Chapter 14

97 9 0
                                    

VESTER

Nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa aking balikat.

"Ves. Vester." tawag ni Felip sakin.

Di ko namalayan na nakabalik na pala siya. Nakaidlip pala ulit ako.

"Kumain ka na para magkalaman ang tiyan mo at makainom ka ng gamot." sabi nito pagkatapos ipatong ang dala dalang tray at isang plato ng pagkain sa lamesang nasa tabi ng kama ko.

Tumango ako.

Inalalayan nya ako upang makaupo ng maayos.

Kinuha niya ang isang bangko at itinabi sa kama ko. Kinuha niya ang mangkok na naglalaman ng pagkain at akma akong susubuan.

Napaiwas ako. Bigla akong nailang.

"Ako na. Kaya ko naman Felip." saad ko dito sabay kuha sa mangkok na nasa kamay niya.

"Kain ka na rin. Hindi ka pa yata kumakain." sabay tingin ko sa isang plato na nakapatong sa lamesa. "Sabayan mo na ako. Mas masarap ang pagkain kung may kasabay." nakangiting sabi ko dito sabay subo ng pagkain.

Napangiti rin naman si Felip at nagsimula na ring kumain.

Nang matapos ako ay agad kong ininom ang gamot at nagpaalam dito na matutulog na.

Tumango lamang ito sa akin.

Sana magaling na ako bukas, mahinang usal ko sabay pikit sa aking mga mata.

***

Nagising ako dahil sa sikat na tumatama sa akin. Nakakasilaw.

Hindi pala sinarado ni Felip ang bintana kagabi.

Nasa kasarapan pa din ito ng pagtulog. Iiling iling ako at napangiti. Wala talaga sa bokabularyo nito ang paggising ng maaga bulong ko sa aking sarili.

Tiningnan ko ang cellphone ko para icheck ang oras. Wala pang alas sais. Maaga pa nga.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Mukhang wala na akong sakit. Salamat naman. Nag inat inat ako ng kaunti bago napagdesisyonang bumaba.

Nakita ko sina Ate Raph at Ate Sam na nagkakape. Lumapit ako sa kanila.

"Oh nandito ka pala Vester. Okay na ba pakiramdam mo?" tanong ni Ate Raph.

"Okay naman na Ate. Mabuti nga at gumaling ako agad. Mukhang abot pa ko sa last night natin dito." pabirong sabi ko.

"Haha. Oo nga no. Balik na naman nga pala tayo sa Manila bukas." saad ni Ate Raph.

"Buti nalang kamo at magaling mag alaga ng maysakit itong si Felip." nakangising sabi ni Ate Sam sabay kurot sa tagiliran ko.

Napatawa nalang ako. Hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat kay Felip. Mamaya nalang siguro pag gising niya.

Maya maya ay dumating na din sina Chastine, Cullen, at Sejun.

"Dre. Ano kamusta? Okay na ba pakiramdam mo? Di ka na ba nilalagnat?" tanong ni Cullen sakin sabay salat ng noo ko.

"Oo Dre. Okay na ko. Salamat." sagot ko naman dito.

"Glad you're okay." tipid na sabi naman ni Sejun. Ngumiti lang ako at tumango.

"Sasama ka ba samin mamaya Ves?" tanong ni Chastine. "Pupunta sana kami sa kabilang island, mag ddiving. G ka ba?" dugtong na tanong nito.

Napaisip ako. Gusto ko man sumama pero baka mabinat lang ako. Baka lalong di ko masulit ang last day namin dito.

"Di na Chast. Kayo nalang. Baka biglang sumama ulit pakiramdam ko eh. Enjoy nalang kayo. Dito nalang muna ko sa malapit magsasight seeing." sagot ko dito.

"Sure ka?" ganting tanong nito.

"Oo. Bawi nalang ako mamayang gabi." sabi ko.

Tumango nalang ito gayundin ang iba.

Nagsidatingan na ang iba pang mga staff. Si Felip na nalang ang kulang.

"Pambihira talaga itong si Felip. Kahit saan mo dalhin, laging late. Anong oras na. Hindi pa tayo nakakapag almusal. Baka iwanan na tayo ng bangkang sasakyan natin papunta sa kabilang isla." litanya ni Ate Raph.

Napakastrikto talaga nito pagdating sa oras. Kaya laging may sermon si Felip na natatanggap mula sa kanya eh. Di naman nadadala si Felip. Hay naku.

"Sige Ate Raph. Akyatin ko na si Felip sa kwarto." paalam ko sa kanila sabay tayo.

Binuksan ko ang kwarto. Kung anong pwesto niya kaninang umalis ako ay ganoon pa rin ang pwesto niya ngayong pagbalik ko. Napakatulog mantika talaga.

"Felip. Felip. Gising na." tawag ko dito habang inuug-og. "Kanina ka pa nila iniintay sa baba. Magbbreakfast na daw. Galit na si Ate Raph." sabi ko habang patuloy sa pag ug-og sa kanya.

Napabalikwas naman ito. Mukhang natakot sa sinabi ko. Napatingin ito sa akin.

"Okay ka na ba? Wala ka na bang lagnat?" tanong nito sa akin.

"Oo. Okay na ko. Salamat nga pala sa pag aalaga sakin kagabi hah." nakangiting sagot ko.

"Wala yun." sabi nito sabay bangon sa kanyang kama.

"Tara na. Baka masermonan ka pa lalo ni Ate Raph." natatawang sabi ko rito habang palabas ng kwarto.

Hindi na nakapaghilamos pa si Felip. Mabilis itong sumunod sa likuran ko. Hahaha. Takot talaga kay Ate Raph, natatawang bulong ko.

Nang makarating kami sa baba ay agad na nagsimula kaming mag almusal.

Matapos noon ay nagpaalam sila sa akin na aalis na sila. Inakit pa nila ako ng makailang beses pero tumanggi ako. Ayokong mabinat. Mahirap na.

Nang makaalis sila ay bumalik muna ako sa kwarto at humiga. Di ko namalayan na nakatulog na naman pala ako.

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon