Chapter 22

88 7 0
                                    

VESTER

Cullen and I decided na magresign na sa coffee shop. Mas nagiging hectic na ang sched namin. Which is a good thing. We slowly getting the recognition na pinapangarap namin. Hindi man mabilis pero paunti unti. Naffeel namin na umaangat na kami. I'm so grateful for everything that's happening right now. I couldn't ask for more.

Ako palang mag isa ngayon sa studio. Medyo maaga pa kaya wala pa yung iba. Si Cullen naman ay medyo masama daw ang pakiramdam ng gisingin ko kanina so I told him na sasabihin ko nalang sa groupmates namin and staffs na hindi siya makakapagpractice ngayon.

I was making my coffee when Felip entered the studio.

Diretso itong umupo sa isang gilid.

Binati ko siya.

"Good morning." nakangiting saad ko. "Coffee?" alok ko sa kanya.

Hindi ito sumagot o tumingin manlang. Napansin kong may nakasaksak na earphone sa tenga nito.

Kaya pala di niya ko narinig, mahinang bulong ko.

Umupo na rin ako sa isang bangko at ninamnam ang kape.

Nasa kalagitnaan ako ng paghigop ng  bigla itong magsalita.

"Pwede ba tayong mag usap?" mahinang sabi nito ngunit sapat lang para madinig ko.

Hindi agad ako sumagot. Baka hindi ako ang kinakausap nito. Hindi naman siya nakatingin sakin eh.

Nag intay ako na muli itong magsalita. Tumingin si Felip sa akin.

"Ako?" turo ko sa aking sarili.

Tumango ito.

"Sige." sagot ko dito.

Tumayo ito. Sinundan ko lang siya. Paakyat kami sa rooftop.

Tungkol saan kaya pag uusapan namin? Nakakapagtaka lang kasi hindi naman siya mahilig makipag usap pero siya pa ngayon itong nag aya. Weird.

Di nagtagal ay nakarating na din kami sa rooftop. Agad siyang lumapit sa railings at pinatong ang magkabilang braso dito. Tumingin lang siya sa kawalan. Nakatanaw sa malayo. Hinahangin ang buhok nito. Gwapo din nitong si Felip eh, bulong ko sa isip ko.

Hindi siya agad umimik. Hindi ko rin binasag ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hinintay ko siyang magsalita.

Napabuntong hininga ito.

"Do you like him?" biglaang tanong niya sa akin.

Naguluhan ako.

"Anong ibig mong sabihin?" ganting tanong ko sa kanya.

"I know you know what I mean." sagot ni Felip habang nakatanaw pa rin sa malayo.

Then the realization struck me. Si Sejun. Ganoon na ba kami kahalata? Napapansin na pala nila. Siguro naghihinala na rin ang mga staffs. Bigla akong tinubuan ng kaba.

"Okay. Let me rephrase my question." humarap ito sa akin. "Mahal mo na ba siya?" at matamang tumitig sa mata ko.

I was caught off guard.

Kung hindi ko nasagot yung nauna, mas lalo akong nahihirapang sagutin itong pangalawa.

I bit my tongue for a second. I don't know what to say. His straightforward gaze is slowly eating me up.

Lumakad ako ng dahan dahan malapit sa pwesto niya. Ginaya ko ang ginawa niya kanina. Tumingin din ako sa malayo. I can see in my peripheral vision na sinusundan niya ko ng tingin.

Napasandal naman si Felip.

"Honestly, hindi ko alam." sagot ko. "Hindi ako sure."

Hindi nakatakas sa paningin ko ang saglit na pagkuyom nito ng kamao. Muli itong bumuntong hininga.

"Bakit?" tanong niya sa akin.

Hindi ko alam kung para saan ang bakit na yun. Yun ba ay bakit, dahil hindi ako sigurado o may iba pang pinatutungkulan ang tanong na yaon.

Napangiti ako. Naalala ko saglit ang mukha ni Sejun.

"Hindi ako sigurado kung pagmamahal na nga ba ito. Pero sigurado ako na gusto ko siya at masaya ako sa twing magkasama kami." sagot ko sa kanya.

Napatungo si Felip.

"Kung ang tinatanong mo ay rason kung bakit ko siya gusto, wala akong konkretong maidadahilan sayo. Siguro may mga bagay talaga na hindi natin kayang ipaliwanag pagdating sa mga usapang ganito." dugtong ko.

"Ngayon lang ako hihiling sayo Felip. Sana mapagbigyan mo." saad ko sabay tingin sa kanya.

Hindi pa rin ito nagsasalita.

"Sana ay sa pagitan nalang nating dalawa ang bagay na ito. Sana maintindihan mo."

May pinahid siya sa kanyang mga mata bago nag angat ng tingin.

"No worries. I won't tell nobody." pilit ang ngiti niya. Halata ko.

Isinilid nito ang mga kamay sa bulsa.

"Sejun is so lucky." napatingin ito sa kalangitan.

Napatingin din ako sa itaas. Biglang kumulimlim. Mukhang uulan.

"I wish I can be Sejun. Kahit isang araw lang." malungkot na sabi nito bago ako tiningnan.

I can see pain in his eyes. Hindi ako tanga para hindi maintindihan kung anong ipinapahiwatig niya.

"Baba na tayo." sambit nito bago tuluyang humakbang paalis ng rooftop.

I'm sorry Felip. I really do. Hindi ko kayang ibalik yang nararamdaman mo, mahinang bulong ko bago lisanin ang lugar na yun.

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon