VESTER
Nagising ako ng may maramdamang may marahang humahaplos sa buhok ko.
"Hey." nakangiting bati nito sa akin. "Good morning."
Napakagwapo. Wala yatang oras na di 'to gwapo eh. Kahit bagong gising. Hayss. Kamusta naman maging paborito ni Lord?
"Good morning din." nakangiting ganti ko sa kanya.
"How was your sleep?" tanong nito habang patuloy na pinaglalaruan ang buhok ko.
"Okay lang naman. Ikaw? Di ba masakit ulo mo?" tanong ko sa kanya. Baka may hang over pa 'to dahil sa dami ng ininom kagabi.
"Depende kung aling ulo." nakangising sagot ni Sejun.
Nahampas ko siya ng kamay sa dibdib. Bigla akong namula. Naalala ko na naman tuloy yung nangyari kagabi. Nakakahiya talaga!!
"Haha. Biro lang. Okay lang ako. Malakas to sa inuman." sagot nito.
"By the way. What do you want for breakfast? I'll cook." tanong niya sa akin.
"Weh? Ikaw? Magluluto?" takang tanong ko.
Never niya pa kasi kami pinaglutuan. Even kaming dalawa lang magkasama. Ako yung laging nagluluto.
"Yes. Of course. Are you doubting my skills in cooking?" nakataas ang kilay na tanong nito.
I know he's great at all things that I can list, so tingnan nalang natin when it comes sa pagluluto.
"Fine. Let's see what you can do." I smirked. "Breakfast lang naman yan so my expectations are not that high."
Tumayo ito at nagbihis ng damit.
"Anong breakfast lang? Breakfast kaya most important meal of the day. So wag mo nila'lang' yun. Tsaka made with love yun kaya may extra effort." nakangiting katwiran nito.
Hahaha. Daming hirit talaga eh. Hindi talaga nagpapatalo. Leader indeed.
"Sige na. sige na. Dami pang chika. Bilisan mo na at gutom na ko." taboy ko sa kanya.
"Ito na po mahal na hari. Pagsisilbihan na po." sagot ni Sejun bago tuluyang lumabas ng kwarto.
I smiled nung makaalis siya. May sweetness din talaga siyang tinatago sa katawan. Napakadalang lang talaga niya ilabas.
Ganito kami for some time na. We act like this when we're alone and together. Medyo magulo kasi we act like we're in a romantic relationship but walang formality. I already admitted to myself na gusto ko siya. I'm just not so sure if this is already love. And hindi ko rin alam ano ba talaga ko para sa kanya. Ganito lang ba talaga siya or what. I don't really know.
But now, sobrang saya ko. Kasama mo ba naman yung taong gusto mo most of the time, di ka ba sasaya nun? I was jolly before pero mas ngayon. Sobrang saya to the point na minsan I tend to overthink na. There's so many what ifs arising at the back of my head. Pero sinasantabi ko nalang muna. Bahala na, bulong ko.
Nakalipas ang 30 minutes when I decided to go to the kitchen. There's no sign of Cullen and Chastine sa sala so maybe tulog pa sila. Lasing na lasing ba naman si Cullen. Baka mamayang tanghali pa yun magising.
Naamoy ko ang niluluto ni Sejun. Ang bango ah, mahinang bulong ko.
Nang makarating ako sa kusina ay nakita ko siyang nakaharap pa rin sa stove.
I was just staring at his back when he spoke.
"Loving the view?"
Medyo nagitla ako. Napansin niya pala ako. Grabe talaga kasharp ang senses ng taong 'to. Minsan out of this world na eh. Alien ata. Joke lang. hehez.
"Come sit here. Malapit na ko matapos." sabi nito habang hindi pa rin inaalis ang sarili sa ginagawa.
Umupo na ako sa chair.
Di nagtagal ay nilapag na niya sa lamesa ang mga niluto niya.
Its just sinangag, sunny side up egg, fried hotdog, and a cup of milk. Napakasimple nito pero grabing kabag ang nararamdaman ko. As if may nagpapartyng butterflies sa tiyan ko.
I decided to slightly tease him.
"Ito lang? Ito na yun?" medyo disappointed na tanong ko.
Nangunot ang noo nito.
"Why? That's the fruit of my labor. You don't like it?" malungkot na sagot ni Sejun.
"No. Medyo common lang." sagot ko.
I'm sorry pero medyo natatawa na ko sa reaksyon nya. I know, ang bad ko.
"Okay." napatungo ito. "I'll prepare you something new. Tabi ko nalang to for Cullen and Chastine." at akma ng bubuhatin ang mga plates.
I stopped him. Hinawakan ko ang braso niya.
"I'm sorry. I was just kidding."
Napatigil ito. Nag angat si Sejun ng tingin at nakita ko na may mumunting luha na sa gilid ng kanyang mata.
Oh my God! What have I done?
Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Kinuha ko sa kamay niya ang mga plato na may lamang pagkain at binaba ito sa lamesa.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
"I'm sorry. I'm sorry for joking like that. Hindi ko alam na ganyan magiging reaksyon mo." alo ko sa kanya habang hinihimas ang likod.
"I thought you really don't like it and my effort will just go to waste." saad niya habang mahinang humihikbi. "I know that i'm not so good at cooking like you but that's the best that I can do. I'm sorry." dugtong pa nito.
Now, I feel really bad. Kahit joke lang yun.
"No. Don't be sorry. Pinaghirapan mo yan" pertaining to the food. "Kahit simple lang, hinding hindi ko pa rin 'to ipagpapalit sa kahit anong breakfast na pwede kong kainin. Because these was made by you. I really appreciate your effort Sej. Thank you." buong puso kong sagot sa kanya.
He hugged me back. I'm really falling deep.
Matapos ang eksenang yun ay agad na kaming kumain.
---
BINABASA MO ANG
Till the End [SB19 - Stelljun AU]
FanfictionIkaw lang. Hanggang sa huli. -Vester Status: COMPLETED Date Started: May 26, 2022 Date Ended: June 5, 2022