagot ni Cullen.
"Sus. Palusot pa. Haha." patawa tawang sagot ko kay Cullen.
Nauna na rin silang lumabas. Agad ko namang inaya si Felip at Sejun.
"Felip, Sejun. Tara na. Lunch na rin tayo." sabay tingin ko sa kanila.
Agad namang tumayo si Felip at sumunod sakin.
"Mauna na kayo. Busog pa ako." malamig na tugon ni Sejun na agad ding bumalik sa ginagawa niya.
Mukhang wala na naman sa mood si Sejun ah. Ano na naman kayang problema niya? Hirap niya din kasing espelingin eh. Hindi manlang nagkkwento. Bahala siyang magutom.
Naglakad na kami papunta sa paborito naming kainan. Panigurado nauna na doon yung dalawang lovebirds. Haha.
Nang makarating kami ay agad kong tinanong si Felip.
"Anong gusto mo Felip?" tanong ko dito.
"Kanin at chicken nalang." sagot naman nito.
"Ulit?" ganting tanong ko. "Yun na kinain mo kahapon ah. Tsaka nung isang araw. At nung isang isang araw. Di ka ba nagsasawa?" tanong ko habang nagtatakang nakatingin dito.
"Oh. Bakit? Masama ba? Masarap naman ah." tugon niya sakin na salubong na salubong ang kilay.
Yari. Mukhang nagalit pa ata. Parang may mga regla kasama ko sa grupo ah. Ikaw naman kasi Vester. Napakapakialamanin mo.
"Ah hehe. Hindi naman. Sige na. Umorder kana ng chicken mo. Hehe." halos nakangiwing sagot ko dito.
Napazipper nalang ako sa bunganga ko pagkatapos.
After namin kumain ay agad na kaming bumalik sa studio upang makapagsimula ulit ng practice. Nandun pa rin sa pwesto niya si Sejun.
Mukhang di talaga gutom ah, bulong ko sa aking sarili.
Natapos kami mga bandang alas syete na rin ng gabi. Hindi na naman ako makakapagpart time nito. Gabing gabi na eh. Tsaka sobrang sakit ng katawan ko at sobrang pagod.
Gusto ko na matulog, mahinang usal ko sabay hawak sa aking batok.
Nagpaalam sakin si Cullen na mauuna ng bumaba dahil ihahatid niya si Chastine sa kotse nito.
Tapos sasabihin niya sakin na gumagawa lang ako ng issue. Paanong wala lang yun eh may pahatid pa sa parking na nalalaman. Asuss!
Hindi ko namalayan na nakaalis na rin pala si Felip. Nag aayos kasi ako ng mga gamit ko. Kami nalang ni Sejun ang nandito sa studio.
Nilingon ko siya ng tingin. Busy siya ngayon sa pag aayos ng string ng gitara niya. Nasira siguro kanina.
"Tara na Sej. Uwi na tayo." akit ko dito.
"Mauna kana." matipid nitong sagot.
"Gabi na. Bukas mo na yan ayusin." saad ko dito.
Hindi ito natinag at patuloy pa rin sa pag aayos ng gitara.
"Hindi ka na naglunch kanina, dinner time na. Gugutomin ka niyan." pagpapatuloy ko.
"Umalis ka na." sagot ni Sejun.
Hindi ko alam kung bakit pero parang may nagtutulak sakin para paalalahanan siya ng ganito. Hindi kami ganun ka close. Siya ang pinaka least na maituturing kong close ko sa grupo. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag alala para sa kanya. Siguro dahil ganto talaga ako. I tend to care for others more than myself.
"Sej." sambit ko ulit.
Hindi ko namalayan ay nasugatan na pala ang kamay ni Sejun. Agad akong lumapit dito para tumulong na gamutin ang sugat niya.
"Okay ka lang ba?" tanong ko rito. Agad kong kinuha ang kamay niya.
"Mukhang malalim ang sugat. Saglit lang. Kukunin ko lang yung first aid kit." binitawan ko ang kamay niya at akma ng tatayo."Leave."
Napatanga ako. Napatigil sa pagkilos.
"Hah? An-"
"I SAID LEAVE!!! ARE YOU F*CKING DEAF OR JUST STUPID?? LEAVE NOW! I DONT NEED ANYONE!!" malakas na sigaw nito.
Napamaang ako. Hindi ko namalayan na umaagos na pala ang luha mula sa mga mata ko. Umiiyak ako.
Ang sakit.
---
BINABASA MO ANG
Till the End [SB19 - Stelljun AU]
FanfictionIkaw lang. Hanggang sa huli. -Vester Status: COMPLETED Date Started: May 26, 2022 Date Ended: June 5, 2022