Chapter 27

88 8 0
                                    

CULLEN

A month had already passed since that incident happened. Tila ba nagkaroon ng lamat ang grupo namin. I knew na makakaapekto yun sa group and it's going worst each day. Our fans may not know cause we act professional when we're in front of them but inside, we're in a mess.

Hindi pumasok si Vester after that day. I thought nakakulong lang siya sa kwarto niya at nagmumukmok. When I came home, I saw he already packed his bag and decided to live by himself.  Alone.

I tried to stop him kasi alam kong ayaw nyang nag iisa pero hindi siya nagpapigil. Wala akong nagawa but to respect his decision.

Sejun didn't came to studio the next day as well and I don't fvcking care kung nasaang lupalop siya ng mundo matapos niyang saktan ang bestfriend ko.

Naiinis pa din ako sa kanya. I want to punched him hard pero pinipigilan ako ni Chastine.

Katatapos lang namin mag record ng video na ipopost sa aming socmeds. It was a showbreak game so masaya lang kami and enjoying the shoot all throughout. But after the lense was off, bumalik muli kami sa dati.

Tahimik, walang nagkkwentuhan, walang nag aasaran. May kanya kanyang kaming pwesto at tila ba hindi kami magkakakilala.

Masakit.

Masakit na naging ganto ang grupo namin. Marami na din kaming pinagsamahan. We we're with each other through thick and thin. Kapag may mga problema or issueng binabato sa amin, we conquer it together. And nalalagpasan namin yun kasi we never gave up. We stay as five and we promised that we will remain as five.

Sh!t really happens.

It's lunchbreak.

Umalis si Vester sa studio. Wala ni isa siyang inimikan sa amin. I don't know kung san siya pupunta but I know he wants peace.

Inaya ko nalang si Chastine na kumain.

I really want someone to be with right now. Hindi ko kinakaya ang mga gantong eksena sa pagitan naming lima.

"Chast. Let's eat." mahinang aya ko sa kanya.

Nagitla ito. Ang lalim naman yata ng iniisip nitong si Chastine.

"A-ah. Sige." pag sang ayon niya.

Bago ko palang aalukin si Felip na sumama samin para kumain ay agad na itong nakatayo at umalis.

Kami nalang ulit ni Chast. Lagi naman.

Hindi ko binalingan ng tingin si Sejun na nakamasid lang sa amin. Wala kaming narinig na paliwanag mula sa kanya. Kaya bahala siyang mag isa. Magsama sila nung fiancee niya.

Tumayo ako at lumakad. Sumunod naman sakin si Chastine.

"Bakit parang nagulat ka nung tinawag kita kanina? Ang lalim yata ng iniisip mo. May problema ka ba?" tanong ko dito.

Hindi ito nakatingin. Nakatungo lang ito habang naglalakad.

"Wala naman." mahinang sagot nito.

Napatango ako.

"P-pero m-may gusto sana akong sabihin sayo Cullen eh. Okay lang ba?"  nauutal na tanong nya.

"Oo naman. Ano ba yun?"

"Pwede bang wag dito." luminga linga ito. "Kahit sa parking nalang sana. Saglit lang naman."

"Sige. No problem." nakangiting sagot ko.

Di nagtagal ay nakarating na kami sa parking. Mukhang napakaimportante naman ng sasabihin nitong si Chast at talagang kelangang kaming dalawa lang ang makarinig.

Hinintay ko siyang magsalita.

Hindi ito umiimik.

"Hoy. Ano ba yung gusto mong sabihin? Para namang naputol dila mo dyan." pagbibiro ko dito.

Mukha kasi siyang tense na tense.

"A-ah a-ano k-kasi eh." paputol putol niyang sagot.

"Ano nga kasi yun?" pagmamadali ko sa kanya. Nagugutom na kaya ako no.

"Cullen, kasi g-gusto k-kita." nakatungong sabi niya.

Nabigla ako. Ano raw? Gusto niya raw ako??

"Oo. Gusto kita. Hindi bilang kaibigan. Higit pa dun." sabay tingin sa akin.

Hindi ako nakagalaw. Hindi agad ako nakareact.

"But please Cullen, sana walang magbago sa pagitan nating dalawa dahil sa pag amin kong to."

"I can accept kung hindi mo ako gusto pero hindi ko kakayanin kapag pati ikaw umiwas na rin sakin." humihikbi siya.

Bigla akong natauhan.

No. Ayokong nakikita siyang umiiyak.

Pero hindi ko alam kung gusto ko rin siya. I might be just attached. Dahil ganun ako but I don't know.

Pinunasan ko ang mumunting luha sa gilid ng kanyang mata.

"Don't cry Chast. It's fine. Okay lang sakin kung yan yung nararamdaman mo. Hindi kita iiwasan." alo ko dito.

"But hindi ko alam kung kaya kong ibalik yang feelings mo para sakin. Wala pa sa hinagap ko ang makipagrelasyon ngayon. Lalo pa't nagiging ganto ang grupo natin dahil sa letseng love na yan." medyo pabiro kong sabi.

"I understand. Okay na sakin yung alam mo at hindi ka galit. I don't want to lose one more person that I truly care." ngumiti ito. "Thank you." he genuinely said.

Napangiti din ako.

"Yan. Dapat lagi kang ganyan. Happy lang." sabi ko sabay tapik sa balikat niya.

"Tara na. Gutom na gutom na ko." aya ko sa kanya sabay muling naglakad.

Sumunod ito sa akin at umakbay.

---

Till the End [SB19 - Stelljun AU]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon