Chapter 25

86 6 0
                                    

CULLEN

Love will always put you in pain. Love will always find it's way to broke you into pieces. Kaya ayoko mainlove eh.

Nandito ako ngayon sa apartment. Kauuwi ko lang. Alam kong nasa kwarto na niya si Vester.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko kanina. May fiancee na si Sejun? We don't have any single clue about that. Even Vester didn't knew.

Alam ko. Actually alam namin ni Chastine. Na there's something between them. Ayaw lang namin silang usisain at pangunahan. We want them to be vocal about what they really feel to each other. And tanggap namin sila.

That's love eh. That's what we thought atleast.

Pakiramdam ko may bombang sumabog sa studio kanina. Mahina lang ang pagkakabanggit nung babae, ni Pia pala na fiancee siya ni Sejun pero parang nabingi ako sa sobrang lakas. Agad ko noong tiningnan ang reaksyon ni Vester at punong puno din ito ng pagkabigla. Turn into pain. Into hatred.

I know he is so devastated at the moment and I also know na wala akong magagawa. I want to help. I want to ease his pain pero hindi ko kaya. Sa ngayon, walang may kaya. It's just himself.

Mataman kong pinagmasdan ang pintuan ng kwarto niya. Gusto ko itong katukin. Gusto ko siyang kausapin.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit sa kwarto niya.

"Ves." mahinang tawag ko.

Walang sumagot.

"Ves. It's me Cullen." napabuntong hininga ako. "Are you okay?" what a stupid question Cullen. Of course he's not okay. Nasapok ko ang sarili.

"I'll leave you alone now. But if you need someone to talk to, nasa kwarto lang ako hah." saad ko bago nakatungong nagpunta sa room ko.

Napahiga ako sa kama.

Haysss.

Hirap talaga mainlove. Kaya ayoko subukan eh.

Biglang tumunog ang cellphone ko. May nagchat.

@chastorres: How's Vester?

Nag aalala pa din siya kay Ves. Nagulat din siya kanina ng maging ganun ang sagot sa kanya ni Pia. Ngumiti na lang si Chast kasi ganun siya. Mabait talaga.

@cullenA: Ayun. Nagmumukmok sa kwarto niya.

Nalungkot muli ako.

@chastorres: Kawawa naman siya :(

@cullenA: I know. Pambihira naman kasi 'tong si Sejun eh. Hindi manlang sinabi. Okay lang sana kung satin lang niya nilihim pero pati ba naman kay Vester. Di manlang niya pinaalam. Nagmukha tuloy tanga yung tao. Nakakainis!

@chastorres: Kalma ka lang Cullen. Baka may reason naman si Sejun why he didn't tell us.

@cullenA: and what acceptable reason would that be? Ang sabihin mo makasarili lang talaga siya. Oo. Mahirap umamin. Pero mas mahirap magsinungaling lalo kung alam mong may masasaktan ka. Napakabait ni Vester para tarantaduhin niya. Gago siya!

@chastorres: Cullen... I know you're hurt as well because Vester is your bestfriend but please don't make judgments like that without listening to both ends. Easy ka lang okay, papangit ka niyan :)

@cullenA: Fine. Fine. If you say so. But  I won't agree sa last na sinabi mo. Forever pogi 'to. Hahaha.

@chastorres: Kapal mo po. Ikaw na talaga. Haha.

Natawa nalang ako sa pag uusap naming yun. Medyo naibsan ang inis ko kay Sejun. Salamat kay Chastine. Alam niya talaga kung paano pagaanin ang loob ko.

@chastorres: I have to go na pala. I'm helping mom to prepare dinner. Wag na magalit ah. Tatanda ka agad niyan. Haha. See you tomorrow :)

Napangiti ako.

@cullenA: Okay. Take care. See u tom :)

We ended our conversation. I decided to take a shower to cool my head. That will help also.

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon